Press Release
December 21, 2009

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' INTERVIEW AFTER THE SENATE TRADE AND COMMERCE HEARING ON THE TELCOS'
DISAPPEARING LOADS

MAR: Malinaw dito sa hearing na hindi tinupad ng buo at matapat ng mga telcos ang utos ng NTC. At ang isyu ngayon, sino ba ang masusunod? Ang NTC, 'yung gobyerno, na siyang nagsusulong ng kapakanan ng mga mamimili. O kaya naman itong mga telcos na ito. Saan ka nakakita na para sumunod lamang dito sa per pulse billing, 'yung mas murang billing, kakailanganin pa na pumindot ng iilang mga dagdag na numero. At 'yung ibinigay na per pulse billing ay 'yung kung tatawag ka sa loob ng kanilang sistema. Pero kung tatawag ka sa labas ay balik ka sa P7 per minute at kahit bahagi lamang ng minuto ang na-konsumo mo, isang buong minuto ang sisingilin sa iyo. Kung baga sa palengke, dalawang guhit lang ang timbang ng nabili, isang kilo na ang sisingilin sa iyo.

Patuloy nating itutulak ito, patuloy nating sisiguraduhin ang kapakanan ng ating mga mamimili nag siyang masusunod at siyang itataguyod ng ating gobyerno.

Natutuwa ako na ang ating mga consumers ay kabalikat natin, kasangga natin. Meron ngang isang consumer na nagreklamo, 28 gulang, taga-Marikina, isang nagngangalan ng Tina Mendez, talagang masigasig niyang inireklamo na kahit pa pindutin sa mga numerong ito, itong 232. talagang hindi papasok itong text na 'yan. Itong mga telcos na ito, hindi sila matapat na sumunod sa utos ng gobyerno. Kung meron silang kakabahagyang pagsunod, nasa teknikalidad pero 'yung kabuuan ng kanilang negosyo, dinipensahan nila ang kanilang kita at hanggang sa ngayon ay hindi pa talaga napapakinabangan ng ating mga kababayan itong per pulse lower charging sa tawag.

Q: Anong puwedeng gawin ng Senado sa kanilang defiance?

MAR: Tayo naman sa Senado, takbuhan tayo, reklamuhan tayo ng taumbayan. Iyan ang role na ating ginagampanan, tinutulak natin at pinapalakas natin ang loob ng NTC na siya naman talagang regulator nitong telcos na ito.

Ang magagawa din ng lehislatura, pero siguro sa susunod na Kongreso na ito dahil kapos na nga sa oras, ay repasuhin ang prangkisa (franchise) nitong mga telcos na ito. Na hindi maaari na kung ano-ano na lang ang sisingilin nila sa ating kababayan.

Kinikilala natin na bilyon-bilyon din ang investment dito. Pero hindi naman dapat na basta-basta na lang, na puro kabig na lang, kabig sa kaliwa, kabig sa kanan ang kikitain nila dito kahit na-meet na o naibalik na ang kanilang puhunan dito. Dapat reasonable naman ang kanilang kinikita. At pangalawa, resonable din ang kanilang singil sa ating mga kababayan, lalo na dito sa napakaselang isyu ng per minute at per pulse na singil. Hindi tama ito, na isang minuto ang singil kahit pa ang gamit lamang ay sampung minuto o dalawampung segundo.

Q: Kelan ang deadline?

MAR: Pinalakas na natin ang loob ng NTC. Si Senate President Enrile, si Senador Mar Roxas susuporta sa NTC para magmatigas sila at mabantayan ang kapakanan ng ating mga mamimili.

Q: Wala pa raw ang implementing rules from the NTC? Kailangan pa ba itong IRR na ito?

MAR: May mga proseso ang NTC at mahirap naman na mag-comment pa kami diyan. Ang punto dito, merong regulatory agency na supposed to be ay ginagawa nila ang lahat, may due process ang lahat, para maitaguyod ang kapakanan ng sambayanan. Ang pinaka-importante dito, ang pinaka-garapal dito, 'yung patuloy na pagsingil bilang isang minuto 'yung pag-konsumo ng sampung segundo, o dalawampung segundo o kabahagi lamang nitong minuto na ito. Iyan talaga, hinding-hindi puwede na manatili at hinihimok natin, pinapatibay natin ang loob ng NTC na gawin ang lahat, file-an ng kaso, file-an nila ng kung ano-ano pang administrative measures para matigil itong pagnanakaw ng pera ng ordinaryong Pilipino.

