Press Release
June 7, 2009

Statement of the Majority Leader on Bayani Fernando's criticisms

"Gusto ko po lang sagutin ang mga binanggit ni Bayani Fernando sa ibat-ibang pahayag at tv program na ako daw ay nangangampanya para sa isang kandidato na hindi naman kasama sa Lakas.

"Nagkamali siya dahil sa sabi niya sa isang television program doon sa Lakas-Kampi coalition that as a member of the national directorate, and as an officer of the party dapat ako daw ay neutral.

"Unang-una gusto kong ipaalam kay Mr. Fernando na hindi na po ako opisyal ng partidong Lakas-Kampi. Ako po ay nagresign bago nagkaroon ng formal merger ang dalawang partido. I'm a mere member of the party, being a member of the party I can show my preference to any particular candidate. Wala na kay Mr. Bayani iyon kung meron man po akong napiling kandidato because as a party member it is my right. So, he should get his facts straight first.

"Kung ako sa kanya mangampanya na lang siya sa mga kapartido niya dahil kung magkaroon ng halalan sa convention, sa national convention namin ay paramihan ng boto iyan ng ating mga kasamahan. So, my suggestion to him is to court as many delegates as he can.

"Basta ako ay sangayon na pagdating sa pagpili sa presidente ng aming partido it should be transparent and democratic process kung saan kami lahat sa partido ay bibigyan lahat ng pagkakataon at boses na pumili ng aming kandidato. So iyan naman ang gusto ni Mr. Fernando.

"Ang masasabi ko lang sa kanya (Chairman Fernando) ay good luck. I wish you all the luck."

News Latest News Feed