Press Release
June 1, 2009

TRANSCRIPT OF INTERVIEW AT SAGIP-OFW OFFICE
WITH SEN. MANNY VILLAR

Q: Comment lang po sa unang araw ng hearing:

Villar: Unang una, hindi naman kami kasali diyan pero natutuwa ako na ang mga ebidensiyang ipinapakita ay nagpapatunay lamang na tama ang sinasabi ko na 2 proyekto yan. Kaya sabi ko nga ay parang yung ebidensiya ko din ang ipinapakita. 2 proyekto yan.

Pangalawa, nabasa ko sa diyaryo na may natanggap daw ako na 400 million, malaking kasinungalingan yan, WALA akong tinatanggap na 400 million, o mga kompanya ko, wala akong tinatanggap na 400 million.

Pangatlo, e bakit parang masamang tumanggap ng pera, sabi ko nga, hindi labag sa batas po ang mabayaran kayo pag dumaan sa inyo ang kalye at nagtataka nga ako kung bakit parang pinapalabas naman ni Sen. Jamby na parang masama na nabayaran ka. Hindi po masama yan. Bagamat sinasabi ko na wala akong natatanggap na 400 million. Pero hindi rin po masama yan, pag may kinuha sa inyong property na dinaanan sa inyo, talaga pong dapat kayong bayaran. Nasa konstitusyon po natin yan. Kaya liliwanagin ko din, walang overprice, kung mayroon mang nakuha, may binayarang lupa, walang overprice, sinasabi ko nga na lahat po yan, zonal value ang ginamit. Kaya nagtataka ako kung bakit pinipilit na mayroong ilegal. Wala pong ilegal diyan, ito po ay napakagandang proyekto, uulitin po natin, at yan po ay para sa kapakanan ng atin pong mga milyun-milyong kababayan dun sa lugar natin, Cavite, Las Pinas, Paranaque, at mga dadaang taga-QC. Wala pong anomalya diyan, walang ilegal diyan. Nais ko rin pong banggitin ang 400 million, nagugulat ako diyan, walang tinatanggap ang mga kompanya ko na 400 million.

Q: Dadating si mancao at dumlao sa huwebes o miyerkules ...

Villar: Well meron naman tayong hustisya. Bahala na lang ang hustisya natin na tumakbo ng maayos. Meron ding mga naaagrabyado diyan, I think yung mga anak yata naghahabol, so iiwanan ko na lang sa kanila ang paghahabol diyan.

Q: What about ang pagsasampa ni Cong. Gilbert Remulla ng ethics complaint against Jamby?

Villar: Well, sa akin, papaano naman ang gagawin mo kung ikaw ay tinawag ng mga ganoon ng sinuman. Hindi naman siguro matanggap ni Cong. Remulla 'yon. Dahil hindi naman totoo yon at isa na naman yan sa mga kasinungalingan na matagal ko nang naririnig din.

Q: Ikaw wala kang planong mag-file ...?

Villar: Ako, ok na rin. Pero ako ay nagugulat diyan kung saan niya nakuha ang mga pananalitang yon at mga kasinungalingang yon pero sa tagal naman ng aming pagsasama ay nasanay na ako sa mga kasinungalingan niya.

Q: May posibilidad ba na ang minority ay mag-file ng case against sen. Lacson kung mapapatunayang ang testimony ni mancao ay solido?

Villar: Sa oposisyon kasi yan ay iniiwanan ko sa aming lider na si Sen. Pimentel at normally siya ang nag-de-decide para sa oposisyon sa minority sa senado.

Q: Sir yung merger ng lakas at kampi?

Villar: Matagal na naman yan, at matagal nang nababalita yan ... By the time na mag-eeleksiyon na ay magkakanya-kanya nang desisyon ang mga kandidato kung saan sila sasama. At maaring ang mga merger na ganyan empty actions lang yan, wala namang laman na yan dahil sa palagay ko ay hindi rin naman magtatagal.

Q: On a personal level, how are you taking this trial?

Villar: Maliwanag ang konsiyensya ko. Wala akong itinatago, wala akong ginagawang ilegal. At natutuwa nga ako nakatulong ako sa aking mga kababayan. Kaya pag pinupuri ng mga kababayan ko ang mga ginagawa natin, lalo na sa c5, natutuwa na ako dun, hindi ko na lamang pinapansin ang mga ganito. At nagtataka nga ako na nagkakaganyan sila. Siguro nahihiya na wala silang maipakitang nagawa rin nila.

News Latest News Feed