Press Release
May 12, 2009

Transcript of Sen. Mar Roxas' post-hearing ambush interview

On Noodle Scam Hearing

Q: Are you satisfied?

MAR: Masaya naming tinatanggap ang desisyon ni Secretary Jing Lapus na suspindihin itong kontrata sa noodles na pinasukan ng DepEd. Sa dami ng mga tanong, natutuwa kami na ang DepEd mismo gagawa ng sarili nilang review at hindi nila itutuloy itong kontrata na ito.

Q: Which is under review, the contract or the project?

MAR: 'Yung review ay iyong School-Feeding Program, lalong-lalo na itong noodles project ng DepEd. Nakita natin na nung isang taon, halos P310 million ang pagbili nila, itong taon naman (2009), sa P400 million ang binid-out ng DepEd. Napakaraming tanong na hindi naman nasasagot ng maayos so natutuwa tayo na ang DepEd na mismo ang siyang gagawa ng pag-review at hindi pipirmahan itong kontrata ni Sec. Lapus.

Q: Does this mean that the liabilities are extinguished?

MAR: Hindi po. Ang sinasabi lang po, 'yun ang hakbang ng DepEd. At sa gayun ay malugod naming tinatanggap ito dahil hindi gagastos ang gobyerno natin dito sa kontratang ito, dito sa project na ito, ng sa palagay ng Senado ay napakaraming hindi pa nasasagot na mga katanungan.

Q: Those liable for this anomaly is not yet off the hook?

MAR: Hindi po. Ang lahat ng pananagutan ay nandiyan pa din, pero kung hindi na ito matutuloy ay sa palagay ko ay mababawasan o matatanggal itong mga pananagutan na ito.

Q: Was there any attempt to cover-up for this?

MAR: Well, kung hindi natigil ito, ako mismo magfa-file ng kaso laban dito dahil hindi naman talaga kapani-paniwala na ang pangkaraniwan na nabibili natin sa pamilihan na P6/55 grams or the equivalent of P12/100 grams ay binili ng DepEd sa P22.

Q: What case can be filed against officials?

MAR: That would be a speculation. Since natigil na nga ito, hindi na tayo gagastos ng pera.

Ilagay natin sa tama ito. 'Yung school-feeding program, magandang programa ito. Napakarami ng ating kabataan na hindi nagpapatuloy ng kanilang pag-aaral dahil gutom sila o di kaya walang insentiba na pumasok. Lalo na dito sa mga food-deprived provinces, 'yung mga pinakamahirap na lalawigan, ay hirap na hirap talaga ang ating mga kabataan na pumasok. Mabuting programa ito.

Ang ating inireklamo dito ay iyong sobrang mahal na kontrata, 'yung sobrang pagwagi dito sa bidding na isinagawa ng DepEd. Kaya maganda ito na ititigil ang proseso at ang DepEd mismo ang mag-re-review.

Q: Magkano ang overprice?

MAR: Dito sa pinakahuling kontrata ngayon, more or less 19 million packs. Kung isipin natin na anywhere from P5 to P8 ang agwat, palagay ko ay hindi katanggap-tanggap ang anumang dahilan kung bakit may agwat na ganun, so 20 x 5 is P100 million. Iyan ay kung matutuloy. Ang punto dito ay hindi na ito matutuloy.

Q: Hindi na matutuloy so absuwelto na ang Jeverps?

MAR: Hindi po. Katulad ng sinabi ko, walang pagtanggal sa pananagutan ng kahit na sino. Para sa amin dito sa Senado, sa ngayon sa committee on education na siyang pinamumunuan ko na natutuwa kami at ititigil ito ng DepEd at ire-review nila ito. Hihintayin ko kung ano ang magiging resulta ng kanilang review bago malaman kung ano ang susunod na hakbang.

Q: Timetable dun sa review kasi magpapasukan na?

MAR: Ang indikasyon ay in the next month or so.

Q: In the meantime, stop na muna 'yung investigation dito sa Senate habang nagre-review pa ang DepEd?

MAR: Tama po iyan.

