Press Release
August 24, 2009

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' AMBUSH INTERVIEW

On Noynoy

Q: Sir can you make a comment on Malacañang's advice to Noynoy to be "his own man"?

MAR: Si Noynoy may sariling tayo, may sariling respeto na natatanggap mula sa ating mga kababayan. Which is more than we could say for Malacañang. Mas mataas ang kredibilidad ni Noynoy kesa sa Malacañang. Kaya para sa Malacañang, ang payo ko naman sa kanila, tularan nila ang magandang halimbawa ni Noynoy at ng kanyang mga magulang nang sa ganun ay makamit naman nila ang mas maganda-gandang credibility na siya ngayon ay nasa kay Noynoy.

Q: Is there tension now between you and Sen. Aquino?

MAR: WALA. Ang masasabi ko, come hell and high water, hindi kami maghihiwalay. Parehas ang aming pananaw, parehas ang aming pangarap para sa pagbabago, sa tuwid at tapat na pamamahala, at magkasama tungo dito.

Q: May mga nagtutulak talaga na tumakbo din siyang presidente, at kung mangyari ito, masasagasaan ang plano ninyo...

MAR: Hindi naman. Ang mahalaga dito ... sa totoo lang, si Noynoy hindi pa talaga nagsasabi kung ano ang kanyang mga plano . Binibigyan naman natin siya ng respeto. Hindi pa nga siya nagbabata ng pagluksa at hindi naman tama na mamadaliin at pa-pressure-in natin si Noynoy. Mabigat na desisyon ito para sa kanya. I am sure pinag-iisipan niya ito sa kabila ng kanyang pagluluksa sa kanyang nanay. Ako, susunod ako sa proseso na nasa aming partido. At kahit paano hindi kami maghihiwalay ni Noynoy.

Q: Anong proseso? Party convention?

MAR: There is a process sa pagpili ... consultation, convention at kung anuman ang nakatakdang proseso ay lalahukan ko.

On luncheon with Erap

Q: What did Erap tell you when you met with him ...?

MAR: Nung nag-meet kami ni Erap, ang sinabi niya ay pag-isipan ko kung mag-vice ako sa kanya.

Q: Nagsasabi siya sa opposition candidates to field a common candidate pero siya yung sinasabi niyang common candidate...

MAR: Hindi ko gusto lagyan ng laman kung anuman 'yun. Ang sinabi lang niya, magbukas-isip lang na mag-vice sa kanya at ako naman ay nasabi ko sa kanya, kung sakali na dumating na siya sa punto na hindi siya magpatuloy sa kanyang pagtatakbo, ay bigyan niya rin ng konsiderasyon ang inyong yours truly para isang susuportahan niya. Ganun lang ang aming pag-uusap.

Of course, we also talked about good times, old times ...'yung mga pangarap namin para sa bansa, 'yung kanyang laking tuwa talaga na si President Cory ay nag-sorry sa kanya, na parang ang laking konsuwelo sa kanya 'yun. Ganun lang.

Q: Anong sinagot mo sa kanya sa sinabi niyang pag-isipan mo kung pwede kang mag-vice sa kanya?

MAR: Ang sinagot ko sa kanya, 'yung sinagot din niya sakin: na pag-iisipan niya ... sabi ko pag-iisipan ko din.

Q: Sa palagay mo, dun sa sinabi niya, desidido siyang tumakbong presidente?

MAR: Hindi ko alam. Hindi ko gusto ko lagyan ng kulay o mas higit pa kesa dun sa pinag-usapan. 'Yun lang naman ang pinag-usapan.

Q: Why then did he ask you to be his vice president?

MAR: Hindi naman ask. Ang sinabi niya lang ay "consider" ... siguro nakikiramdam siya. Ako naman ay ganun din, nakikiramdam sa kanya. Hindi naman kami estranghero sa isa't-isa. Matagal na kaming magkakilala, bawat magkita kami, nagsasabi na, "Uy let's get together. Magkita tayo. Magkape tayo." So nagkataon lang na last week ay nagkita kami at napag-usapan nga ito.

