Press Release
June 8, 2009

Transcript of Sen. Mar Roxas' interview after the Oversight
Committee on Quality Medicines hearing

On the Cheaper Meds law

MAR: Nagpapasalamat tayo, sa wakas, ang Department of Health ay tumugon na sa probisyon ng batas at sa wakas ay mag-I-issue na ng Maximum Retail Price sa 22 na pinakanareresetang gamot dito sa ating bansa. Gamot ito para sa hypertension, high blood, para sa diabetes, para sa antibiotics at iba pang pinakamadalas na mareseta dito sa atin para sa ganun ay magkaroon po ng pantay na laban ang ating mga kababayan. Importante po ito, napakalaking hakbang po ito.

One year matapos na naisabatas natin itong batas na ito, Cheaper Medicines law, sa wakes ay humakbang na din ang Department of Health at simula pa lang ito. Pupukpukin natin sila para lalong dumami itong 22 na ito, at itutulak pa rin natin na maibaba nga ang mga presyo ng mga gamot na ito dahil mataas pa rin ang presyo ng gamot dito sa ating bansa.

Kasama ang branded. Halimbawa, ang Norvasc ay P44 or P45. 'Yung generic na katumbas, bio-equivalent dun sa Norvasc ay P7. 'Yung Norvasc mismo, yung Pfizer, nagbibigay ng discount dun sa kanilang mga customer na mayayaman, na madalas bumili, ng 50%, nasa P22 na eh. Eh kung nabibigay naman pala nila ito sa P22, bakit hindi nila ibigay ito sa lahat ng mga Pilipino. So ngayon, maximum retail price of Norvasc will be P22. Isang halimbawa po iyan.

'Yang amlodipine, Norvasc po iyan. Ang presyo po niyan ay P44 hanggang P45. Ang pinakamababa niyang generic ay P11. So ang itatakdang retail price dito ay P22.50.

Halimbawa para sa diabetes, ang gamot Diamicron, ang pangkaraniwang presyo ay P14.75 kada tableta, araw-araw iniinom ito. Ang magiging MRP ay P7.35. Nangangalahati ang magiging maximum retail price.

Ganun din po sa antibiotics, sa antibacterial. Halimbawa po ay itong Flagil. Ang presyo po ng isang Flagil ay P132 ang bawat isa. Ang magiging MRP ay P66., kalahati din po.

Nagpapakita na kung merong political will, kung pinupukpok, nire-remind at hindi pinapabayaan itong magagandang batas na ito, nai-implement naman. Gayun nga lang, it took one year, 4 days ago was the one year anniversary nitong isinulong natin at isinabatas na Cheaper Medicines law. At ngayon, one year later, may hakbang na finally ang DOH para maibaba ito.

Gayun pa man, nakita naman natin na kulang na kulang pa rin ito. Iyong perang nilaan natin para sa BFAD, P170 million. Hindi ito bagong pera, nakokolekta na ng BFAD ito na sa ngayon ay nireremit sa National Government. Sa batas, supposed to be, sa kanila na ang pera na ito para mas marami silang maha-hire na mga kawani na mag-check ng mga gamot na nasa botika at magbabantay na rin ng presyo. Eh hanggang ngayon hindi pa rin nare-release. Infact, na-veto budget message ng Pangulo ito.

Sa budget din naglagay tayo ng P1 billion para sa PITC-Pharma, ahensiya ito sa ilalim ng DOH. Supposed to be mamimili ito ng quality but affordable medicines abroad na iaangkat nito. Hindi pa rin nare-release at na-veto message din ito. Naghahanap pa daw sila ng pera. Pero nasa budget na, hindi lang nire-release, masyadong marami pang rekititos.

Pero nakita rin natin at mabuti naman inamin nila, 'yung PHAP at 'yung Pfizer, kung gusto nilang kausapin ang pangulo, bigla na lang may pag-uusap. Ang nireklamo nila dun ay iyong ban na iniisip sa kanilang mga discount cards. At Nagpapasalamat tayo at hindi ito pinakinggan ni Sec. Duque at iyong kanilang ini-la-lobby sa pangulo ay hindi nagtagumpay.

Mahalaga na maibaba natin ang presyo ng gamot. Kitang-kita naman natin. Kawawang-kawawa talaga ang taumbayan. Araw-araw, may mga kakilala tayo...dito sa Senate, iyong mga iniinom nilang maintenance medicines, P100 or P200. Ang minimum wage, ubos na sa gamot pa lang, wala pa iyong pagkain, wala pa iyong pamasahe. Sobrang mahal talaga.

On Lacson's withdrawal from presidential race

Q: Reaction on withdrawal? Mag-vice na lang daw siya sa inyo?

MAR: Nalulungkot ako sa balita. Nabigla din ako na hindi na tutuloy si Senator Lacson sa kanyang balak na pagtakbo sa pagkapangulo. Sa aming pag-uusap dito sa Senado, alam ko na hangarin niya ay para maibangon muli ang ating bansa. Maganda naman ang kanyang pinapangarap para sa atin. Mabigat na gawain itong pagtakbo sa pagiging pangulo. Kaya nalulungkot nga ako.

Q: Iyong pagtakbo daw niya ng vice?

MAR: Hindi pa napapanahon tungkol dito sa pagtakbo bilang vice o ano. Ang pinakamahalaga ay maibaba natin ang presyo ng gamot.

Q: Kinokonsider niyo daw si Lacson na vice president niyo?

MAR: Si Sen. Lacson ay naging matibay na tagasulong nitong Cheaper Medicines law.

Q: Ikaw tuloy na tuloy na?

MAR: I AM IN IT TO WIN IT!

On Pamanhikan with Korina's family

Q: Hindi daw natuloy?

MAR: Oo, hindi kasi kumpleto ang pamilya ni Korina, wala iyong mga tiyuhin at tiyahin niya. Naka-reset. Orphan na nga kasi siya, so mga tiya at tiyo niya ang kakausapin ko. So, nag-set na lang ng ibang date.

News Latest News Feed