Press Release
February 1, 2011

Transcript of interview of Senator Teofisto Guingona (Unang Hirit)

STLG: Good morning Mareng Winnie. Good morning Igan.

Mareng Winnie: What do you expect to find out in these investigations? Lahat ata ng chief of staff imbitado, lahat yata walang maalala.

STLG: Unang-una let me start with some good news. **Noong nakaraang linggo hindi pumunta ang ombudsman sa hearing, pero ngayon pumayag siya at sinabi na pupunta sila sa hearing sa Thursday.

Mareng Winnie: Naku. Parang utang na loob mo pa na pupunta sila.

STLG: Pero ang punto ko dito hindi maganda sa isang institusyon ang may banggaan. So as much as possible , we have cooperation and they have agreed to cooperate

Mareng Winnie: Sasabihin niyo din iyon sa Ombudsman kasi ang nagbabanggaan ay ang Ombudsman at ang office of Solicitor General tungkol same thing.

STLG: Hindi banggaan iyon. Pukpukan iyon.

Igan: Ikaw ba noong nakikinig ka noong hearing senator, anong nakikita mo na hindi lang pala problema natin si General Garcia ang problema natin pati din pala buong Armed Forces yata.

STLG: Yes, talagang nakakagulat kasi as the hearing goes, parang palaki ng palaki. It branches out. Nag-umpisa lang ito sa simpleng plea bargain agreement and then naging buong military institution. Ngayon, another insitution ang titignan pa natin sapagkat madami din issues sa COA. Even international dimension sapagkat yung United Nations funds na binigay sa atin ay nabulsa na din according to the report of Heidi Mendoza.

Mareng Winnie: Ano yung sinasabi nila ngayon na 154 million na akala niya ibibigay kay Villanueva, eh yung humihingi siya ng pera kay Villanueva noong may sakit siya. Hindi alam ni Villanueva na mayroon pala. How is that?

STLG: We can only rely on 2 things: if they submit an affidavit which is an official document kasi sinumpang salaysay na iyon or tumestigo sila sa senado.

Igan: Ano ang epekto ng pagsampa ng kaso ni Sen. Angie Reyes sa imbestigasyon. Ang mangyayari diyan , yung mga whistle blowers paano pupunta ng hearing iyon kung idedemanda ng mga naakusahan?

STLG: I don't think so. Anyway may parliamentary immunity

W: Well ano naman impact nito sa military? Do you think na magkakaroon tayo ng coup because the military chiefs at mga senior officers nadadala? Ano mangyayari?

STLG: Hindi magrerebelde sa baba. Actually, yung baba ang biktima eh. Hindi lang ang nasa baba ang biktima. Sapagkat pera ng taong bayan ito.

Igan: Senator eto ah para di tayo nalilihis ay ang iniimbestigahan niyo ay si Gen. Garcia at ang plea bargaining.

STLG: Yes, that's true. Pero may connection eh. Sapagkat sinabi ni Col. Rabusa na kasama niya at kakunchaba niya si Garcia dito. So in fact yung lakas ng plea bargain agreement, agreement ba yun o kasunduan o ayusan, I don't know. Pero lalo lumakas yung kaso na meron na hindi dapat natuloy itong plea bargain agreement. Sapagkat dun naisahan ang taong bayan. Mareng Winnie: Last question Senator Guingona ah. Eto ba magkakaroon ng report? Ang daming daming na senate hearings na walang report na lumalabas. Ito ba'y lalabas o magkakaroon ng ayusan nanaman?

STLG: Ang mangyayari po ay we will go back to the layunin ng investigation which is in aid of legislation. So ang kalalabasan nito ay report, tapos may kasamang mga panukalang batas or bills so that it can be reformed. Mareng Winnie yung ganun ang titignan natin dito ay institution na sapagkat sinabi nila na etong practice na to ay number one traditional, and cultural. So ang ibig sabihin nito ay malalim na ito at talamak na ito.

Igan: Pwede ba magrekomenda ang committee ng plunder case?

STLG: Of course. Recommend.

Igan: So dapat magkasundo kayo ng congressman kc nakalagay dyan ang bagsak ng kaso pag dumating ang araw, sina Angie Reyes at iba pang chief of staff ay magplea bargain na rin. Ganun din mangyayare.

Mareng Winnie: When can we expect the hearing report out? Baka 2 years tayo maghihintay

STLG: The way it's going (inaudible). It's not a final report but an interim report.

Igan: In the meantime, ano balita dyan? Yung bagong chief of staff ni Pangulong Noy? Tumigil na ba yang buwan buwan na payola?

STLG: I suppose so.

Mareng Winnie: Wala na bang since 2005? Nang nadivide nila. Kaya kung titignan niyo kung ano kaya ang epekto ng dividing ng responsibilities of the comptroller chief, eto ba'y lumawak?

STLG: May statement si Col. Rabusa na this practice goes down to layers eh.

Igan: Okay senador. Maraming salamat pos a pagpunta.

News Latest News Feed