Q: When? Gaano katagal? Saan?

MAR: Thursday. Mga 2 hours. In a restaurant in Greenhills. I remember, nagkita kami sa birthday ni Titoy Pardo months ago, nagkita kami uli sa Plaza Miranda dun sa PPCRV. Nagkita uli kami sa wake ni Tita Cory. So, sa bawat pagkakataon nagbabatian kami. We always say let's get together. Finally, tinanong ko kay Jinggoy dito sa Senado, kung totoo 'yun, at sabi ko sa kanya, eto ang mga araw na nandito ako. A few minutes after, naitakda na, Thursday, let's have lunch.

Q: Can you field a common candidate for the 2010 elections?

MAR: I think unang-una, tanungin muna natin, sino ba talaga ang oposisyon? Sino ang tumatayo? Ako malaki ang karangalan ko na pinitik ako ni Gloria sa kanyang SONA nagpapahiwatig na ako, pasok ako diyan sa oposisyon. Ewan ko lang ang iba.

Q: Are you asking that it be a Mar-Noynoy thing? Meron bang ganun on your part?

MAR: Matalik kong kaibigan si Noynoy. Hindi lang kami magkaibigan sa personal. Pero ang aming mga ama, magkasama sa Plaza Miranda, Martial law�so ang aming pagsasama ay matagal na. Para sa akin naman ay itong mga panawagan ay nasa kay Noynoy. Binibigyan natin siya ng pagkakataon para pag-isipan lahat ito sa kabila ng kanyang pagluluksa. Siguro unti-unti ay tinitingnan niya rin ito. Pero bilang paggalang sa aming pagkakaibigan, bilang paggalang sa kanya ay hindi naman natin pina-pressure o tinatanong.

Q: Nakikita mo ba ang sarili mo giving way to him?

MAR: Nakikita ko we would work together at kung ano ang pinakamabuti para maisulong natin ang pagbabago at reporma, iyan ang aming isusulong. Uulitin ko, hindi ko nakikita na maghihiwalay kami sa kahit anong bagay.

Q: Will you give way to Erap?

MAR: Tulad ng sinabi ko kay Pangulong Erap, titingnan natin.

Q: Sabi mo desidido ka na mag-run for president ...

MAR: Lalahok ako sa tamang proseso sa pagpili bilang pagka-pangulo ...

Q: Sabi ng release mo there is no turning back for the presidency?

MAR: There is no turning back for reforms, for pagbabago. There is no turning back.

Q: Sabi ni Atienza kailangan daw ng party convention para sa unity ng LP?

MAR: Pwede ba tigilan niya na kami. Tigilan na niya ang pagiging instrumento ng Malakanyang para gibain ang aming partido. May malasakit man siya sa aming partido, sinasabi niya na long-time LP siya, huwag na siyang magpagamit sa Malakanyang para gibain, wasakin ang aming partido. Ang partido namin ang marangal na tumatayo laban sa katiwalian nitong gobyernong ito, laban sa kabaluktutang nangyayari, laban at tungo sa maganda at tapat na pamamahala.

Q: So walang magiging reconciliation ang Atienza-Drilon wing?

MAR: Wala naman talagang wing eh. Korte Suprema na nagsabi, Comelec na nagsabi, hindi ko alam kung ilang beses pang masusupalpal iyan pero ... ang Korte Suprema 2 beses na nagsabi, ganun din ang Comelec: Iisa lang ang Liberal Party at 'yan ang aking pinamumunuan.

Q: Sabi ni Nene, you're the only party that can fly?

MAR: The only party that can fly dahil taga- Capiz ako.

Q: Sabi niya Liberal by birth siya ...

MAR: Hindi naman natin dine-deny iyon. Ang punto lang, huwag na siyang magpagamit sa Malakanyang na sinisira niya, winawasak niya ang partido. Biro mo, to say that he is the last remaining survivor ... anong tawag niya kay Jovy Salonga? Ano si Senior Lopez? Si Osmena?

News Latest News Feed