Press Release
June 24, 2009

Transcript of interview in Manila Hotel with Sen. Manny Villar

Q: On being an Outstanding Manilan awardee

Villar: Syempre kapag taga-Maynila ka, nagmamalaki ka kapag sa pinanggalingan mo ay may binigay sa iyong award. Naalala tuloy natin ang ating pinagmulan sa Tondo, Manila. At sampu naman ng lahat ng mga nanalo ng parangal ngayong araw na ito.

Q: Mag-aatend po ba kayo sa SONA?

Villar: Baka hindi na rin dahil baka may threat na may gawing hindi maganda. Anyway, mapapanood naman sa television iyan. Doon na lang natin pakikinggan kung ano man ang mensahe ng pangulo.

Q: May information ba akyo na magkakaroon ng con-ass sa SONA?

Villar: To be fair, wala naman akong alam na information. Wala naman akong naririnig tungkol sa bagay na iyan. Mas maganda na sa TV na lang, mas maliwanag ko pang mapapanood ang nangyayari diyan.

Q: Ano ang inaasahan ninyong sasabihin ni PGMA?

Villar: Syempre naman sasabihin ng pangulo accomplishments niya sa kanyang pananaw. Ganyan syempre ang kalagayan ng bansa ay depende sa pananaw ng nagsasalita. Syempre ang pangulo ay may sariling pananaw sa nangyayari sa ating bansa. Hindi naman natin maiaalis na babanggitin niya iyon at siguro kung ano ang kanyang gagawin sa nalalabing isang taon ng panunungkulan.

Q: Hanggang ngayon ayaw sabihin ni President kung ano ang plano niya sa 2010?

Villar: Marami ang umaasa na sana magsabi ang pangulo ng kaniyang plano. Ang sa akin kasi, kapag wala naman nagsasalita ng ano mang plano, meron naman tayong konstitusyon at sa aking palagay, ang konstitusyon natin ang data nating i-assume na mangyayari na naaayon sa ating Saligang Batas na magkakaroon ng presidential elections sa 2010. Iyon naman ang assumption naming lahat. Ngayon merong mga hindi naniniwala kaya kung gusto ng pangulo na mawala iyon, liwanagin niya.

Q: Kayo lang ba sa Nacionalista Party ang hindi pupunta sa SONA?

Villar: Noong mga nakaraang panahon, maraming absent naman talaga sa SONA, particularly sa mga senador. Bagaman iyan ay hindi naman malaking bagay noong araw, ngayon maaaring magkaroon ng kulay ang opening na iyan. Malamang ang mangyayari diyan, lahat ng partido ay mag-uusap-usap bago mag-opening ang session at gagawa ng opisyal na posisyon kung ano ang kanilang gagawin sa SONA. Ang inaasahan ko ay magmi-meeting ang NP members bago mag-SONA para ma-define namin kung ano ang magiging posisyon hindi lamang sa SONA, kundi sa mga darating na panahon.

Q: Kung mangyari ang Con-Ass during SONA, ano ang gagawin ninyo?

Villar: Kami ay tumututol diyan. Nililiwanag ko sa lahat na tumututol kami sa Con-Ass. Naniniwala kami na sa panahon na nalalabi, para ipwersa mo ang Con-Ass ay talaga namang pilitan na iyan. Hindi ako naniniwala na magkakaroon ng sapat na oras para mapag-usapan ang Con-Ass nang maayos. Medyo gahol na rin sa oras kaya kapag iyan ay pinilit, hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari. Ako bilang isa sa tututol diyan ay sasama sa iba na tumututol din sa Con-Ass.

Q: Nag-usap kayo ni Jun Lozada kanina, ano po ang pinag-usapan ninyo?

Villar: Nagbabatian lamang kami at matagal na kaming hindi nagkikita.

Q: Hindi nyo siya nililigawan para sa senatorial slate?

Villar: Alam mo, kami ni Jun naman ay nag-uusap. Tinanong ko din siya kung ano ang kanyang palagay sa mga pangyayari ngayon at kung ano ang kanyang palagay sa Con-Ass at kung siya ay papasok sa larangan ng pulitika. Napagkaisahan namin na mag-uusap uli kami.

Q: Ibig sabihin nililigawan nyo siya bilang senator ninyo?

Villar: Hindi naman, wala pa naman kaming pinag-uusapan pa kung ano ang kanyang plano sa mga darating na panahon subalit karamihan naman ng mga players ngayon ay nag-iisip dahil limang buwan na lamang filing of candidacy na kaya iyong mga posibleng pumasok sa larangan ng pulitika ay kinakailangan na rin namang gumawa ng desisyon. Bukod diyan, meron pa ring cha-cha kaya napakaraming dapat isipin at napakaraming dapat pag-usapan. Kami naman ay nag-usap lamang tungkol sa mga issues na iyan.

Q: Kino-consider ninyo siya sa partido ninyo?

Villar: Sa akin naman kapag papasok naman sa NP ay wala akong nakikitang masama. Dangan nga lamang ay ayaw kong pangunahan ang mga tao na pumasok sa partidp. Kami naman ay nandiyan. Alam naman ng mga tao ang prinsipyo namin, ang bayan higit sa lahat, tinatanggap namin ang mga sumasang-ayon sa objective ng partido.

Q: May pwesto para sa kanya?

Villar: Ayokong pangunahan siya sa bagay na siya lamang ang makakapagdesisyon.

Q: Wala pa kayong napagpipilian na VP?

Villar: Wala pa, matagal pa iyan. Ang vice president mapipili iyan kapag malapit na ang filing. Hindi ko inaasahan na lilinaw ang linyahan until after September. Kasi sa Agosto pa lang magbabalikan lahat ng congressman at senador. Karamihan niyan ay nagbalikan sa kanilang constituents sa kanilang mga probinsya at kumunsulta sa kanilang nasasakupan at kaalyado. Pagbalik niyan sa Kongreso sa Agosto, meron nang mga nasa isipan iyan. Kaya siguro magkakaroon ng maraming aksyon sa Agosto o Setyembre.

Q: Ano ang qualifications ninyo sa VP?

Villar: Basta magugustuhan ng grupo at magugustuhan niya rin kami. Syempre iyan namang VP ay dalawang panig iyan. Iisipin mo rin na gusto ba ng VP na sa iyo tumiket o gusto ba ng grupo mo na tumiket siya sa inyo. Pero syempre ang pinakamahalagang bagay ay yung pareho kayo ng objective, mayroon kayong pagkakaisa ng objective para sa bayan.

News Latest News Feed