Press Release
November 11, 2009

STATEMENT ON SEN. BONG REVILLA'S 2010 CANDIDACY

Gusto kong pasalamatan ang aking mga kapartido sa Lakas-Kampi dahil sa pagkunsidera sa akin bilang isa sa mga pinagpipiliang kandidato sa pagka bise-presidente.

Matapos ang serye ng konsultasyon, naniniwala ako, ang aking mga lider sa iba't ibang panig ng bansa at ang aking pamilya, na mas epektibo kong mapaglingkuran ang ating mga kababayan kung ako'y mananatili bilang senador.

Sa araw na ito ay buong pagpapakumbaba kong hinihiling sa aking mga kapartido na huwag nang ikunsidera ang aking pangalan sa kanilang pinagpipiliang makatambal ni Defense Secretary Gilbert Teodoro.

Hindi man ako maging kandidato sa pagkapangalawang pangulo ay umasa naman kayong matibay pa rin ang aking paninindigan na maisulong ang kaunlaran at kapakanan ng buong bayan.

News Latest News Feed