Q: By next year they should have reverted to per pulse system?

MAR: Hindi namin mabibigyan ng reglamentary period iyan because we are not the regulator eh. Pero hindi namin papayagan na mamatay itong isyu na ito. Hindi namin pababayaan iyong ipinaglalaban na nasa wasto at nasa tama ang pagsingil nitong serbisyong ito. Mahalaga itong serbisyong ito pero hindi naman pwede na kung ano-ano na lang at kung gaano kamahal ang sisingilin nila dito. Lalong-lalo na iyong sisingilin nila sa isang bagay na hindi naman natin nagagamit, tulad nitong per minute, na pinaka-basic na isang minuto ang singil samantalang sampung segundo, dalawampung segundo lamang ang gamit.

Q: What you want is that they implement the per-pulse by default?

MAR: Yes, that's correct. Dapat, without any extra key strokes, without any extra effort, without any additional difficult on the consumers, paggamit nila ng serbisyo, Globe to Globe man o Globe to Smart, or Smart to Smart man o Smart to Globe or any other, including Sun, 'yung pinaka-basic ay nasa per-pulse.

Q: You will not accept any other recommendations, like 'yung sinasabi ng Globe na 10 cents per second, etc?

MAR: 'Yan mga dagdag na lang yan. Ang reglamento naman ay per six seconds. Now, kung gusto nilang gawing per second, that's their competitive posture. Sabihin nila sa mga consumers nila, sa mga costumer nila, dito kayo sa amin kasi kami ang singil namin bawat segundo, dun sa kabila ang singil nila bawat anim na segundo. Nasa kumpetisyon na iyan. Ang pinaka-importante ay 'yung reglamento ay nasa per-pulse at hindi sisingil nang higit dun sa ginagamit.

Q: Will the telcos have to reimburse their consumers dating back to the effectivity of the NTC order?

MAR: Well, that's in the NTC. Para sa amin, pinapatibay namin ang loob ng NTC. Pinapalakas ko ang kanilang tuhod na gawin nila ang tama. Singilin nila kung anumang itong penalties na ito, file-an nila ng kung anumang administrative charges or mag-isyu sila ng cease and desist order at iba pa para mapairal itong per-pulse billing na ito.

Q: Suspend the franchise?

MAR: They have the powers. The NTC has the powers. Pinapatibay natin ang loob, pinapalakas natin ang tuhod ng NTC na gamitin nila ang lahat ng kapangyarihan na ipinagkaloob sa kanila para umiral kung ano ang tama. Hindi tama, maling-mali ito na sumisingil kahit hindi nagagamit ang serbisyo. Iyan ang ipinaglalaban natin.

ON Pulse Asia survey

Q: Considered tie na daw kayo ni Sen. Legarda?

MAR: Lahat itong mga surveys na ito, mga indikasyon ito ng takbo ng politika. Natutuwa kami na matibay na matibay ang lead ni Senador Noynoy Aquino sa kanyang mga katunggali at ito ang nagbibigay sa amin ng lakas ng loob para ipagpatuloy 'yung pinaglalaban natin na matuwid, matapat at malinis na pamamahala na siyang pinaka-kinakailangan ng ating bansa.

Q: The results between you and Loren?

MAR: 'Yung iba pang mga kandidato, 'yan naman po ay tumataas, bumaba. Kasama po iyan sa takbo ng pagkakampanya. Nitong nakaraang dalawa, tatlong buwan, naka-concentrate ako sa kampanya ni Senador Noynoy at pagdating naman ng Enero, pagsimula na ng campaign period, magbabago at magbabago din iyan.

Q: You are not threatened?

MAR: Nandito kami, tinatrabaho namin 'yung tapat at tamang pagsingil sa mga load ng ating mga kababayan.

News Latest News Feed