Press Release
September 30, 2009

" PAO LAWYERS PINURI NI ENRILE SA PAGTULONG SA MGA BIKTIMA
NG M/V PRINCESS OF THE STAR"

Pinuri ni Senate President Juan Ponce Enrile ang Public Attorney's Office (PAO) sa pagbubuhos ng kanilang makakaya sa pagtulong sa mga biktima at pamilya ng mga nasawi sa paglubog ng M/V Princess of the Star ng Sulpicio Lines na kung saan ay hindi parin nabibigyan ng hustisya ang ilan sa mga biktima.

Ang panawagan ni Enrile ay ginawa kasabay sa kanyang speech sa 4th National Convention of PAO lawyers.

Ayon kay Enrile, higit na kinakailangan sa ngayon ng mga mahihirap na mga kababayan ang serbisyo ng mga abugado ng PAO , dahil sa patuloy na paglubog sa kahirapan ng mga ito, na hindi na kakayanin na makapagbayad sa mga pribadong abugado.

Kasabay nito pinuri ni Enrile ang PAO sa kanilang walang sawang pagtulong sa mga mahihirap, sa halip na kumita ng malaki, mas pinili ng mga ito ang pagtulong sa mga walang pambayad sa mga pribadong abugado.

Aniya, maliit man ang sahod ng mga PAO lawyers, subalit hindi matatawaran ang kanilang kakayahan sa tapat na pagtulong sa mga mahihirap na kababayan kung kayat nararapat lamang na pasalamatan ang mga ito na mituturing narin na isang kabayanihan.

Mahigit naman sa 33% sa papulasyon ng bansa ang nasa hanay ng mga mahihirap na kababayan ang umaasa sa PAO lawyers.

"If not for you , my dear PAO lawyers , they would feel abandoned, unprotected and neglected by the society and the government. Through you, they would feel protected by the law and are accorded their rights in a free and democratic society " wika ni Enrile.

News Latest News Feed