Press Release
August 12, 2009

Transcript of Sen. Manny Villar's press conference

On Sen. Madrigal's allegations

Villar: Hindi ko maintindihan kung ano ito. Kanina sa hearing puro kasinungalingan na naman ang narinig natin, puro imbento. Saan ka naman nakakita ng isang senadora na siya na rin ang complainant, siya na rin ang judge, siya na rin yung fiscal, siya na rin yung constitutional expert. Pati iyong kanyang mga panaginip at hinala ay sinasama niya sa hearing. Palagay ko, narinig n'yo naman ang sagot ng ating lawyer, pawang mga kasinungalingan iyon kamukha ng mga dating hearing na puro mali. Ang masasabi ko lang, isang taon na itong mga ganito. Ako ay nagtataka na masyado nang nabababoy ang Senado dito. Palagay ko oras na rin naman na isipin natin kung dapat ba itong mga ganitong bagay. Lahat naman ng sinasabi napapakita namin after na puro kamalian. Sa akin, halimbawa, meron daw modus operandi. Sa palagay ko dapat tingnan natin ang modus operandi ng mga presidentiables at bakit nagkakaganito na ginagamit ang Senado para sa kampanya. Sabi ko nga, dapat iyong ibang presidentiable umangal din dahil hindi sila nakakasama sa mileage, ito nagkakaroon ng libre. Pero naipaliwanag namin lahat, pawang kasinungalingan na naman iyan. Palpak na naman itong mga akusasyon na ito. Ang sa akin lang, hanggang kalian ba ito? At ngayon one year na, nililiwanag ko lang, wala pang napapatunayan. Nanganganak, naghahanap ng ibang issue. Kamukha niyan, C-5 ang imbestigasyon, iba naman ito, bangko naman ito. Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito ang ating mga presidentiables. Iyon lamang naman. Kung kailangang magkampanya sana sila, sa labas na lang at lumaban ng patas.

Q: Mago-ocular inspection daw sila sa Thursday.

Villar: Matagal ko na kayong niyayakag doon, matagal ko na rin silang niyayakag doon. Mukhang mago-open na yung C-5, dapat yata sila na rin ang mag-cut ng ribbon nang sa ganoon ay makita nila kung anong biyaya ang maibibigay noon sa 6 milyon kababayan natin diretso. Sa ngayon ay trapik na trapik. Natatrapik na pag umaga. Maganda sana para makita rin nila. Mas maganda sana kung wala silang dalang chopper, nang ganoon ay makita nila ang trapiko na dadaanan nila sa umaga para makita nila ang paghihirap ng mga taga-Cavite, Las Pinas, Paranaque dahil hindi pa nagagawa itong C-5.

Q: Are you glad that Sen. Madrigal has declared her presidential bid?

Villar: Wala naman akong duda. Kayo lang ang ayaw maniwala. Wala akong duda noon pa na tatakbo ito. Pati nga iyong abogado palagay ko kakandidato rin after a while. Kaya lang noong panahong iyon ay wala pa tayong pruweba. Ngayong siya na ang nagdeklara, wala na tayong magagawa diyan. I never doubted na ito naman talaga ang puno't dulo nito. Kaya lamang, ako naapekto at ako ay nagagamit. Sana ay magkampanya na lang nang maayos at ilahad sa mga taong-bayan ang kanilang mga gagawin at hindi na iyong puro nag-iimbento at pawang kasinungalingan na sinasabi rito.

Q: Sa ocular inspection, idadaan ba kami sa tama o kasinungalingan din ang daan namin?

Villar: Alam mo, makikita mo ang C-5. Magbubukas na iyan, sabi sa akin. Makikita mo na hindi iyan ang toll road. Ang toll road kasi hindi pa nagagawa, hindi pa nasisimulan. Ang kaibahan ng toll road, may bayad, itong C-5 na bubuksan ay wala. Kaya libre ito.

Q: Iyong dadaanan sa ocular inspection on Thursday...

Villar: Iyan ang hindi ko alam kung saan kayo idadaan, baka sa C-6 na kayo idaan. Anyway, isa lang naman iyon. Pero welcome kayo anytime. Kung gusto nila ako pa magsama sa inyo.