Kanina nung buong umaga, tinanong natin ang buong industriya mismo, 'yung Payless, 'yung Nissin, dun sa Robina at 'yung Maggi sa Nestle. Nakita niyo na ang laki talaga ng agwat kung ano ang mededeliver ng industriya versus dito sa nagwagi dito sa DepEd bidding na ito. At nakapagtataka na itong mga malalaking lumalahok sa industriya dito sa ating bansa, ay hindi man lang nila nalaman na may ganito kalaking kontrata na isinasagawa ang DepEd o ang gobyerno. Posibleng magiging amyenda ito sa Procurement Law dahil kahit pa na nag-publish�palagay ko naman sa kusang-loob, kung talagang gusto ng ahensiya ang pinakamagandang presyo para sa gobyerno, kusang-loob dapat tatawagan nila ang lahat ng mga players. Hindi lamang na nagpaskil ng isang advertisement na magkakabidding ay okay na. Isang amyenda ito sa procurement law na magiging tungkulin ng bawat ahensiya na alamin ang mga kumpanya, lalo na ang mga Pilipinong kumpanya, na nagtratrabaho dito, na nagbebenta dito, na lumalahok dito sa mga bagay na ito at pormal na ipaalam sa kanila na meron nga ganito kalaking proyekto na ito.

Q: 'Yung sa malunggay?

MAR: Maganda nga na may malunggay itong noodles na ito. Ang tanong lamang, idinadahilan ng DepEd na mahal ang ibinayad nila dahil may malunggay content nga. Hindi naman maipaliwanag san galing ang malunggay na ito, sino nag-supply nito, kung anong farm, kung anong kumpanya, paano na-deliver itong malunggay na ito, or paano made-deliver. Kasi hindi pa natuloy, ngayon pa lang tanong na ito.

'Yung nakita natin dun sa kalkulasyon ng industriya mismo, dun sa noodle pa lang mismo, wala pa yung flavoring, wala pa itong enhancement na itlog at malunggay, wala pa 'yung packaging at wala pang freight, P3.50. Pero diyan pa lang makikita na natin na iyong P3.50 na iyan, I-doble mo, P7. Dagdagan mo ng isa pa, P10.50. Hindi naman siguro hihigit siguro ng P10 'yung cost nitong noodle na ito na may flavoring, may enhancement, na may packaging at may freight. Kasi P3.50 iyon eh, times 2 is 7, dagdagan mo pa ng isa, P10.50. Dagdagan mo pa ng isa, P14. Eh P22 ang bayad ng DepEd eh. Kaya maganda ito na rerebyuhin nila, na itinigil nila, nakakasiguro tayo na hindi malalagay sa aksaya o sa kurakot ang pera natin.

Q: May liability ba si Sec. Lapus kung ituloy niya ito?

MAR: Magiging pananagutan niya ito. Kung pipirmahan niya iyon ay pinapanindigan na niya ngayon 'yung presyo na iyon.

On the investigation of the Committee of the Whole

Q: Sabi ni Sen. Villar tailor-fit daw iyong pagbalangkas nung ibang rules ng committee of the whole kahapon?

MAR: Well, ito ang husga ng kanyang mga colleagues sa Senado. Hindi masasabi na walang tinaggap na amenda sa rules. In fact, in one instance, na out-vote ang ruling ng chair. So palagay ko ang pinaka-importante dito ay sagutin na lang ang charge ni Sen. Madrigal. 'Yan naman talaga ang puno't-dulo nito eh, nagsampa ng kaso ang isang senador laban sa kapwa senador, sagutin na lang.

On the ANC Leadership Forum

Q: Sino ang nakapuntos dun sa leadership forum?

MAR: Maganda naman, maayos, na-miss namin ang ilan na hindi nakasipot. Pero maganda ito na maaga pa ay nagkakaroon na ng pagkakataon ang mga kababayan natin na kilatisin, timbangin ang mga lumalahok nang sa ganun ay makapili tayo ng tama. Ang pinakamasama na mangyari sa bansa natin ay ang maling pagpili. Dahil kung nakapili na tayo, mali man 'yan, anim na taon nating dadaanan 'yung paghihirap, tuloy na gutom, tuloy na kawalan ng pag-asa na sa kasalukuyan ay nandito sa atin.

