Press Release
June 9, 2009

Transcript of interview with Sen. Pia S. Cayetano

Topics: DOJ leadership change, Con-Ass, PGMA's low trust rating Ambush interview at sidelines of bicameral conference hearing on CARP extension bill Venue: Imperial Palace Suites, Quezon City

Q: On replacement of Sec. Raul Gonzales by Sol Gen Agnes Devanadera at DOJ...

SPSC: Ang concern ko doon sa papalit sa kanya, kung titignan natin ang kanyang (Devanadera) track record, 'di ako masyadong excited na 'yung delivery of justice will be done swiftly, effectively at walang kinikilingan. Kasi 'yung nakita natin sa record niya in the most recent past, particularly sa issue of opening the books of oil companies, you would think that somebody coming from the Office of the SolGen would say that we [the public] should have full access on records that have substantial bearing on the economy. Kung iyon ang magiging basehan ng future actions niya, nakakatakot naman na yun ang susunod na Secretary of Justice. Kung hindi ako natuwa sa mga desisyon ni Sec. Gonzales, e baka lalo akong hindi matuwa sa bagong papasok na secretary. Ako naman, I always give people the benefit of the doubt, pero sa dami ng magagaling na tao sa Pilipinas, bakit ganun ang pinipili ng ating Presidente? Sana huwag naman "rewards system" lang ang gawing basehan [sa mga appointments]. The Secretary of Justice really has to be beyond question. Dapat walang bahid ng partisan loyalty sa kanyang pag-aadminister. At kung may loyalty man, loyalty to the good of the people.

Q: Yung sinasabi nga, ayan tumataas ang presyo ng produktong petrolyo, pero sabi naman ng gobyerno [through SolGen's office] hindi pwedeng pakialaman ang books nila [oil companies], ano naman ang masasabi n'yo doon?

SPSC: Kung titignan natin 'yung mga naging desisyon base sa mga recommendations niya, na hindi natin pwedeng tignan ang records ng oil companies, saan papasok ngayon ang power of the government to ensure that our pricing systems are the most reasonable? We are trying our best to be a democratic government, so to be able to do that, we should have access to information that will allow us to make good decisions. E kung yung SolGen pa lang ayaw patignan sa gobyerno ang mga libro, paano pa tayo gagawa ng mga palisiya na ikagaganda ng ekonomiya? Starting with oil pricing, dahil dito apektado ang lahat. At papaano ba natin ma-aaddress ang problema kung hindi pwedeng usisain ang mga libro nila?

Q: Ano po bang pagkakakilala n'yo kay SolGen Devanadera?

SPSC: Ang akin namang basehan diyan is her previous decisions, and isa nga doon ay ang parang pagdedependsa niya sa oil companies, na parang kabaliktaran. Kasi kung SolGen ka, I would think na ang iyong dinidepensahan ay "People of the Philippines" so bakit ang "People of the Philippines" ngayon ay kumuha ng posisyon na hindi dapat natin tignan ang mga libro? Nakakapagtaka 'yon. Maiintindihan ko pa kung ito ay isang purong pribadong negosyo, pero vested in public interest ang oil companies by the nature of their business. Apektado talaga tayo dito at diyan pumapasok ang karapatan ng Estado na tignan ang mga impormasyon na kahit man pribado, pero sa ganitong sitwasyon aypwedeng ipaglaban. Paano mo aasahan na gagawin ng mga ahensya tulad ng DOE at ERC ang kanilang trabaho kung di mo titignan? Last year, ang naging isyu nila ay sa Meralco, pilit tinitignan ang tubo nila. Ngayon paano mo malalaman kung nagmamalabis nga ang mga oil companies kung hindi mo bubuksan ang kanilang mga libro? Hindi yata tama 'yon. Tapos ngayon ang magde-decide n'yan ay ang magiging bagong Justice Secretary? Tignan na lang natin sa Commission on Appointments...

Q: Haharangin n'yo po ba sa CA?

SPSC: Hindi ako member ng CA pero we make decisons as a body, at pwede ko namang iparating ang concerns ko sa mga kasamahan ko.

Q: Reaksyon lamang po sa 46% negative trust rating ni GMA...

SPSC: Hindi ako nagugulat doon, pero nagugulat ako na nagugulat pa sila! (laughs)

Idinidepensa pa ng mga kasamahan n'ya na dahil raw ito sa mga critics [ng administrasyon]. Bakit, kaya bang baguhin ng mga critics na 'yan ang pananaw ng mga tao nang basta-basta? Siguro may epekto 'yon kahit papaano, pero kung tunay na magaling kang pinuno sa huling walong taon, siguro naman ay napatunayan mo na sa mga tao kung talagang kagalang-galang ka, kung nararapat ka bang purihin, o kung nararapat ka bang magkaroon ng positive 46% trust rating o negative 46% trust rating. So I think wala silang dapat sisihin kundi ang administrasyon mismo at ang mga tauhan nila. Ito ngang Con-Ass pa lang, deadma nang deadma ang Presidente na parang wala siyang pakialam o kinalaman doon.

Q: Pero sabi po ni Lorelei Fajardo, may mga fans pa rin po ang Presidente...

SPSC: Kahit papaano naman ay may mga natulungan 'yan. Meron namang mga projects 'yan, at kaya maraming projects 'yan ay dahil kaming mga senador ay hindi naman nila binibigyan ng projects. Totoo namang may magmamahal at magmamahal sa kanya, pero hindi kumo pinalakpakan ka o iniiyakan ka, ibig sabihin na nun ay mahal ka ng mga tao at tama ang mga ginagawa mo.

Q: So mali ang sapantaha ni Lorelei Fajardo?

SPSC: Ang problema naman sa mga nakapaligid sa Presidene ay hindi nila pinapakinggan ang pulso ng tao. Alam ko na mahirap ang trabaho ng Pangulo, pero madami na rin siyang mga desisyon na madali naman sanang itama pero pilit pa ring ginagawang mali.

Q: Pupunta po ba kayo sa anti-Con-Ass rally?

SPSC: Oo pupunta ako doon para ipakita ko rin na kasama ako sa mga lumalaban dun sa pagpipilit ng mga congressman.

Q: Pag inimbitahan kayo sa pagbubuo ng Con-Ass, pupunta kayo?

SPSC: Hindi. Kapag binasa mo ang Konstitusyon, lahat ng panukalang batas ay dapat dumaan sa Upper House at Lower House. Ultimo pagbabago ng pangalan ng kalsada ay dumadaan sa parehong Houses. Pero bakit itong pagbabago sa Saligang Batas ay isang kapulungan na lang?

Q: Nilapitan na po kayo ng House regarding Con-Ass?

SPSC: Alam mo yung sinasabi nila, naghahanap lang 'yan ng paraan para isulong ang kanilang gusto. I doubt it kung may lalapit sa akin. Kasi kung alam naman ng tao na hindi ka nalalapitan para sa mga walang-saysay na isyu o hindi tamang isyu, e bakit pa siya lalapit sa iyo?

News Latest News Feed