Press Release
May 26, 2009

Interview with Sen. Chiz Escudero
DOS POR DOS with Anthony Taberna & Gerry Baja

FIRST PART: HALILI-KHO SEX SCANDAL

Taberna: Ang ating bisita ngayong umaga, Senator Francis "Chiz" Escudero. Sir, napanood niyo na po ba lahat?

Sen. Chiz: Ang alin? Hahaha!

Baja: Lahat ha? Hindi ang tanong eh kuna napanood mo na ba? Taberna: Kwarenta daw yun Tonying, paano mo naman mapapanood sa loob ng isang linggo?

Baja: Hahaha! Talagang may balak panoorin lahat ah. Taberna: Pero anong tingin niyo dun Senator, tutal napag-uusapan na at hindi pwedeng hidi mapag-usapan.

Sen. Chiz: Hindi talaga pwedeng hindi mapag-usapan, bagaman maraming dapat mas mahalagang dapat pinag-uusapan. Hindi maaaring hindi pag-usapan. Hmm. May mga ilang batas na nilabag para sa akin. Baka pumasok sya at saklaw pa ng anti-wiretapping. Dahil bagaman hindi lang boses yun., mas malala. Boses at aksyon at galaw. Nilabag yun, sigurado ako may civil liabilities si Dr. Kho. Pero yung anti-voyeurism bill na pending sa Senado, yun sana ang swak na swak na nilabag niya kung napasa lamang ng House at Senate bago ito.

Taberna: Pero, bakit ho ba hindi napasa ito? Kailangan ba may lumabas na Hayden Kho scandal para maipasa ito?

Sen. Chiz: Ayokong magsalita tungkol sa kung bakit, pero sa parte at panig ko, ako kasi ang Chairman ng Committee na nag-report out nun. Last year pa namin na-report out ang bill na yan. Last year pa pending sa plenary yan. Halimbawa, si Senator Villar pa ang Senate President nun bago na ang Senate President ngayon. Nandun pa rin yung bill, naghihintay lang kami kung kelan ito pwedeng ipagtanggol.

Baja: Ibig sabihin ba Senator, dahil bill pa din yan, itong mga naglabasang videos ay magagamit pa din ng marami tulad ng nagpapakalat sa internet na ang ibinebenta ay mga Filipina?

Sen. Chiz: Yung bill nay un ay anti-voyeurism ibig sabihin yung vinevideo tape ka ng hindi mo nalalaman, yung binobosohan ka, tinitignan ka ng hindi mo nalalaman, yun ang layuning ipagbawal ng bill. Pero yung pagpapalabas ng piniratang dvd, yung pagpapalabas ng mga secret video ng mga tao, dati ng may paglabag sa batas yun, kaugnay ng intellectual property laws natin.

Baja: Pero yung sa internet, may paraan po ba? Taberna: Sa mga youtube, porno sites, nalalagay yan.

Sen. Chiz: Mayroon din pong bill na cyber sex ika nga bill. Para ma-regulate itong mga kaganapang ito. Hindi ba yung mga sites mismo, minsan ito'y kwento lamang ng kaibigan, yung papasok ka sa website, pwede mong kausapin. Pwede kayong mag-ligawan dun ika nga at sa pamamagitan ng video ay parang nagtatalik na kayo bagaman hindi kayo nagkakahawakan. Pati yun saklaw ng batas, ng panukalang batas na pinag-uusapan.

Taberna: Pero pwede po bang magkaroon ng retroactive application yung batas? Halimbawa po ang paglabag sa batas ay pagpapakalat ng video, patuloy pa ring kumakalat yung video kahit na bukas o kamakalawa pa mapasa yung batas? Hindi po ba siya matatamaan nun?

Sen. Chiz: Patuloy niyang nilalabag yung batas, bagaman bagong pasa lamang yan, masasaklaw siya nun. Pero sa rule, hindi pwedeng magkaroon ng retroactive o aplikasyon yung batas kung saan yung mga nagawa na nun bago maipasa yung batas ay pwede mo pa ring saklawin o parusahan pa rin siya dun sa bagong Penal Law. Hindi pwede yun, dahil sang ayon sa batas, palaging favorable to the accuse ang anumang interpretasyon.

Taberna: Ito po may hearing ang Senado sa Huwebes, sa palagay niyo kailangan pa bang ipatawag. Narinig ko yung mga gusto nyong ipatawag, bukod sa mga lalaki, sina Bra. Vicky Belo, Katrina Halili, Maricar Reyes. Kailangan pa bang ipatawag ang mga taong ito para sa layuning bumuo ng mga bagong batas tungkol dyan?

