Press Release
September 5, 2009

Transcript of interview with DWIZ with Sen. Many Villar

Q: On Villar-Chiz tandem

Villar: Wala akong makokomenta doon dahil sa part naman niya iyon. Maganda ring balita para sa akin, pero syempre mas interesado kasi ako doon sa mga isa-isa lamang. Syempre iyang pairing-pairing hindi mo naman sigurado kung ano ang kalalabasan niyan. Mahirap mag-comment diyan.

Q: Noong lumabas ang ganung survey, parang immediately nagsalita si Sen. Chiz Escudero na hindi daw mangyayari yung tambalang Villar-Escudero dahil naninindigan daw siya para sa good governance?

Villar: Kapag nagko-comment ang iabng presidnetiables, hindi naman ako nakikipag-away. Alam mo naman tayo tuloy lang ang pagtulong natin sa mahirap. Hindi naman tayo mahilig sa away. Natural almang iyan kasi magkakaroon ng halalan, so syempre lahat ng mga presidentiables nagko-comment. Pero ako naman ay iba ang style. Maski na ano ang sabihin ng kalaban natin, hindi tayo kumikibo... Actuyally nabalitaan ko na rin iyan. Pero sabi nga sa akin ng mga kasamahan ko, ano daw masasabi ko? Wala naman, alam mo kapag presidentiable normal lang iyan, hindi naman ako nagugulat. Kasi siguro masama ang loob niya kasi vice president siya. Siguro sabihin sa Pulse next time, ilagay siya sa president.

Q: Kabilang po ba si Escudero sa ikinukunsidera ninyo na maging ka-tandem?

Villar: Ako naman, wala akong kinu-consider sa ngayon. Ang sinasabi ko, sa bandang Oktubre, ako ay mamimimili ng aking ka-tandem. Syempre ang pipiliin ko ay yung gusto rin sa akin. Kailangan ang prinsipyo ay tumutulong sa mahirap at talagang may kakayahang mamuno n gating bansa. Iyon ang dapat na maging basehan sapagkat kawawa naman ang mga kababayan natin na naghihirap kung hindi naman kayang pamahalaan ng magiging pangulo ang ating bansa.

Q: Itong naging outright rejection ni Escudero, ito ba ay naka-offend sa inyo? Hindi naman po kayo nagtatampo?

Villar: Hindi naman. Sa akin, balewala iyan. Sanay naman ako sa mga ganyang mga comments. Alam mo naman tayo, wala naman tayong ginagawang masama. Basta ako dito lamang sa tabi at tuloy lamang ang trabaho.

Q: Hindi mo ba ikinagulat ang ganoong reaksyon?

Villar: Natural lamang iyan dahil siguro masama ang loob niya dahil naging vice president siya. Pero offensive sa akin iyon, basta ang prinsipyo ko kasi napakaraming problema ng bayan puro trabaho lamang tayo at hindi na masyado ang away-away.

Q: Ang NP walang balak na makipag-koalisyon sa NPC?

Villar: Kami ay handing makipag-koalisyon kaninuman kung maganda sa aming kalagayan. Pero sa ngayon kasi napakarami nang sumasali sa NP in their individual capacity kaya okay naman kami sa kasalukuyan.

Q: Sabi ninyo malalaman sa Oktubre kung sino na po ang inyong magiging katambal?

Villar: Siguro mga ganyan, kung meron na. Kung wala naman, maghihintay na ako hanggang Nobyembre. Wala naming kaso iyan, kasi alam mo habang lumalapit ang eleksyon, nagkakaroon syempre ng mga realignments din. May umaatras, may dumadagdag, kaya hindi dapat maging excited ang mga tao sa tatlong buwan pang nalalabi bago ang filing. Naniniwala ako na sa bandang huli ay konti lamang ang tutuloy sa pagtakbo.

Q: Paano ang magigi ninyong pagpili sa VP?

Villar: Ang partido ang pipili niyan. Sinasabi ko nga, kailangan iyong makakatulong, ang puso ay nasa mahirap. Alam mo naman na iyan an gating patakaran, sa mahirap lamang tayo nakatuon ngayon. Napakahalaga na sa 2010 ay pagbuhusan natin ng pansin ang pag-alis natin sa kahirapan. Masyadong marami nang mga kababayan natin iyong kawawa naman ang inaabot, iyong mga ofw, mga kababayan na kailangan pang umalis ng bansa. Ito ay kailangan nating pagtuunan ng pansin at ito ang aking magiging batayan sa pagpili ang akingmagiging VP.

Q: Kung iyan po ang inyong pagbabasehan, kasama bas a inyong pagpipilian si Cong. Bongbong Marcos?

