Press Release
May 29, 2009

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' AMBUSH INTERVIEW AFTER THE SENATE TRADE AND COMMERCE COMMITTEE INQUIRY INTO THE LEGACY FUND MESS

On RP economy nearing recession

Q: Sa tingin niyo hahantong tayo dun? May indikasyon ba?

MAR: Mahinang-mahina ang ating ekonomiya. May teknikal na definition ang recession, which is 2 quarters of negative growth. Pero hindi 'yan karaniwan na pagkakaintindi natin. Kasi masasabi natin na sa karaniwan, malubha o seryoso ang lagay ng ating ekonomiya. Ang opisyal na bilang ng ating gobyero ay less than 1%, or 0.4% lang ng first quarter. At ngayon nakikita natin na pataas na naman muli.

Nakikita natin na from $50/barrel, back to $70/barrel ang halaga ng petrolyo. Nakita natin ang report ng DA na kulang na kulang ang ani ng mais atsaka mukhang kulang na naman ang pag-aani ng palay, mukhang mag-I-import na naman sila. Nakita natin 'yung bank credit mahina din ang paglabas, lahat ito ay senyales na pahina ng pahina ang ating ekonomiya.

Nagbibigay ito ng dagdag na dahilan na dapat gamitin ng tama ng gobyerno ang budget. Hindi tayo makakaasa sa foreign economy. 'Yung exports, 'yung tourism, 'yung pera mula sa labas. Ang maaasahan natin ay 'yung domestic economy. Dapat patibayin natin ito. Dalawang bagay lamang ang siyang makakatulong sa ating domestic economy. Una, 'yung tama at wastong paggastos ng pera ng gobyerno. Dahil pera sa loob ng bayan natin 'yan, perang umiikot sa ating bansa. At pangalawa, 'yung long-term at murang pautang para sa mga pribadong negosyante para hindi sila magsara, hindi sila mag-contract out, para hindi sila mag-postpone ng kanilang mga business activities. Diyan sa mga pamamaraan na iyan, matutulungan natin ang ating sarili.

At ngayon pa lang, bago pa man mag-umpisa ang mga panawagan ukol dito sa deficit at dito sa pagtaas ng buwis: Huwag tayong magtaas ng buwis. Huwag tayong magpataw ng mga bagong buwis. 'Yung pera iwan natin sa bulsa ng ating mga kababayan, sa bulsa ng ekonomiya. At huwag kolektahin ng gobyerno ito. Ngayon pa lang sinasabi ko na: Dead on arrival lahat itong mga panukala sa kahit anong pagtaas ng buwis sa ngayon.

On economic stimulus

MAR: EH pambobola lang naman 'yun eh. Dati ko nang sinasabi 'yan. Yung economic stimulus ng administrasyon na nakapaloob sa budget ay mga dating gagastusin nila na nire-package lang, binigyan ng bagong pangalan. Hindi naman dagdag na pera ito. 'Yung economic stimulus package na inimungkahi ng Senado bilang pandagdag na panggastos, ni-line-item veto ng Pangulo, hindi niya sinang-ayunan iyan. So, talaga, walang dagdag na panggastos. Ang maaasahan lang natin 'yun lang talagang pera ng gobyerno.

On Legacy/Pre-Need

MAR: Gusto ko lang ipaabot, paulit-ulit kong sinasabi. Kay GMA at sa DOJ, kung sinsero kayo na tulungan itong mga libo-libong biktima, huwag kayong maghugas kamay dito. Ang pinakamalaki at pinaka-mabigat na hadlang ngayon sa katarungan ay iyong mga filing fees na pwede namang I-waive ng Pangulo o ng DOJ. Kaya kung pwede lang, huwag na kayong magbigay ng proteksyon dito kay Celso at iba pang magnanakaw at manloloko dito sa pre-need industry na ito. I-waive ninyo ang legal fees na ito para hindi kayo maging kasangkapan laban sa katarungan dito sa mga biktimang ito.

Q: Sumulat na kayo sa SC?

MAR: Sumulat na ako sa DOJ, sumulat na ako sa Supreme Court. 'Yung sa DOJ, ang sagot nila ay pagdridribol pa rin lang. Simpleng-simple lang talaga ito: Madam President, kung sinsero kayo, huwag kayong maghugas-kamay dito. Kung naghugas-kamay kayo bilang halimbawa para dun sa AH1N1, huwag naman sana paghuhugas kamay dito sa problema ng biktima ng Legacy.

