Press Release
June 5, 2009

Transcript of interview with Sen. Manny Villar and OFW Janet

Q: On OFW Janet

Villar: Itong nangyari kay Janet ay isa lamang halimbawa ng mga nangyayari sa ating mga kababayan doon. May mga ganito talaga na minamalas, wika nga, na nagkakaroon ng problema, napapagsamantalahan. Kaya talagang hindi natin dapat tigilan ang pagtulong sa mga OFW habang sila ay may problema. Tuloy-tuloy dapat ang pagtulong natin dahil marami pa ang ganyang kaso at dapat nating hanapin iyan para matulungan at kahit paano ay mabawasan ang sakit na kanilang dinanas doon sa labas ng bansa. Itong nangyari kay Janet kaya naman gusto namin itong ikwento rin, gusto rin niyang ikwento, ay para magsilbing halimbawa sa ating mga kababayan at para malaman n gating pamahalaan at mga kababayan ang hirap na inaabot ng ilan sa ating mga kababayan na OFW. Kaya tuloy lamang ang pagtulong natin. Dito sa kaso ni Janet, akala ko tapos na ang tulong naming sa pagpapadala ng pamasahe niya, subalit pagdating niya rito hindi pla sapat iyon dahil sa meron pa siyang karamdaman na dapat magamot na dulot ng pagmamalupit sa kanya kaya pinagamot pa namin siya. Sa ngayon may panibagong problema na mukhang nahihirapan din siya sa buhay at mukhang napaalis sila sa bahay nila sa riles.

Q: Paano nakarating sa inyo ang kalagayan ni Janet?

Villar: Tumawag siya sa helpline. Noon nga akala namin magpapadala lang ng pamasahe, sapat na iyon, pero nalaman namin na mas grabe pala ang inabot niya doon, nasaktan pa siya kaya pinagamot muna namin. Ganyan naman ang ginagawa nating pagtulong, maski na napauwi na natin dito, kapag nakita namin na merong karamdaman o merong kailangang ipagamot, ipinapagamot muna namin para naman maging normal ang kanyang buhay at makalimutan ang nangyari sa labas ng bansa. Syempre may mga bagong problema ngayon, iyong pagkakatanggal ng bahay nila, iyong problema ng pagpapaaral sa anak, ito ay ilan sa mga problema ngayon na pag-usapan pa namin ni Janet para malaman kung paano pa kami makakatulong sa mga bagay na iyon.

Q: Kumusta naman ang tugon ng pamahalaan sa inyong panawagan para sa OFWs?

Villar: Wala kasi sa linya ng pamahalaan ito pero sa akin, ang pamahalaan ay kulang na kulang talaga. Dapat talaga ay pagbutihin, doblehin o triplehin ang budget. Hindi talaga sapat ang ina-allocate nila sa OFW, talagang dapat ay triplehin ang budget na ito nang sa ganoon ay maramdaman ang pagtulong at pagkalinga ng ating pamahalaan sa kanila.

Q: Recently ay may 44 na OFW na pinauwi si VP de Castro, what can you say about that?

Villar: Good. Maganda iyan sapagkat dapat talaga magtulong-tulong lahat dito. Iyan ang objective ko sa pagpapakalat nito, nang sag anon ang mga makakatulong ay tumulong at yung nasa pamahalaan tulad ni VP, ay tumulong din. Sila naman ang in-charge sa iba't ibang opisina para magamit nila ang opisina nila para makapagpauwi ng mas marami.

Q: (To OFW) Anong tulong pa ang inaasahan mo?

Janet: Wala na po. Kasi ang inaasahan kop o, yung sweldo na pinapirmahan ko sa employer, one year, tapos hindi niya binalik sa akin dahil sabi niya baka tatakas daw po ako. Pero tinakasan ko pa rin siya. April 13 dumating na ako, na-demolish ang bahay namin nung 13 tapos yung anak ko graduating ng 16 sa PSBA. Iyong dalawa nag-stop na po kasi ako lang nagpapaaral sa kanila, wala namang ibang tumutulong sa kanila.