Q: Magkaiba ang mapa na ipinapakita ninyo...

Villar: Dalawang mapa kasi. Maganda nga ngayon makikita kung tapos na ang C-5. Walang bayad iyon. Makikita mo ang kaibahan. Kasi ang toll road, iyong UEM-Mara, may bayad iyon. Hindi pa nagagawa iyon. Ewan ko kung kelan magagawa iyon. Iyon ang magko-connect sa SLEX. Ito ay walang bayad, ang continuation ng C-5. Kapag nakita mo itong tapos na, malalaman mo na hindi ito ang toll road dahil walang bayad, hindi kayo sisingilin, walang booth. In fact, kapag nag-inspeksyon diyan, doon malalaman talaga kung sino ang nagsasabi ng totoo kasi hindi kayo sisingilin dahil walang bayad. Pero iyong ginagawa na between the Toll Regulatory Board at yung pribadong kumpanya, may bayad iyon later on. Iba ang alignment noon.

Q: On Recto's resignation.

Villar: Iginagalang ko ang desisyon ni Secretary Recto. Hindi ko malaman kung ano talaga ang kadahilanan pero kung ano man iyon, palagay ko ay napag-isipan na niya iyan. Iyan ay isang bagay na iginagalang ko at dapat igalang nating lahat. Posible naman na baka kakandidato lang. Gusto lamang niya na magkaroon ng maraming options. Subalit ayaw ko siyang pangunahan. I'm sure tatawag siya ng press conference at doon niya sasabihin ang tunay na kadahilanan kung bakit siya ay nag-resign.

Q: Marami namang cabinet members na kakandidato pero hindi naman nagre-resign?

Villar: Kung kakandidato ang kadahilanan, hindi ko alam, ako ay nag-eespekula lamang, mas maganda na iyon para hindi mo nagagamit ang posisyon mo sa iyong gagawing pagkandidato. Mas maganda na iyon.

Q: Hindi n'yo ba siya kukunin?

Villar: Welcome naman siya sa Nacionalista Party.

Q: Hindi pa siya nadala noong '07? Nag-admin siya at natalo?

Villar: Baka kaya mas gusto niya sa Nacionalista Party.

Q: Nag-express na siya ng desire to run?

Villar: Hindi pa naman. To be fair with my friend Ralph, I don't want to pre-empt his statement. I'm sure he will give one.

Q: Nagpaparamdam ba siya sa inyo?

Villar: Hindi naman, pero very competent naman si Ralph at maganda ang performance niya bilang isang senador. Noong siya ay nandito, nagpakita naman siya ng magandang performance.

Q: So may slot siya?

Villar: Oo naman. Sa Nacionalista, kung gusto niya, oo naman. Dati na kaming magkakasama.

Q: Ang mga cabinet members ba kailangang mag-resign din if they are running?

Villar: Dapat siguro. Tutal malapit na naman ang Nobyembre, pwede na rin. Although hindi ko naman pinapangunahan iyon. Kung gusto nilang isagad ang oras, pwede rin. Subalit mas maganda na yung mas maaga.

Q: Ano po ang reaksyon ninyo sa paglaki ng yaman ni GMA?

Villar: Iyon ay dapat ipaliwanag. Teknikal ang question na iyan sa akin, I'm sure na ipapaliwanag niya iyan. Sa tingin ko, tingnan na lang natin ang kanyang paliwanag kung maipapaliwanag naman niya.

Q: Hindi ba kataka-taka ang paglaki ng yaman ng president?

Villar: Ang mahalaga kasi maipaliwanag niya. Kaya nga sabi ko, sa aking palagay, dapat hintayin na lang natin ang paliwanag niya.

Q: Doon naman sa P1 million na kinain?

Villar: Iyon naman ay error in judgment. Unang-una hindi mo naman talaga alam kung magkano ang bill bagaman nauunawaan nating lahat na hindi maganda iyong ganoon kalaki na gastos sa dinner, particularly ngayon na marami ang naghihirap. Hindi talaga naging maganda iyon at palagay ko nare-realize din naman ng lahat ng sumama sa dinner na iyon na hindi maganda para sa ating mga kababayan ang nangyari na iyon.