Sen. Chiz: Hindi ko hahadlangan yung hearing sa Huwebes, iginagalang ko yung mga desisyon ng kasamahan ko para ipatawag yung hearing na yan. Pero, ako mismo hindi dadalo sa hearing at pagdinig sa paniniwalang mas marami sigurong dapat pagtuunan ng pansin kabilang na siguro ito, pero kung hinahawakan nila yan at ginagawa nila yan, sila na lamang, hindi na ako sasali pa.

Taberna: O kaya naman, kung magkakaroon man po ng hearing at hindi maiiwasang ipatawag sila, di ba may tinatawag tayong executive session?

Sen. Chiz: Mayroon po, at kung saka sakali, nakita ko sa isang restaurant ang isa sa mga character dito sa sagang ito, sa never ending saga na ito ika nga. Hindi tama na parang pinagpipiyestahan ba, hindi tamang ipaparada, tititigan ng lahat at alam mo naman ang nasa isip ng lahat, nakapanood man o hindi. Hindi kumportable at parang pinapalala mo lamang yung kanilang dinaranas ngayon. So, sang-ayon ako siguro dapat tignan at pag-aralan kung executive session na lamang. Para naman hindi parada at hindi parang nasa perya ang mga taong ito na pinaparada mo sa sinumang nais makakita sa kanila.

Taberna: Yan yung unang topic natin, sex scandal, may iba pa tayong scandal na pag-uusapan mamaya.

Baja: Yan po yung scandal ng mga bata yan, yung scandal ng mga bata mamaya maya. Taberna: Mamaya po pag-uusapan natin. Mag kape kape po muna kayo dyan, sarap ho ng kapeng yan.

SECOND PART: ENRILE, PIMENTEL AND ETHICS COMPLAINT

Mr. Senator, kayo po ay nasa gitna ng bangayan ng matatanda. Ano po ba ang pakiramdam ninyokapagka nandun kayo sa gitna ng away?

Sen. Chiz: Langgam habang nagbabanggaan ang mga elepante kung saan dapat huwag kang maglakad-lakad at baka maapakan ka.

Pero ano ho ba ang pakiramdam ninyo na yung mga dapat na huwaran, suguro dapat maging mahinahon na dahil nasa takip-silim na ika ng buhay e eto na parang mga guerrero na nagpipingkian ang kanilang mga espada.

Sen. Chiz: Alam nyo, bata man o matanda, tao pa rin naman na may karapatang magalit, at maglabas ng nasasaloob. Yun marahil ang nakita natin sa magkabilang panig. Ang mahalaga at importante parte doon, nilabas man nila ang kanilang hinaing, minsan may mataas ang boses, hindi pa rin, nag-espadahan ika nga o nagsakitan o nagsuntukan.

Yung nagging pisikal?

Sen. Chiz: Yun siguro ang pinakamahalagang ehemplo ng demokrasya.

Kahit na po senator umabot na doon sa mga salitang masmasakit pa sa suntok? Personalan?

Sen. Chiz: Malungkot yung mga salitang, ilang salitang binitiwan pero ganun pa man, yung pa rin ang pagpapatunay na buhay ang demokrasya sa loob ng Senado kung saan yung kasabihan sa Ingles ay tila nakita ko kahapon. "I may not agree with what you are saying but I will defend to the death your right to say it."

E yun po ay nangyari sa mga may edad na. Kung nangyari ho kaya yun sa medyo bata-bata?

Sen. Chiz: E nagsuntukan na siguro. (laugh)

Wala po sa kasaysayan ng Philippine legislature ang nagsuntukang nagpang-abot ano?

Sen. Chiz: Wala akong alam sa inabutan kong kasaysayan ng Kamara at sa inabutan kong kasaysayan ng Senado. Meroong nasampal, kung maaalala mo. Yung Sergeant at Arms dati.

Ah yung Congressman Gonzales ng Mandaluyong.

Sen. Chiz: Yun na yung pinakamalapit sa nagsakitan sa plenaryo.

Oo. Pero maliban po dun, wala na. 'di katulad nung sa Taiwan, may nagsusuntukan. Mukhang maganda din yun.

Puntahan natin kumbatsero itong pinagmumulan ng away, scandal ng dalawang matatanda sa Senado. At ito nga'y yung may kinalaman sa hearing sa kaso ni Senator Manny Villar. Senator Chiz Escudero, noon pong Huwebes, Mayo 21, nasaan po kayo?

Sen. Chiz: Nasa Clark.

Kaya ho naitanong po naming yun ay yun yung venue ng araw na nagbotohan ang mga senador.

