Press Release
October 23, 2009

Transcript of interview in DZRH with Joe Taruc with Sen. Manny Villar

Q: Sunod-sunod ang panunumpa ng local government officials sa Nacionalista Party. Nagsimula po iyan sa Davao, sa Camarines Sur, sa iba pang mga lugar. Kahapon mga lider naman mula sa balwarte ni Gibo ang nanumpa sa NP.

Villar: Nakakatuwang balita iyan. Talagang sunod-sunod ang pagsumpa sa atin ng iba't ibang gobernador sa buong kapuluan. Araw-araw ay may nanunumpa sa atin. Nitong nakaraang buwan ay halos 300 mayor ang nanumpa sa atin. Karagdagan ito sa mahigit 100 na nanumpa noong nakaraang buwan. Bukod dito ang mga governors at congressmen, vice governors ay naka-schedule bukas na manumpa sa ating partido. Ito siguro ay dahil sa nakikita nilang hangarin ng NP na iahon ang ating bayan sa kahirapan. Ito ang nakita ni Ace Barbers ng Surigao del Norte, ni Douglas Cagas ng Davao Sur, ni Lray Villafuerte ng Camrines Sur, ni Roger Espina ng Biliran at iyan din ang nakita ng lahat ng nanumpa sa mga lalawigan, maging sa Nueva Vizcaya. Ito ang nakita nila na kailangan ngayon. Matapos ang bagyo, nakita nila na kailangan ng maayos na pamamahala sa ating bansa ngayon para maiahon tayo sa kahirapan.

Q: Syempre hindi natin maiaalis sa isipan ng pangkaraniwang mamamayan, marami pong nagtatanong, ano kaya meron kayang kapalit, meron kayang kompromiso ang ginagawang paglipat sa inyong partido?

Villar: Sinasabi nga nila na baka may kapalit iyan pero wala naman. Marami namang tao ang nakilala natin noong tayo ay Speaker of the House, Pangulo ng Senado at nakita naman nila ang aking pagsisilbi at liderato, nakita naman ang aking kakayahan sa pamamahala. Kahit paano marami din naman ang humanga sa ating nagawa noon. At ang mga iyan ay nanatiling kaibigan natin. At sinabi nila sa akin noon na sa tamang oras ay sasama sila sa akin kung ako tatakbo bilang pangulo ng bansa. Naniniwala sila na tayo naman ay may kakayahan sa bagay na iyan.

Q: Syempre hindi rin natin maiaalis na ang gusto nilang kapalit ay ang tapat na panunungkulan.

Villar: Iyon naman ang sinasabi nila. Talagang naniniwala sila sa akin kapag sinasabi ko na panahon na para mabago ang pamamahala natin. Dapat talagang umahon na tayo sa ganitong pagkalugmok na halos lahat ng dekada ay pababa tayo nang pababa at sumasang-ayon sila na mahalaga na may magaling at may karanasan sa maayos na pamamahala ang sinomang mamumuno sa ating bansa.

Q: Ang nalalabi na lang sa guessing game ay kung sino ang inyong makaka-tandem.

Villar: Meron kami na halos sigurado na. Ayaw lang naming i-announce dahil gusto namin sa tamang oras namin i-announce iyan. Iyong 12 senador muna ang inaasikaso naming ngayon. Palagay ko sa darating na 2 linggo mabubuo na ito. Magkakaroon kami ng isang pormal na announcement sa 1st o 2nd week of November.

News Latest News Feed