Q: 'Yung binanggit ninyo involving Xerox machine?

MAR: Naglabas ng order ang korte para I-freeze, I-sheriff lahat ng pag-aari nitong Legacy at ni Celso de los Angeles, pinadala ito sa OSG at dapat ang OSG ang magpaalam sa mga bangko at iba pang financial institutions. Sa kadahilanang sira daw ang kanilang Xerox, hindi nila naipadala ito. Kitang-kita talaga na mapabaya, negligent, or halos kasabwat, pino-proteksyunan nila itong si Celso kasi ang bagal. Kung may lumabas na na order, may pagkakataon pa na hindi nila maisakatuparan itong mga order na ito.

Q: Paglipat ng SEC sa DTI?

MAR: Susubaybayan natin ito. Ang reputasyon ni Sec. Favila bilang isang troubleshooter ang nakasalang dito. Sana ay hudyat ito ng pagkilala na may problema talaga dito at madaliang aksyon ang kailangan dito. Titingnan natin ngayon kung anong mangyayari dito.

Pitong hearing na tayo rito. At sa wakes ay binago ng SEC ang kanilang reglamento. It's been more than a year. Pero mahalaga pa rin dito ang proteksyon para sa mga pre-need planholders.

Q: Dati ano ba ang ginagawa ng SEC? Ano na ang bagong patakaran ngayon?

MAR: Dati sa bawat piso na ibinabayad ng planholder, 5 sentimo lang ang napupunta sa kanyang trust fund. Bibili ka noon, magbabayad ka ng P100, P5 lang mapupunta sa trust fund mo. 'Yung P95, mapupunta sa komisyon, sa kita, sa expenses atbo. P5 lang ang nagtratrabaho para sa iyo.

Ngayon, sabi ng SEC, gagawin nilang 70%. Bawat piso, 70 sentimo ang mapupunta sa trust fund. Sa wakas gagawin na ng SEC iyan. Sabi nila next week. Pero effective ito sa mga bagong policy. 'Yung mga luma, hindi retroactive. Pero at least dun sa mga bago, makakasiguro sila na mas malaking pera ang magtra-trabaho para sa kanila. Dahil ang pagkukunan mo lang ng pera mo ay iyong trust fund eh. Hindi ba, nangangako sila na iyong P100 mo magiging P200. pero P5 lang ang para sa iyo. Ang layo bago maging P200. Pero ngayon, dahil nga 70% na, mas madali nang maabot iyong P200.

On Lakas-Kampi merger

Q: Nag-merge na ang Lakas at Kampi at hindi pa rin united ang opposition. Hindi ba kayo threatened?

MAR: Partidong Lakas at Kampi ... PALAKA.

Q: Anong ibig sabihin nun?

MAR: Kokak ...

Q: Ang oposisyon ba mag-u-unite or what?

MAR: Bakit ma-te-threaten? Hindi ma-te-threaten ang opposition. Kasi sa pamamagitan nitong merger na ito, nagsama-sama ang mga trapo at mga supporters ni GMA, lahat ng nagnanais na magpatuloy ang patakaran ni GMA. Alam namin natin na itinatakwil ito ng ating mga kababayan. Para sa akin, hindi ito threaten.

Q: Sabi ni Erap, magkakaroon din ng merger ang mga opposition parties, kasama ang LP?

MAR: Wala pa naman. Kami parati kong sinasabi, bukas kaming makipag-alyado, makipag-coalesce sa lahat ng nagnanais ng tunay na pagbabago at tapat at tuwid na pamamahala ng ating bansa.

Q: Efforts to unify the opposition?

MAR: Wala pang formal, pero may mga pag-uusap na pero matagal pa iyon.

Q: Walang nakikitang made-dehado ang oposisyon at nag-merge itong Lakas at Kampi?

MAR: Ano bang experience natin noong 1992? Noong 1998? Ang karanasan naman dito sa atin ay itinatakwil ng taumbayan ang administrasyon na sa palagay nila ay nagsisilbing pabigat sa kanilang pamumuhay. Para sa akin hindi ito threat. In fact, nakakatulong ito sa oposisyon, nakakatulong ito sa lahat ng nakikita ng ating mga kababayan na tunay na reformists para sa tunay na pagbabago. Nagkakaroon ng kongkretong comparison 'yung para sa kasalukuyan at sa pagbabago.

Q: Cracks daw?

MAR: 'Yung 2 ibinabandera nila ay hindi naman nila ka-miyembro.

News Latest News Feed