Sen. Chiz: Kung maaalala nyo, Gerry, Tunying, nung Lunes na pagdinig ng Committee of the Whole, hiniling ko na i-postpone yung hearing sa Huwebes, gawing Lunes na lamang. Para masmahaba ang panahon ng mga senador na mag-isip, magbasa at mag-aral, at alamin yung kanilang pasya at para maka-attend din ako, sinabi ko sa kanila yun. Ayon sa ilang senador, maeroong absent din daw sa Monday kaya ituloy na lang daw yung Huwebes. Sabi ko, sige subalit hindi ako makakadalo. Pero kung nabigyan ako ng pagkakataong dumalo, malamang, hindi malamang, bumoto ako pabor dun sa finding ng mayorya, sa simpleng dahilan, gusto kong tumuloy yung kaso para mabigyan ng pagkakkataon si Senator Madrigal na maituloy yung kaso nya, at nang mapalawig pa rin yung pagkakataon, gamitin man nya o hindi, ni Senator Villar yung kanayng pagkakataong sumagot at ibigay yung kanyang panig din.

Yun po ay kahit na may ilang panawagan, kasama si dating Senate President Jovito Salongga.

Sen. Chiz: Buti na lang -tiable lang ako at hindi presidentiable. Maski naman na sa mga talumpati ni Senator Villar, o mga sinasabi ni Senator Cayetano, hindi ako binabanggit dahil hindi naman ako deklaradong kandidato at ang mga naging pasya at boto ko sa komite, sa pananaw ko'y naging parehas naman at patas para sa lahat ng apektado nito, panig man ni Senator Madrgial o panig man ni Senator Madrigal.

Nagreresign po si Senator Enrile bilang Chairman ng Committee of the Whole, ano po ang magiging boto po ninyo kapag pinagbotohan poi to?

Sen. Chiz: Sa palagay ko'y hindi naman po mali ang ginagawa ni Senator Enrile. Nasa kanya ang kompiyansa ko kaugnay sa pagiging chairman. Ang problema naman kasi minsan, nagche-chariman si Senator Lacson, ayaw. Nagche-chairman si Senator Enrile, ayaw. E baka maubusan na tayo. Tapos may mga presidentiables, hindi rin pwedeng sumali. Baka naman ang maiwang senador ay puro kakampi na lamang nila o kapratido nila. Hindi rin naman siguro tama yun. Sa pananaw ko, naging patas at parehas ang kamay ni Senator Enrile sa pag-preside. In fact. Makailang ulit na naging mapagbigay sya at naging pasensyoso. Talagang hindi lang magsang-ayon ang pananaw ng magkabilang panig. Kung kaya't marami tayong naririnig na reklamo siguro at hindi pag-sang-ayon.

May kanya-kanya po namang bias yung mga senador hindi po ba? Tanggapin po natina gn totoo. Meron pong pro-Villar, anti-Villar, kampi-kampihan nap o ang pangyayari. Kung sakali po at pagbigyan yung hiling po ng kampo ni Senator Villar, na mag-inhibit ang mga presidentiables, at hiling naman ng kampo ni Senator Lacson na mag-inhibit ang mga kakampi ni Villar, ano hong magiging hitsura ng Senado nun?

Sen. Chiz: Siguro tatlo na lang ang boboto.

Tatlo na lang ang matitira? I mean, nagbilangan na ho ba kayo? Ilan yung pro-Villar at ilan yung presidentiables na pinag-iinhibit?

Sen. Chiz: Anim yung nagsampa ng kaso sa Korte Suprema. Marahil na pumapabor sila sa panig, marahil hindi man kay Senator Villar, sa panig ni Senator Villar. Ang presidetiables, siguro mga isa, dalawa, tatlo, apat. Apat yata sila.

Sabi nung iba pero CHIZ-mis lang yun.

So bale onse ang mawawala, kung sakali ha, ito'y hypothetical lamang.

Tanggalin mo pa si Senator Madrigal, dahil complainant.

Yung nag-sponsor, si Senator Ping.

Kabilang yun sa presidetiables. So dose o parang onse yung matitira.

Sen. Chiz: Yung isa pang kasamahan naming nakakulong.

Oo nga pala.

Sen. Chiz: 23, 13, sampu ang maiiwan.

Pero teka ho muna, talaga ho bang ganun ang proseso? Na yung sponsor at yung complainant e kasama pa sa boboto?

Sen. Chiz: Pwede dahil wala naming hard and fast through doon. Dahil ang pag-inhibit, bolunteryong desisyon ng mga miyembro. Ang pananaw ko lang kasi, simple lang naman. May tanong, sana sagutin. May issue, sana ipaliwanag. Anuman ang mangyari, hayaan mong tao ang manghusga sa ginagawa naming sa Committee of the Whole. Pina-publish naman yan, kino-cover pa nga ng media, kino-cover sa ANC, pwede naming husgahan ng taong bayan. Masyado bang kumokontra to? Ito ba'y masyadong dumedepensa na? Ito ba'y masyadong nag-uusig at pumapabor sa isang panig? Hayaan mong husgahan kami ng mga tagapanood at tagapakinig dahil yun ang pinakamagandang pang-limita sa anumang bias maroon ang sinumang senador.

News Latest News Feed