Press Release
July 27, 2009

Transcript of Sen. Mar Roxas' Interview: TindigNation Anti-Sonna Rally

MAR: Oo. Eto nakikita natin yung tunay na state of the nation, dito sa kalye, na kung saan gutom ang taumbayan, walang trabaho, kinakailangan magbenta ng laman-loob para lamang makapagpatuloy na mabuhay. Yan po ang sitwasyon sa ating bansa. Itinatakwil dito hindi lamang yung bulok na gobyerno ni Gloria sa kanyang administrasyon. Itinatakwil dito yung pagwawalang-kwenta sa tao. Itininatakwil dito yung kaisipan na pera o poder lamang ang kailangan, at siyang dapat na maghari dito. Hindi po. Dakila tayo, marangal ang ating bansa, ating mga taumbayan. Ipaglaban natin ang ating kalayaan at ang ating demokrasya.

Q: Mamaya sir, ano yung pinakamensahe ng iyong kontra-sona?

MAR: Hindi (ito kontra-SONA). Nandito lang ako para makiisa sa ating mga kababayan, na kung saan ipinaglalaban dito yung marangal na pamumuhay. Ipinaglalaban dito yung tuwid at tapat na gobyerno at hindi itong SONA na ito na peke na nilagyan ng palamuti para lamang mapaganda. Pero ang katotohanan ay nandito sa kalye. Gutom ang mga tao, walang trabaho, at ang pag-asa ay nasa ibang bansa pa.

Q: Kayo po ba ay naniniwala na ito ay huling SONA na ni GMA?

MAR: Dapat lamang. At ipaglalaban natin na umiral dito ang ating demokrasya, ang ating sistema na siyang ipinaglaban natin no'ng Edsa 1, no'ng Edsa 2 at ngayon habang naghihingalo ang ating idolo na si Cory Aquino nandito tayo ipinaglalaban natin yung ipinangarap natin at ipinaglaban din natin nung Edsa 1 at Edsa 2 na tuwid at tapat na pamamahala.

Q: Sir sakaling isulong niya 'tong term extension, 'tong Charter Change, anong gagawin n'yo?

MAR: Lalabanan natin. Kokontrahin natin. At nandito tayo para ipakita 'yun.

News Latest News Feed