Press Release
November 18, 2009

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero
at the Senate session hall

Ikaw naman kailan ka magpapasya?

Meron na pero sa tamang panahon namin iaanunsiyo ang aming pasya, definitely bago mag December 1 dahil hindi ako papayag na magpasya be default. Bago mag-a uno ihahayag namin ang aming desisyon kaugnay ng papel na gagampanan at malayang gagawin ko kaugnay ng 2010 elections.

Sir may ka-tandem ka rin o ikaw lang?

Sa tamang panahon na lamang, ayaw kong pangunahan yung pagkakataon.

Comment nyo sa resolution absolving Villar?

Sa tingin ko ang tamang venue ay ang committee of the whole, doon dapat talakayin yon at doon dapat pagbotohan yon at hindi hiwalay na resolusyon. Marahil dapat i-refer and resolusyon yon sa committee of the whole na siyang nagtatalakay ng isyung ito. Para sa gayon anumang kasagutang binigay sa kanya, marahil ni senator Villar, mapakinggan din at makuha at marecord doon sa committee of the whole.

Sa tingin nyo bagay ang Villar-Legarda tandem?

Hindi para sa akin na husgahan yan kundi para sa ating mga elector at botante husgahan at timbangin kaugnay sa pipiliin nilang mga lider ng ating bansa.

Pero hindi ka na nagulat?

Hindi na dahil matagal naman na at marami na rin naman ang usapin tungkol don, matagal nang panahon ang lumilipas, ilang buwan na ang lumilipas. Gaya nang nasabi ko masaya ako para sa kanila basta yon ang malaya din nilang desisyon, tulad nang naging malaya at magiging malaya kong desisyon kaugnay ng 2010.

Pero sir sigurado kayong sasabak sa eleksyon?

Sa tamang panahon na lamang ako magsasalita pero nandoon ang pagnanais, hindi maikakaila.

Anong plano nyo?

Kahit kailan hindi ako tatakbo sa ilalim ng administrasyon. Nasabi ko na yan ng ilang ulit na at sasabihin kong muli hindi mangyayari yan.

News Latest News Feed