Q: Sa 2010 ba magsasama-sama ang Wednesday Club sa isang party o coalition? Villar: Masyadong nag-eespekula ka naman. Baka modus operandi na naman iyan. Hindi pa natin alam. Lahat ay posible. Nakikita ko ngayon na sa Setyembre, Oktubre ay magu-usap-usap na ang iba't ibang mga kandidato, ang iba't ibang mga partido kung sino ang magkakasama sa linya, kung sino ang magkakasama sa plataporma, kung sino ang angkop para sa isa't isa. Ano man ang mangyari sa mga panahon ngayon, puro espekulasyon lamang iyan dahil sa talagang maski meron sa isipan ng mga kandidato kung sino ang makakasama nila sa Senado, ito ay mapa-finalize sa Oktubre pa, habang lumalapit ang araw ng deadline sa filing.

Q: May lumabas na balita na ipapatawag daw ni Pres. Estrada ang lahat ng presidentiables ng opposition?

Villar: Kami naman ni Pres. Erap ay nag-uusap nang madalas. Anytime naman kapag iniimbita ako ng Pangulong Erap ako ay napunta.

Q: Willing kayong makipagharap sa iba pang presidentiables?

Villar: Si Pres. Erap ang sinasabi ko, hindi iyong mga iba. Yung iba naman, wala naman kaming pag-uusapan.

Q: Ano ang masasabi ninyo sa pagtakbo ni Sen. Jamby?

Villar: Okay naman ako para kumpleto na lahat ng nag-aakusa sa akin ay presidentiables.

Q: Threat ba sa iyo si Sen. Jamby?

Villar: Ang hirap ng tanong mo naman. Hindi naman, basta welcome si Jamby sa presidential race. Madami na yata kami, 18 na yata kami. Mabuti 2 pa para 20 na kami.

Q: Wala ka pang VP?

Villar: Syempre meron nang mga nasa isipan tayo subalit pagdating ng panahon, doon pa natin gagawin iyan. Masyadong maaga pa para i-finalize natin iyan.

Q: Sino-sino ang mga iyon?

Villar: Wala pa tayong listahan, short o long.

Q: Senatorial line-up wala pa?

Villar: Meron na tayong ideya sino-sino ang tatakbo bilang senador subalit maganda na iyong may pormal na announcement para may dating.

Q: Six daw muna ang dadalhin ng NP, yung last six open?

Villar: Oo, maaring mag-announce kami shortly ng anim. Hindi nangangahulugan na anim lang ang gusto sa amin, marami nga ang gusto sa amin sumali, mahigit sa 12 na in fact. Kaya lang, mas maganda na anim muna o walo para magkaroon tayo ng lugar kung magkakaroon tayo ng alliance sa ibang grupo, partido o ibang presidentiable na maaring sasama sa amin.

Q: Willing kayong mag-adopt sa ibang parties?

Villar: Hindi kami maga-adopt. Ang mangyayari siguro kung magkakaroon kami ng alliance ng partido, pero iba yung alliance, iba rin yung maga-adopt.

Q: Maaring yung VP mo hindi NP? Kasama mo sa alliance?

Villar: Oo, pwede iyon. Hindi ko naman sinasabi na sa NP manggagaling ang VP. Hindi naman necessarily na ganoon. Maaring may makakasama na iba, open kami sa bagay na iyon.

Q: On SWS with Erap getting 21%

Villar: Masaya ko diyan dahil kaibigan naman natin si Erap. Although syempre iba-iba naman ang listahan na iyon.

Q: You will not get any funding from Lakas?

Villar: Hindi ko sinasabing hindi ako kukuha ng tulong, ang sinasabi ko hindi ako nanghihingi ng tulong.

Q: Kung may magbibigay?

Villar: Okay lang.

Q: Sa administration party?

Villar: Ang mga miyembro ang administrasyon ngayon tatakbo lahat. Palagay ko kailangan din nila lahat ng pera. Lahat ng kandidato ngayon kailangan ng pera. Kaya I doubt whether they have something to give. And besides I'm not asking.

News Latest News Feed