Villar: Lahat naman ay pwede, pag-uusapan namin iyan. Sa ngayon kasi parang ayaw talaga naming mag-aral dahil sa dami ng mga pwede ay ayaw muna naming tingnan muna sapagkat mauubos an gaming oras sa kaaaral. Mahalaga rin iyong gusto talaga, doon na lang namin pag-iisipan kung sino doon. Pero sa ngayon kasi napakadaming pangalan ang pwedeng pag-isipan at qualified naman iyan.

Q: Dahil sa nagsalita ng ganoon si Sen. Chiz Escudero, hindi na ninyo siya isasama sa mga posibleng pagpilian?

Villar: Wala kong sinasabing ganoon.

Q: Bukas pa rin ang inyong pintuan sa kanya?

Villar: Wala pa kaming pintuan, nakasara o nakabukas. Hindi pa kami nag-uusap sa bagay na iyan. Sabi ko nga, syempre titingnan mo muna kung sino ang kalaban mo, kung saan galing, sa Luzon, Visayas, kung pareho kayo ng patakaran mo, kung bagay kayo.Titingnan mo muna iyan. Kaya lang, hindi mo magagawa iyan hanggat hindi ka sigurado kung sino talaga ang tatakbo.

Q: Kayo po ang namamayagpag sa mga surveys, hindi ba kayo medyo nababahala sa pagtindi ng mga panawagan para p okay Sen. Noynoy na sumabak sa presidential derby?

Villar: Iyan ay talagang normal lang. Habang lumalapit ang filing of candidacy, normal naman na may magwi-withdraw, merong papasok. Hindi naman nakakagulat iyan at iyan naman ay dapat asahan. Iyan ay isa lamang sa pagbabago. Siguro hangarin lang ng LP na mabuo sila kaya nagkaganyan.

Q: Matatag ang inyong pananaw na posibleng ang maglaban-laban na lang sa presidential elections ay mga tatlo hanggang apat na lang po?

Villar: Ang paniniwala ko, dalawa hanggang apat lamang ang tatakbo.

Q: Sabi ni Sen. Miriam, mukhang ang laban na ito ay limitado na lang sa tatlo, sa pagitan daw po ninyo, Noynoy at dating Pang. Estrada?

Villar: Posible. Sabi ko nga, maaring dalawa, maaring tatlo o apat.

Q: Ibig sabihin, hindi na kinukunsidera kung sino ang magiging manok ng administrasyon?

Villar: Maaring kasama na ang administrsyon diyan. Hindi pa natin malaman kasi, magbubuuan pa iyan. Nakita mo naman ang nagyari noong nakaraang panahon na hindi na sumali si Sen. Mar Roxas. Ang mga ganyang pangyayari ay maaring dumating pa habang dumadating ang araw ng pag-file ng candidacy.

Q: Are you confident na masu-sustain ninyo ang mataas na rating sa surveys hanggang pagsapit ng eleksyon?

Vilalr: Gagawin natin ang ating magagawa. Ako naman kasi, hindi naman para lang sa ratings, basta tuloy lamang ang pagtulong natin sa mahihirap at sa OFWs. Ang ginagawa natin ay tuloy-tuloy lang. Sana ay magustuhan n gating mag kababayan para magpatuloy naman ang kanilang pagtitiwala sa atin.

Q: Nagyong si dating Pang. Estrada ay tinukoy na may kaugnayan sa Dacer-Corbito double murder case, sa tingin ninyo ito ay may epekto sa kanyang planong pagtakbo.

Villar: Aalm mo napakahirap magkomenta sa isang kapwa presidentiable kaya hindi ako magko-comment diyan sapagkat pangit. Ako ay naniniwala na ang mga presidnetiables sana ay huwag nang mag-away-away at iwasan na ang pagkomenta sa isa't isa. Mas maganda siguro na sabihin na lang sa mga kababayan natin an gaming mga nagawa at ang ating gagawin pa at bahala silang pumili sa amin.

Q: Kayo ba ay nag-uusap ng dating Pangulo? Sabi ni Erap noon ay iwa-one-on-one niya ang presindentiables sa hanay ng opposition?

Villar: Dati naman kaming nag-uusap ng Pangulong Erap. Hanggang ngayon, anytime ay pwede kaming mag-usap. Kami naman ay magkaibigan at kung magkakaroon ng pagkakataon ay okay lamang iyon. Regular naman kaming nag-uusap.

Q: Ano ang nakikita ninyong scenario sa 2010, magkakalaban ba kayo talaga o pwedeng kayo ay suportahan na lang ng dating pangulo?

Villar: Wala kong nakikita sa ngayon. Sabi ko nga, useless na manghula dahil sa talagang hindi mo alam ang mga development. Nangyayari ang developments nang bigla at napakahirap mag-espekula. Kaya ang ginagawa ko ngayon ay pare-pareho lang. Tuloy-tuloy lamang ako sa aking ginagawang trabaho at pag-build up ng partid. Hindi na ako tumitingin sa ibang mga presidentiables.

