Press Release
November 3, 2009

TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH SENATOR VILLAR
DURING OATH-TAKING

Q: Sir, ang dami na talagang naghihintay kung may desisyon na ba talaga kayo, Sir, kung sinong magiging running mate ninyo?

MBV: Mga middle of November ay more or less ay pinlano na talaga ng partido na mag-aannounce formally ng magiging running mate natin. At ang masasabi ko lang ay halos naman napili na ng partido kung sino ang magiging running mate at yun ay ifo-formalize na lamang. At syempre may kaunting usapan yan kaya sa ngayon ay hindi namin masasabi kung sino pero at least magandang balita naman sa ating mga kapartido at mga kaibigan sa buong kapuluan.

Q: Sir, ilang percentage po na eto na talaga yung desisyon ninyo, Sir?

MBV: Well, i think ok naman at talagang sa akin naman, hindi naman tayo pipili ng hindi magaling. At siyempre ang pipiliin natin, kung saka-sakali may mangyari sa pangulo ay siya ay papalit. Kaya mahalaga na may kakayahan din ito para mamuno ng ating bansa kung saka-sakali.

Q: So when you say kakayahan, ano po, may experience? Anong klaseng experience meron itong taong ito?

MBV: Ay, hindi naman. Marami namang mga kadahilanan para sabihin nating kaya nilang magpatakbo. Maaaring gusto muna nilang mag-train. Pero sa tingin ko naman, halos lahat ng tumatakbo sa pagkapangulo pwede.

Q: Pero Sir, ano po yung hinihintay natin bago natin i-announce kung sino po siya talaga?

MBV: Hindi, actually, gusto lang namin ng marahil timing. At syempre dahil kailangan din naman na isangguni natin sa kanila kung ano ang magandang timing nito at kung ano ang sa ating mga kasamahan. Isasangguni rin natin ito formally sa council ng partido.

Q: Sir, ang maugong kasi, Sir, si Senator Loren eh.

MBV: Well, sa akin naman ay hindi naman natin pwedeng i-announce 'yan. Ang sabi ko lang, hanggang doon lang tayo sa may napili na tayo pero hindi pa tayo talaga nakahandang sabihin kung sino 'yun.

Q: Pero Sir, yung si Senator Chiz kasi, he mentioned before na parang hindi daw maaatim ng konsensiya niya na makipag-tandem sa inyo. Kakainin ba niya yung sinabi niyang 'yon?

MBV: Hindi naman. Ang sa akin kasi, hindi naman ako nakikialam sa sinuman. Ang sinasabi ko naman kasi na siyempre, alam mo, marami kaming naglaban-laban noon. Mga sampu kami noon, at halos ako na lamang ang natitira o maaaring kasama ang Pangulong Erap pala. Dalawa kaming natitira na lamang doon sa original na mga 10-18 na naglaban-laban. Alam mo, pag naglalaban-laban naman kayo ay may nagsasabi sayo ng mga bagay-bagay na maaaring dahilan 'yun sa laban-laban ninyo noon. Dahil siyempre, kapag panibagong round na naman ay iniisip ninyo naman yung mga bagong kapaligiran din at mga bagong pangyayari at yun naman ang pagbabasehan ninyo sa mga sasabihin ninyo sa darating na panahon.

Q: So, if ever, handa kayong patawarin si Senator Chiz?

MBV: Ay hindi, mahirap naman tayong mag-conclude diyan. Ang sa akin lang ay hindi ako nakikipag-away. At sabi ko nga na ako naman ay nandito lamang at naintindihan ko naman lahat ng mga mabuti o masamang sinasabi sa akin. Yun naman e kung sa kanila na lahat kami ay kumakandidato na pagkapangulo, at siyempre hindi mo maiaalis talaga yan.

Q: Sir, sabi po ni Senator Chiz hindi naman kayo nag-uusap so ibig sabihin..?

MBV: Well, ok naman eh...

Q: Isa na lang, Sir, eh. Isa na lang ang natira eh. Chiz, Loren..

MBV: Hindi naman natin masasabing dalawa lamang iyan. Maaaring mas madami yung pinagpipilian natin. Pero talagang hindi pa tayo handa na i-announce yan. At sabi ko nga, hindi naman kailangan mag-usap-usap kayo para magkasara sa mga bagay na ganito.

Q: Sir, may Noli pa ba? Nakasama po ba si Noli sa usapan?

MBV: Well, sa akin kasi mahirap mag-rule out eh. Kasi sabihin nating pag ni-rule out natin, masyado namang magiging maliwanag kung sino. Kaya sa palagay ko naman ay lahat naman ng kaibigan natin ay kasama pa rin sa pinagpilian ng partido.

Q: Sir, clue naman! Lalake o babae? Clue, Sir! Initial! Any letter? Lalake o babae?

MBV: Hindi, hindi...

Q: Sir, clue!

MBV: Hindi, walang clue sa gender yun.

Q: Kasi isa lang yung babae, 'di ba?

MBV: Lalake o babae, walang clue-clue...

Q: Sir, kasi matunog talaga si Senator Loren eh. Bigyan ninyo naman kami ng percentage.

MBV: Ay, mahirap naman yang percentage...

Q: Sabi ninyo dati, "I like trees" eh. Yun na ba yun? Kanina, Sir, may tree planting kayo eh.

MBV: Ay hindi, basta ang sinasabi ko lang naman, ang sino mang maka-partner naman ni Loren ay magmamalaki din. Ang sino mang maka-partner ni Chiz ay magmamalaki din. Anybody...

Q: Sir, sabi ni Senator Noynoy, bakit daw ang tagal ninyong makapili? Bakit daw hanggang ngayon wala pa? Nahihirapan ba kayo?

MBV: Ang deadline kasi ng filing November 30 eh. Kaya talagang noon pa plano na namin November 15. Talagang ang plano naman namin ay November 15. Wala namang nababago sa aming plano at meron kasi kaming mga timetable na sinusunod. Hindi naman kami nagkabiglaan, kasi kami ay planado talaga ito. At wala namang naggi-give-way give-way sa amin kasi.

Q: Sir, mensahe po ninyo, Sir?

MBV: Ang sa amin naman kasi ay hindi automatic yung aming choice, talagang meron talagang pagpipilian. At talagang magde-decide din kami. Siyempre gusto rin naman naming malaman kung gusto kami noong aming nagustuhan.

News Latest News Feed