Q: Pakituro nga po ang parte ng ulo ninyo na may fracture?

Janet: (Points to head) Dito po. Pinagamot po ako ni Sir Manny sa Methodist Hospital. Medyo okay na po. Continuous ang medicine ko, napakamahal pero continuous ito.

Q: Ilang taon ka doon?

Janet: Three years po.

Q: Itong sinasabi mo na ginahasa ka hindi lang ng ama, kundi ng anak, kalian nagsimula iyon?

Janet: Yung anak niya sa end na lang iyon, noong three years na ako. Pero iyong ama kapag sabog siya, kasi laging wala ang employer ko, ginagawa niya iyon, kapag sabog siya, lasing. Bugbugin ka muna, kapag nanghina ka na doon ka na gagamitin.

Q: Ibig sabihin maaga? First year pa lang?

Janet: Lagi po iyon. Meron na po.

Q: Pero tumagal kayo ng three years?

Janet: Opo kasi nila-lock ang bahay. Hindi ako pwedeng tumalon ng third floor.

Q: Paano po kayo napunta sa amo ninyo?

Janet: Agency po. Tapos kapag sinabi ko uwi na ako noong first three months ko, sabi niya soli mo ang ginastos ko. Syempre natatakot ako. Sabi niya kapag nakita kita tumakas ka sasagasaan kita. Iyon natakot na ako, nila-lock niya. Pero nagkataon na wala ang employer ko na babae, nakita ko yung lalaki nagda-drugs na naman, may balak na naman, doon na ako tumakas.

Q: Paano ka nakatakas?

Janet: Before dumating ako may natulungan siya na more than 60 persons, yung migrante sinabi sa akin tawagan mo si Sir Manny Villar, humingi ka ng tulong, mamamatay ka kapag natagpuan ka niyan. Doon po ako tumawag at na-contact ko sila at agad-agad na nagpadala ng tiket.

Q: (To Villar) Kapag naging presidente na kayo, anong programa ninyo sa OFW?

Villar: Kaya namang lutasin ito basta desidido ang gobyerno. Sabi ko nga, sino man ang manalo sa 2010 maski naman hindi ako, ay dapat talagang tugunin ito. Ang sistema ngayon ay kulang na kulang talaga, hindi talaga kayang umalalay sa ating mga kababayan. Sabi ko nga, baka kulang iyon doblehin ang budget dapat triplehin man lang at talagang pagpokusan ang mga lugar na madalas pangyarihan ng ganitong mga problema. Naniniwala ako basta desidido ang gobyerno, kaya.

Q: Ano sa tingin ninyo ang short-term solution?

Villar: Sa ngayon ang gobyerno dapat magtaas ng budget, iyon muna ang magagawa. Hindi nman natin masisi ang mga kababayan natin. Marami nga tayong kababayan na walang dokumento. hindi natin sila masisi kasi wala naman talagang pagkakakitaan.. Kaya hindi rin pwede yung ban ka na lang nang ban. ang dapat ihanda natin ang safety net, ang sistema ng gobyerno par ayung mga mabibiktima ay may sasalo.

Q: Ano po ang plano ninyo against charter change?

Villar: Ang Nacionalista Party ay nagkaroon ng emergency meeting kahapon. Tinalaky namin ang mga gagawin namin. Kami ay kasama sa mga protesta na iyan at kami at nago-organize ng sarili namin. Inalerto na namin ang iba't ibang chapter ng NP para gawin ang nararapat para makiisa sa pagtutol sa cha-cha. Alam natin ang sentiment ng tao dito, ayaw n gating mga kababayan nito kaya mahalaga na ang bawat isa na ayaw dito ay magpahayag ng kanyang nararamdaman at magpakita ng pagtutol. kasi dito kapag wala tayong gagawin, tuloy-tuloy iyan. Mahalaga naman na ang bawat isang organisasyon ay gawin ang kanilang kayang gawin. merong mga magra-rally, may magpoprotesta lamang, merong mga gagawa ng resolusyon. kung ano man ang iniisip gawin, pwede naman iyon. Walang masama na lahat gumalaw. Mas maraming organisasyon ang gagalaw, mas maraming tao ang gagalaw, mas epektibo iyan para mapigil ang cha-cha.