Q: Totoo ban a mukhang kayo ang nahihirapang pumili ng senatorial candidates ng NP dahil madami ang gustong sa inyo sumama?

Villar: Totoo na maraming gustong sumama kaya medyo nahihirapan tayo subalit I'm sure pipiliin namin ang pinakamagagaling, talaga naming hindi tayo mapapahiya.

Q: Maari nab a kayong magbanggit ng ilan sa mga sure na?

Villar: Huwag na muna kasi baka nakakahiya sa kanila baka gusto nila may dramatic announcement pa sila o may timing pa, baka may feng shui pa iyan kaya ayaw kong pangunahan sila.

Q: Ano ang possibility ng Villar-Jinggoy sa 2010?

Villar: Posible naman lahat iyan. Sabi ko nga kanina, wala naman akong niru-rule out maski sino sa ngayon at talagang ako ay maghihintay sa tamang oras para kung ano ang dumating sa oras na iyon ay doon ako mamimili.

Q: Pero may ongoingnegotiation po ba apra doon?

Villar: Wala pa kasi sa ngayon ay medyo matagal pa rin. Alam mo ang tatlong buwan ay medyo marami pang mangyayari. Siguro dapat magsimula ang mga tinginan sa Oktubre.

Q: Sa tingin ninyo itong 2010 budget may possibility na maipasa ng Kongreso?

Villar: masa maganda na maipasa ang budget. Napakapangit sa isang bansa na nag budget ay hindi pasado. Mas maganda na ang isang bansa ay may regular na budget na ipinapasa. Kapag hindi kasi ipinapasa, syempre hindi maganda ang tingin ng mga dayuhan at ng ibang bansa, parang sinasabi na budget lamang ay hindi tayo makapagpasa. Dapat talaga nating ipagpilitan na makapasa ang budget.

Q: Sa tingin ninyo kakayanin pa dahil Nobyembre ang filing?

Villar: Medyo tight talaga, medyo mabigat talaga ang laban pero nasa sa pangulo ng Senado iyan kung talagang bibigyan nila ng atensyon bagaman inaamin ko na medyo mabigat ang timing, gipit sa oras.

Q: Ano po ang latest sa inyong pagtulong sa mga OFW?

Villar: Kamakailan lamang ay nagkaroon ng salu-salo sa bahay at meron akong pinauwi na 82 na OFW na galing sa Middle East. Ito ay galing sa Syria, Jordan, Saudi Arabi at nakakaawa, iyong iba ditto ay straight galing sa kulungan nailabas namin. Yung iba rito ay naabuso, yung iba ay napagmalupitan, yung iba hindi naseswelduhan. Talaga namang matutuwa ka din sa kaligayahan noong nakita nila ang mga mahal nila sa buhay sa bahay ko. Kaya lang ang malungkot ay meron pang mga natira daw. Kinwento nila sa akin na sa kulungan ay may mga natira pa kaya iyan ang aasikasuhin natin ngayon. Babalikan ko sila para maiuwi rin natin. Iyan ang pinag-uubusan ko ng panahon ngayon habang matagal pa ang eleksyon.

Q: Kapag nag-file na kayo ng certificate of candidacy, pansamantalang matitigil ito?

Villar: Hindi. Meron akong foundation diyan. May grupo iyan na nagtatrabaho maski na ako ay kumakampanya na. Hindi mapuputol ang pagtulongnatin sa mga OFW at ang lahat ng proyekto ko ay tuloy-tuloy. Ngayon ay lalo pang dumadami ang tinutulungan natin. Sa akin, kung kinakailangang lalo pang dumami iyan maski ako ay nagkakampanya ay gagawin natin.

Q: Kung sakaling kayo ang papalarin sa 2010 election ay isa ito sa magiging pangunahing programa?

Villar: kapag ako ang naging pangulo, ayoko namang mangako pero talagang nakikita ko na ang suliraning ito ay napakahalaga at ang unang-una kong gagawin pag-upo diyan ay lakihan ang budget ng ahensya ng gobyerno na involved dito at talagang harapin ito at lutasina ng problema ng OFW. Palagay ko kaya naman. Siguro at least 80%ng problema ay kayang malutas agad.

Q: Malaki na daw ang nagagstos ninyo sa infomercial, baka daw bawiin ninyo ito kapag nagging pangulo na kayo?

Villar: Alam mo sabi ko nga, walang halaga ang pangarap mo. Sa akin kasi, medyo marami na rin akong nagawa sa buhay. Sa ngayon ang pinapangarap ko na lang ay maging isang tao na makakapag-ahon sa mga kababayan natin sa kahirapan. Iyon na lamang ang pinapangarap natin sa buhay ngayon at iyan ay hindi mo mabibigyan ng halaga.

News Latest News Feed