Press Release
July 14, 2009

Transcript of Sen. Mar Roxas' press briefing after hearing of the Senate trade and commerce committee

On Rep. Suplico's allegations vs MAR on MRP

Q: Ikaw ang sinisisi kung bakit hindi maayos ang implementation ng MRP?

MAR: Ang cheap naman niya. Huwag na lang siyang makialam dito sa mga importanteng bagay na ito. Simpleng-simple ang isyu dito. Pinagsisisihan niya ang paggawa ng batas. May batas na, baka hindi pa niya alam. Batas na ito June 2008, IRR ay October 2008. Eh Nandun pa siya sa diskusyon sa paggagawa ng batas. Nandito na tayo, may batas na. Umandar na yung batas, may rekomendasyon na ang DOH sa pangulo, may pinadala ng draft executive order sa pangulo. Umaandar na ang batas, nandiyan na tayo. Anong magagawa natin manhid ang pangulo natin? Hindi pinagbigyan ang rekomendasyon na makalahati ang presyo ng mga gamot dito? May panahon siya para pumunta ng Egypt ngayon pero wala siyang panahon para kunin ang kanyang bolpen at pirmahan itong executive order na ito. Mangangalahati ang presyo ng gamot. 'Yan lang po ang pinag-uusapan dito: ang kapakanan ng ating mga kababayan. Buhay po ang pinag-uusapan dito. Huwag po nating dalhin ito sa politika, huwag po natin dalhin ito sa intriga o sa ka-cheap-an nitong mga political operatives na ito. Simpleng-simple po ito. Buhay po ito. Kaya para sa pangulo, nasa sayo po ang kasangkapan para pukpukin itong presyo ng gamot, gamitin po ninyo itong martilyo na ibinigay sa inyo ng batas na ito.

Q: Kulang pa daw?

MAR: Oo, tama, kulang pa nga, wala namang nagsasabi na tama na iyang 50%. Pero dito pa lang nga nakikita natin kung gaano kahirap na. Kunin muna natin iyong 50%. Ang 50% dito sa Norvasc, ang katumbas po niyan ay ½ bigas araw-araw, at isang latang sardinas. Ang Norvasc po ngayon ang katumbas ay P44.50 ang bawat tableta, araw-araw iniinom ito. Kung napirmahan agad ng pangulo ito, ang savings po P22 hanggang P25. Ano ba itong P25 na ito? ½ bigas at isang latang sardinas, bawat tableta. Ang Lipitor para sa cholesterol, ang singil P62 bawat tableta. Kung pinirmahan ng pangulo ito, rekomendasyon ng DOH, magiging P31 po ito. Isang buong kilos bigas po iyan. Malaki ang savings para sa ating kababayan at buhay nila ang nakasalalay dito.

Q: Hindi ka daw kasi pumayag sa board?

MAR: Isinusulong ni Suplico atbp itong konsepto ng board, sana may board. Bakit, hindi na ba siya natuto sa karanasan natin? May napala ba tayong maganda sa Toll Regulatory Board? Sa Water Resources Board? Sa Energy Regulatory Board? Eh di ba lahat itong mga board reklamo tayo ng reklamo, nagkaka-ayusan lang, wala namang nangyayari sa mga reklamo natin. Kaya nga natin inilagay sa lamesa ng pangulo, kaya natin ibinigay ang kapangyarihan sa pangulo, para rekta tayong makakapag-reklamo sa pangulo natin, hinalal natin, nakatanggap ng boto natin. Eh di ba mas maganda ito kesa sa board? Kung sa board iyan, kanino tayo Magrereklamo ngayon kung hindi ginawa ng board ito? Magtataguan iyan. Simpleng-simple ito.

Huwag na nating I-debate ito, batas na ito last year pa. Umandar na ang batas, nasa lamesa na ng pangulo para makalahati itong presyo ng mga gamot na ito. Buhay nakasalalay dito.

Q: In bad taste ba iyon? Especially knowing his political party?

MAR: Ang importante dito, buhay ng tao.

Kung ang Norvasc nabebenta ng Pfizer sa may hawak ng Sulit card sa half price at sinasabi nilang lugi sila sa half price na ito, ibig sabihin yung nagbabayad ng full price nagsa-subsidize dun sa nagbabayad ng half price. Ang tanong ngayon, sino ba ang may Sulit card? Di ba 'yung mga may doctor? Di ba mayayaman yan? Ibig sabihin 'yung mga mahihirap, 'yung mga nasa health clinic, sila pa ang nagsa-subsidize sa half-price discount nitong mayayaman na ito.

Ako pabor dito sa pagbaba ng presyo ng gamot pero hindi sa mga discount cards. Ibigay natin ang mababang gamot sa lahat ng ating kababayan, may discount card man o wala. Kaya para sa akin, pirmahan na itong MRP na ito.

