Press Release
October 6, 2009

TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH  SENATOR CHIZ ESCUDERO

Para saan yung October announcement?

Sa tamang panahon ise-set natin yung tamang petsa at tulad ng nabanggit ko pagkatapos sumapit yung kaarawan ko, don ako magpapasya.

Pero dumadalo na kayo sa mga presidential forum...

Naiimbitahan, matagala na naman yon dahil pagsinabi namang hindi at hindi ka nagpunta marami kang maririnig, buti na lang din yon dahil pagkakataon yon hindi lamang para mapakinggan yung nasa isip namin, para matuto rin mula sa mga taong nandon, sa mga katanungan nila.

Kailan yung formal announcement?

Itatakda namin sa tamang panahon, siyempre palagi namin kayong iimbitahan at sasabihan.

October 12 daw? Balete Drive?

Hindi totoo yon. Sasabihin namin at ipapagbigay-alam namin palagi.

Nagakasundo na daw kayo ni Loren?

Kasabay na rin siguro yon din kung saka-sakali. Ayokong magsalita at magbukas ng bibig kaugnay sa isang bagay na hindi pa naman nakaukit sa bato ikanga o hindi pa pinal. Ayokong matuladhalimbawa sa mga nagdaang panahon na iba yung sasabihin sa mangyayari ay iba yung nangyayari sa sinabi.

So magkasama kayo?

Ayokong pangunahan. Gaya nga nang nasabi ko, ano man ang mangyari mangyayari na lang, ayaw kong pangunahan sa araw na ito.

Kung magkakaroon ng deklararasyon, magkasama kayong magde-declare?

Ulitin ko ayaw kong pangunahan, hayaan na lang natin na mangyari sa mga susunod na araw. Darating din naman palagi yan.

On state of calamity idedeklarang isang taon...

Hindi ko alam para saan at kung bakit. Hindi ko rin alam kung ano ang bentahe o disbentahe. Maliwanag na sana hindi nila gamitin ito kaugnay sa darating na eleksyon dahil baka mas maluwang ang pagreleases ng pondo kaugnay ng pagkakaroon ng isang state of calamity. Sana rin pangalawa hindi ri ito maglikha ng masamang imahe para sa ating bansa kung saan ang itngin sa Pilipinas ay nasa isang pangmalawakan at buong bansang kalamidad sa loob ng isang taon. Baka maging rason yan para hindi ma amengganyo ang mga negosyante na hindi na pumasok o mamuhunan dito.

Kaya nga sana hindi yon maging rason para maging maluwang ang pagrelease ng pondo at magamit sa halalan partikular sa mga kandidato ng administrasyon at mga nakaupong kandidato.

Siyempre kapagka may kalamidad may mga rules ng biddign na hindi na sinusunod. Ang procurement law pag emergency cases yan exemption na sa rules ng bidding. Marami ikangang dapat nating tingnan legal implications ito dahil sa totoo lang hindi ko nga maintindihan at makita bakit kailangang i-extend ng isang taon ang deklarasyon.

Habang may kalamidad at para maresolbahan lamang yung relief at rescue effort. Kapagka nasa stage na tayo ng rehabilitation at reconstruction, hindi na madalas bahagi yan ng isang state or period of calamity.

Sa rehabilitation and reconstruction stage, hindi na pasok at saklaw yan ng isang state of calamity technically.

Nagulat din ako don kung bakit buong bansa bigla, ang Pilipinas ay hindi Metro Manila, at Metro Manila ay hindi Metro Manila, tila yan ang kaisipan ng kasalukuyang administrasyon kaya noong itnamaan ang Metro Manila, state of calamity na ang buong bansa. Papaano na ngayon ang mag local government units na hindi naman umambon man lang sa kanialgn mag lugar. Ibig sabihin ba non pede na rin nilang gamitin ang kanilang calamity fund. Paano pag may tunay na dumating na kalamidad bago matapos ang taon, mayroon pa ba sialng mabubunot na calamity fund.

Isasama yon sa supplemental budget, most likely hindi yon maaaprub bago magbreak, so ibig sabihin maaantala rin yung rehabiliation...

Kung gugustuhin ng Palasyo na magre-align ng pondo pede at kaya naman, may kapangyarihan ang Presidente sa ilalim ng PD 1177 na magre-align ng pondo para sa mga kailangang gawin, kabilang na dito yung binabanggit namin stimulus fund na pinagmamalaki nilang P300 bilyon plus. At saka ganyan rin naman ang sinubukang gawin kaugnay ng bagyong 'Frank' sa Panay island. Nangako at nag-anunsiyon rin ng P10 bilyon pero hanggang ngayon wala pa ring naibibigay na pera. Ganundin ang ginawa at nangyari sa Bicol region nong tinamaan kami ng Reming at Milenyo, subalit hindi rin naman buong naibigay yung pondo para doon. Sana imbes na unahin yung anunsyo, gawin na lamang dahil may kapangyarihan naman ang Palasyo na gawin yon.

Dapat bang tanggalin yung pork barrel...

An depinisyon ko sa pork barrel ay lump sum allocation. Ang solusyon dyan line item budgeting. Una para may transparency. Pangalawa para walang duda sinoman kung saan napupunta yung pondo at pangatlo para ma-focus natin yung pondo para makumpleto ang mga proyekto. Hindi kalahating kalye o kalahating tulay kundi buong klaye at buong tulay.

Sir yung birthday nyo daw sa Sabado memoarble, historical...

Significant at memorable para sa akin dahil 40 anyos na ako. Significant din para sa pamilya ko kasi sila ang makakasama ko, walang handaan, waalng party, walang blowout, simple lamang na hapunan kasama ang pamilya sa araw na yon.

Pagkatapos ng petsang yon marahil, pero iaanunsyo at sasabihin din namin yung bagay na yon.

Wish nyo?

Para sa pamilya ko, siyempre, kapayapaan at seguridad, para sa akin, peace of mind, para sa bansa, kapayapaan rin at sana kasaganahan at kaunlaran rin na matagal na naman nating...

Yung announcement nyo for 2010?

Matapos ang aking kaarawan, gagawin ko yon.

Tingin ko'y OA naman yon dahil tapos na ang bagyo, tapos na ang pagbabaha. Tingin ko ay malabo naman nialng iliko yung state of calamity sa state of emergency, parehong may state yon pero malayo namana ng calamity sa emergency. Ang pinakamalapit na ay yung emergency (purchase?) sa ilalim ng state of calamity. Wala na namang dilubyo, wala na namang bagyo, wala na namang baha o kalamidad maliban na lamang sa ilang piling lugar,walang rason para tawagin ang Armed Forces of the Philippines at tawagin mula sa kampo at gumalaw at kumilos a labas ng kampo.

Pagnandon pa ang baha, pagnasa search and rescue pa, pero pag nasa repair and rehab na wala na yon.

News Latest News Feed