Q: Sabi ni Sen. Biazon baka ito ang pagmulang ng Edsa 3?

Villar: Posible kapag pinilit n gating pamahalaan itong cha-cha. Maaring an gating mga kababayan nitong nakaraang panahon ay medyo walang hilig sa mga ganyan, sabi nga ayaw nang sumali sa ganyan, hindi mo rin matatawaran naman, hindi mo masasabi na ganyan na naman ang magiging reaksyon ng ating mga kababayan dito. maraming marami sa kanila ay naghihintay lamang ng 2010 para magkaroon ng pagbabago. syempre kapag sasabihin sa kanila na wala palang pagbabagong mangyayari, pareho rin, palagay ko marami ang tututol, maraming magagalit.

Q: Sabi ni Mancao, he will stand by his affidavit...

Villar: Meron tayong hustisya, pabayaan natin na iyan ay gumulong at tumakbo. Iniiwanan ko iyan sa ating DOJ. Alam naman natin na merong humihingi ng justice sa nangyari sa kanilang magulang.

Q: Tingin nyo ba parang karma it okay Ping?

Villar: Ayokong mag-komento niyan. Iiwanan ko iyan sa isipan ninyong lahat.

Q: Sabi ni Sen. Biazon baka nagkaroon ng H1N1 si Sen. Madrigal kaya kailangan niya magpa-checkup?

Villar: Lahat naman kailangang mag-alisto diyan. tungkulin ng bawat isang Pilipino na kapag may naramdaman kang lagnat, magpacheckup kasi para na rin sa mga mahal mo sa buhay nab aka ikaw ay meron pala, at least ang mga mahal mo sa buhay ay hindi madadamay.

Q: Hindi nyo ba kukunin si Adel Tamano na spokesman kapalit ni Remulla?

Villar: Hindi. Marami naman kaming spokesperson, maramingnagsasalita para sa partido. isang malaking karangalan sa amin na si Gilbert at si Adel ay parehong maging spokesmen ng ating partido. Maganda rin na meron tayong spokesman na galing sa Mindanao para naman ang mga kababayan natin doon ay magkaroon ng magandang representasyon sa ating partido.

Q: Hindi daw siya nagpaalam sa UNO?

Villar: Hindi ko naman tinatanong si Adel. si Atty. Adel naman ay alam na tama ang kanyang ginagawa. Dapat asahan naman na habang lumalapit ang eleksyon ay marami nang nag-iisip kung saan sila lilinya sa darating na halalan.

Q: May tampo daw si BInay sa kanya?

Villar: Mahirap nang mag-comment diyan. Kaibigan ko rin si Mayor Binay. ito naman ay hindi tungkol sa UNO, ito ay tungkol sa pagpapalakas din ng partido.

Q: May taga Laks-Kampi ban a gustong pumunta sa inyo?

Villar: Maraming mga taga-Lakas Kampi na gustong lumipat sa amin dangat nga lamang at naghihintay ng tamang panahon. Marami naman ang nagsi-signify niyan at nauunawaan n gating mga kaibigan na talaga naman kapag nagtatapos ang term ng isang pangulo ay normal iyan.

Q: You welcome them?

Villar: Lahat naman ng tao na inaakala naming na makakatulong sa layunin n gating partido sa ikauunlad n gating bayan ay wine-welcome namin.

Q: Dahil sa merger kaya sila lumilipat?

Villar: Maraming kadahilanan kung bakit sila lilipat, posibleng merger, hindi sila payag doon.

News Latest News Feed