On Oil Price Hike

Q: Nagtaas na naman ng presyo ang mga oil companies?

MAR: Halimbawa na naman ito ng bantay-salakay na sistema dito sa bansa natin na kung saan na iyong mga dapat na nagbabantay ng mga interest natin ay hindi natin maaasahan, hindi natin nadidinig o nararamdaman ang kanilang trabaho. Ang hinihingi lang naman natin, ng lahat ng Filipino, ay magsabi categorically, declarative sentence, nasa tama ba o nasa mali ang presyo nitong mga oil companies na ito. Nung kasagsagan ng pagtaas ng presyo ng krudo, pumatak sa $147/barrel, ngayon nasa $50/barrel, bumaba ng 1/3. Nung kasagsagan naman ng gasoline dito sa atin, nasa P60 per liter, pero ngayon malayo pa sa P20 na 1/3. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi inuupuan ito, hindi ini-isa-isa. Magkano ba ang per litro, magkano ba ang bili dun sa MOPS, sa Singapore, magkano ang freight papunta dito, magkano ang buwis. Pwede kasing isa-isahin iyan, kung talagang ginugusto lamang. Eh ang trabaho na iyan ay nasa DOE. Halimbawa ito ng kapabayaan ng ating gobyerno. Katulad nung sa pre-need, tulad nung iba pang anomalya, 'yung dapat na nagbabantay sa interest natin, absent, AWOL.

Q: Dapat mag-resign na si Angelo Reyes?

MAR: Dapat gawin niya 'yung trabaho, gamitin niya 'yung kapangyarihan na nakapaloob sa batas, halungkatin niya ang mga libro ng mga kumpanyang ito, tanungin niya sila, huwag niyang pabayaan na magtago sa company secrecy ang mga kumpanyang ito. Maari niyang gawin ito, may kapangyarihan siya sa ilalim batas. Puwede niyang pilitin ito.

Q: Hindi ginagawa ni Reyes ang trabaho niya?

MAR: Ito ay nagpapakita ng kapabayaan ni GMA. Kung ginugusto talaga ni Gloria Macapagal Arroyo na tulungan ang kanyang mga kababayan, pwede naman niyang iutos ito eh. Pwede naman niyang piliting gawin ito ng lahat ng departamento ng gobyerno.

On Manny Pacquio's appointment as Ambassador of Peace

MAR: Maraming matutulong si Manny Pacquiao sa ating gobyerno, sa ating bansa, lalong-lalo na bilang envoy or representative sa paghahanap ng kapayapaan sa Mindanao dahil marami ang makikinig sa kanya. Titingnan natin, babantayan natin, kung ano talaga ang kanyang mako-contribute dito sa kanyang pagiging intelligence officer ng DOJ.

Q: Ano sa tingin niyo ang dahilan at binigyan siya ng puwesto?

MAR: Panahon na ng politika ngayon. So lahat ng politico o nagnanais tumakbo ay naghahanap na ng paraan para mapalapit kay Manny bilang endorser nila.

Q: Palagay niyo dapat bang mag-ingat si Manny sa mga politikong nasa paligid niya?

MAR: Si Manny Pacquiao dapat na mag-ingat dahil napakalinis, napakaganda ng kanyang pangalan. Kung magpapagamit lamang siya, siya mismo mababahiran ng tiwali ng lumalapit sa kanya at ginagamit siya.

Q: Qualified ba siya? Pwede ba siya sa LP?

MAR: Magkakilala kami ni Manny Pacquiao. Matagal na kaming magkakilala. Of course, sino ba naming hinding gugustuhin na ma-endorso ni Manny. Pero ang pinakamahalaga dito ay kung may itatayo man siyang lapian, ano ba ang plataporma nito. Base laman sa plataporma ng kanyang partido at ng Liberal Party kami magkakaroon ng koalisyon.

News Latest News Feed