Press Release
August 10, 2009

Transcript of Interview with Sen. Richard J. Gordon over DZMM
re Bolante's challenge to prove his guilt on the fertilizer fund scam

Q: May hamon po si Joc-Joc Bolante sa sinumang makakapagpatunay daw na siya ay nakinabang sa fertilizer fund scam sa kaniya na yung bahay niya sa Ayala Alabang. Ang kaniyang challenge ay kasuhan siya ng plunder.. Ano ho ba ang nangyari pagkatapos ng mga hearing ninyo?

Sen. Gordon: Alam mo ang senado kasi in aid of legislation lang kami. Pero may recommendation kami based on the evidence, nai-submit na yun sa Ombudsman sila dapat ipa-file nila yung kaso, maglalabas sila ng report, hanggang ngayon wala pa. Yun ang kailangan nating tukuyin, bakit ang Ombudsman hindi kumikilos sa mga kasong ganito na malalaki. Kaya eto nagmamalaki itong si Bolante, siguro napangakuan na hindi siya kakasuhan habang nandiyan pa ang present Ombudsman.

Q: Ano po ba ang legal remedy kapag hindi umaaksyon ang katulad niyan na duly constituted?

Sen. Gordon: Tamang-tama nga na may impeachment proceedings (against) the Ombudsman, dapat siguro yan ang tutukan at talagang magpaliwanag dun bakit hindi niya pina-file yung mga kaso na malalaki. Dapat dito sa malalaking tao na hindi natin maisara yung kaso, hindi pwede ang senado sapagkat may separation of powers, ang senado gagawa ng batas at mag-iimbestiga para makagawa ng batas. Ang korte, kasama diyan ang Obudsman, ang judiciary eh yan ang pakay niyan kaya constitutional body sila dapat independent sila na pag may pumasok diyan na kaso na matindi dapat talaga kasuhan nila. Ang tagal-tagal na nga naman nito, talagang magagalit ang mga tao sa kanila.

Q: Maliban sa impeachment, wala na bang ibang paraan to compel the Office of the Ombudsman? Di ba meron mga ganung sinasabi ang mga petisyon sa hukuman na para to compel a government entity to act on its ano...

Sen. Gordon: Alam mo kami nag-file pa ng motion for reconsideration sa Ombudsman nung dinismiss nya yung kaso kay Abalos. Kami ni Sen. Pimentel nag-file kami sa Korte Suprema, hanggang ngayon hindi pa lumalabas yun, ang tagal na nun, two years nay un..

Q: Eto po ba yung sa Mega Pacific?

Sen. Gordon: Oo, yung sa Mega Pacific. Nag-file kami ng motion for reconsideration pero wala pa rin lumalabas. Kaya kung minsan nakaka-exasperate pero kailangan tuloy-tuloy yan eh. Dapat itong si Bolante talagang makita mo walang kahindik-hindik ang kahihiyan, talagang hindi nahihiya. Diresto pa talaga na sabihin niya magpapalakas-loob siya na yung bahay niya ibibigay niya, eh maliit lang yung bahay niya compared dun sa mga nalikom niya. Alam mo sayang na tao yan eh, nawala yung kaniyang soul sa kaniyang tungkulin, talagang nilamon na siya nung thirst niya sa kapangyarihan kaya ayan ang nangyari sa kaniya, tatakbo pa siya ngayon para pagtakpan. Talagang kung minsan yung mga may kaso tumatakbo sa kongreso para hindi sila makasuhan.

Q: Anything from you sir? Ano po ang balak ninyo dito? Meron ba kayong gagawing individual na hakbang ngayon dito sa challenge na ating narinig ngayon?

Sen. Gordon: Ginawa na namin ang lahat. Pero kung talagang hindi pa rin, pwede na kami na ang mag-file sa Ombudsman. Pero hindi kanais-nais yun. Ang totoo nag-file na rin kami ng kaso para makulong siya di ba? Unprecedented yan, talagang bihira ginagawa yan katulad nung kila (Jaime) Paule, lahat kinasuhan namin yan para makulong. Kaya nga doon sa ZTE, ilalabas ko na, ganun din ang mangyayari dyan pag hindi ginawa ng Ombudsman yan wala din mangyayari. Kaya dapat pag napalitan na siguro ang Ombudsman dyan hahabulin ang mga yan.

Q: Matagal pa po iyon, sa 2010.

Sen. Gordon: Talaga. Kaya minsan hindi ko na maintindihan, talagang pakapalan na ng apog ang labanan ngayon sa bansa eh. Think of it this way, ako pinaslang ang aking ama, nahanap ko kung sino ang mastermind, kaya tuwing may pinapatay sa ating bansa talagang tatayo ako at kinukundena ko yan pero kung minsan nahuhuli, kung minsan hindi pa rin. Pero ganun eh, ang demokrasya napakapagal ng gulong pero dapat tulungan natin. Siguro kung tututukan ng media ang mga kaso na yan palagay ko mapa-file yan. Pero pag nawalan na ng interes ang media eh talagang kulang ang apoy sa ilalim, hindi gagalaw ang mga yan.

Q: Siguro talagang napapanahon itong pagbuhay sa mga ipinaglaban ni dating Pangulong Cory Aquino?

Sen. Gordon: Well, ipinaglaban ng tao yan, si Cory Aquino ang symbol. Sumunod lahat ang tao kay Cory dahil may simbolo tayo. Bakit kailangan pa tayong maghintay? Dapat tayong lahat ay kumilos, dapat may kusang-loob at malasakit sa kapwa-tao.

News Latest News Feed