On Celso de los Angeles

Q: Naka-hospital arrest na daw si Celso de los Angeles?

MAR: Sumulat na ako...mamaya makikilala niyo ang mga biktima mula sa Cagayan de Oro na dumulog po dito para masiguro na makukulong na nga itong si Celso de los Angeles. Makikipagkita tayo sa kanila kasi nagrereklamo sila na special treatment itong ginagawa para kay Celso de los Angeles. Matutulungan ko sila sa pagsulat sa huwes sa Cagayan de Oro na mag-assign ng isang independent medical examiner o practitioner para malaman ang tunay na kalagayan ni Celso de los Angeles. Nagsasakit-sakitan lang ba ito para maiwasan ang kanyang pag-preso, ang kanyang pag-aresto? O talagang maysakit ito? At kahit pa na may sakit siya, bakit siya nasa St. Lukes? Dapat nasa government hospital. May government hospital din dun sa CDO, bakit hindi doon? Lahat itong mga issue na ito ay dadalhin natin sa judge dun sa CDO dahil ang arrest warrant ay nasa kanya.

Para sa DOJ, para sa bagong itinakdang Justice secretary si Agnes Devanadera. Halimbawa ito nakita natin na umaandar naman pala ang ibang bahagi ng judicial system natin. Kayo diyan sa DOJ, maari bang bilis-bilisan ninyo ang inyong trabaho? I-lift ninyo ang mga fees na siyang pinaka-malaking hadlang para sa pag-file ng kaso ng mga kababayan natin. At doon sa mga naka-file na, pwede bang aksyunan nyo na ito? Para lahat ng reklamo laban dito kay Celso at dun sa gawain niyang pagnanakaw para sa Legacy ay maaksyunan na.

Alam ko po marami sa mga biktima handa silang magsabi na anuman ang court fees kung mananalo kami sa kaso. I-deduct na lang sa matatanggap namin mula kay Celso. Huwag lang ngayon kasi walang-wala na kami. Ninakawan na kami, wala na kaming pambayad ng tuition, wala na kaming pang-retiro namin, wala na kaming pambayad sa burol tapos hihingan niyo pa kami ng court fees? Handa po sila, pati itong mga investors, handa po sila sabihin o gumawa ng undertaking na kung anuman ang sisingilin sa mga court fees, bawasan na lang, gawing bahagi ng court decision at ibawas na lang sa anumang judgement kung manalo sila.

Q: Eh kung matalo sila?

MAR: Mas lalong kawawang-kawawa naman sila. Ninakawan na nga sila, natalo pa sila.

On GMA-Obama Meeting

Q: Reaction on meeting?

MAR: Isang hudyat ito na tuloy na ang eleksyon, wala na itong Chacha. Hindi ko nakikita na ang pamahalaang Amerika na siyang nagtataguyod ng demokrasya at kalayaan sa buong mundo ay makikipag-miting sa isang pangulo na hindi pa nila na-klaro na wala na itong mga Chacha, wala na itong pag-subvert sa ating Saligang Batas. Magandang hudyat iyan.

Ganunpaman, para sa ating pangulo, huwag na huwag po kayong papayag na mala-lobby kayo ni Obama sa ngalan nitong mga pharmaceutical companies na ito. Isa sa pinakamalaki, pinaka-mayaman, pinaka-matinding lobby sa Amerika ay iyong pharmaceutical industry. Iyan ang dahilan kung bakit ang healthcare ay isa sa mga pinakamalaking isyu dito dahil sa lobby ng pharmaceutical industry. Baka I-bring up po iyan sa ating pagpupulong, ay huwag po nating isakripisyo sa altar ng maayos na relasyon, sa altar ng photo op kay Obama, ang kapakanan, ang healthcare, ang kalusugan ng ating mga kababayan. Hindi po kapalit ng isang photo op kay Obama ang pagbaba po ng presyo ng gamot dito sa atin. Pababain po natin ang presyo ng gamot.

Q: Baka may quid pro quo diyan?

MAR: Sa pag-uusap sa pagitan ng mga pangulo, ang pinag-uusapan diyan security, trade, economy, financial integration, movement of persons across boarders, agricultural health, napakalawak ng pwedeng pag-usapan diyan. Pero maaari din na na I-bring 'yung isyu ng gamot kasi isa sa pinakamalakas na lobby sa Amerika ang pharmaceutical lobby. Kaya po babala lang po ito: Huwag po nating ipagpalit ang interest ng mga kababayan natin para lamang may photo op tayo kay Obama.

On declaration of Sen. Loren Legarda

MAR: Congratulations. I wish her well. Good luck. Napakalaking hakbang itong isinasagawa ng ating matalik na kaibigan, Sen. Legarda. And I wish you all the best.

News Latest News Feed