Press Release
May 11, 2009

Transcript of Senator Mar Roxas' Open Forum answers during the ANC Leadership Forum in ADMU.

Q; Will you form a coalition with Manny Pacquiao's political party?

MAR: Idol ko si Manny. Taglay niya ang katangiang taglay ng ating lahi: masipag siya, at mapagmahal sa kanyang pamilya, at maka-Diyos. Pero para sa akin, ang malaking serbisyo na magagawa ni Manny para sa ating bansa ay pagpatuloy sa pagiging idol ng ating mga kabataan, ng ating buong bansa. Sa kanya nakikita nila na kung magsakrepisyo at kung tama at wasto ang ginagawa, kung may disiplina, nagwawagi rin at nagtatagumpay.

Hindi ko alam kung anong nilalaman ng plataporma ng partido ni Manny. Hindi ko alam kung sino ang mga kasama niya doon. Kami sa Partido Liberal meron kaming malinaw at matagal nang isinusulong na plataporma at programa de gobyerno. Kelangang sumang-ayon sa aming plataporma ang plataporma ng partido ni Manny o nang kahit ano pang partido na papayagan naming sumama sa amin.

Q: What was the last book that you have read or the movie that you have last seen?

MAR: The last book I read was '1776', not in 1776, but the title is '1776'. Mahilig akong magbasa lalong lalo na sa history at biography at last week ko lang natapos ito. At tungkol ito sa American Revolution written by [David] McCullough, a Pulitzer Prize winner, na kinukwento niya yung kagandahan at yung katibayan nung American Revolution. Itong mga malalaking pangalan--itong Washington, mga Jefferson, at iba pa--hindi naman mga siga dati yan e. Pangkaraniwan na mga mamamayan yan--mga karpintero, mga magsasaka, mga mason--na nagsama-sama dahil may pangarap sila tungo sa kasarinlan, tungo sa kalayaan mula sa Great Britain.

Kaya inspiradong-inspirado ako nung nabasa ko yung kanilang karanasan na kung saan meron silang hinabol na pangarap. At ginawa nila ang lahat para maitatag nila yung kanilang demokrasya, yung kanilang kasarinlan at kalayaan.

Q: Will you support an investigation of the Arroyo family for corruption allegations?

MAR: Yes. Dapat magkaroon ng kaalaman, buong kaalaman tungkol sa mga anomalya na nangyari nitong nakaraang administrasyon na ito: itong sa NBN-ZTE, itong sa fertilizer scam, at napakarami pang iba. Para sa akin, mahirap na umunlad ang isang bansa, mahirap na umusad ang isang lipunan kung hindi tayo natututo sa mga karanasan natin noong nakaraan. Para sa akin, dapat magkaroon ng imbestigasyon para malaman natin ang buong katotohanan dito.

Tama. Ang hustisya at katarungan ay dapat na bulag. Walang pinapanigan at walang kinakampihan. Ang punto po rito para sa atin ay dapat malaman natin ito para matuto tayo at hindi na nga muli maulit ito sa atin.

Q: What is President Arroyo's positive contribution to the Philippines?

MAR: Isang mabuting nagawa ni Pangulong Arroyo sa kanyang pagiging Presidente ay inappoint niya ako bilang DTI Secretary. At sa totoo lang, to her credit, sinuportahan niya at hindi niya hinadlangan yung mga magagandang programa na sinimulan ko roon. Nilabanan ko yung pharmaceutical cartel na hanggang sa ngayon hindi pa rin pinabababa ang presyo ng gamot dito sa atin. Sinimulan ko, noong 2000, yung IT-BPO-Call Center space na noong panahong iyon limang-libo lamang ang nagtratrabaho, at gumawa kami ng strategic plan, at sinuportahan niya ito, at hindi niya hinadlangan. Hanggang sa ngayon, 400,000 na ang nagtratrabaho dito sa sektor na ito. Tinulungan niya ako. Sa totoo lang, pumunta ako sa kanya, humingi ng tulong pulitikal dahil nung nilabanan ko yung cement cartel, gusto nila na patanggalin ako sa DTI. Pero hindi siya bumigay doon.

So masasabi ko, sa aking personal na karanasan na kung meron naman na maganda na nagawa siya sa ating bansa, alam ko itong personal sa aking trabaho sa pagka-DTI.

Q: What historical person--living or dead--do you most admire? Why?

MAR: Yung sa buhay, hinahangaan ko si Cory Aquino. Isa siyang tao na sinikap niya na makatulong sa ating bansa. Dinaanan niya, sa pamamagitan ng kanyang asawa at personal, ang kahirapan, yung pang-aabuso, yung pang-aapi na ginawa sa kanila. Pero hindi siya sumuko. Noong nabigyan siya ng pagkakataon, noong tinawag siya ng kanyang bansa ay lakas-loob siyang tumayo at ginawa ang lahat: lumaban sa rehimeng Marcos, at pinakita at binigyan tayo ng pagkakataon�lahat tayong mga Pilipino�na ipakita ang pagmamahal sa ating bansa. Through her, we were able to display, and to show, and to live out our own patriotism.

Yung sa patay naman, hindi ko maiiwasan na idol ko rin talaga ang aking ama [Senator Gerardo "Gerry" Roxas]. Nakita ko siya na nagtratrabaho. Nakita ko siya noong kasagsagan ng kanyang poder, ng kanyang kapangyarihan. Pangulo siya ng Partido Liberal na siyang oposisyon noon kay Marcos. At halos araw-araw hindi ka makauwi na walang tao. Madaming tao parati sa bahay na gusto lamang na makausap siya kahit ilang minuto. Senador siya noon. At marami ang nagsabi noon na magiging mabuting pangulo siya noong kapanahunang iyon. Pero noong dumating na yung Martial Law, nakita ko na inabandona siya ng lahat. Pero hindi siya sumuko. Hindi siya natinag. Pinanghawakan niya yung kanyang prinsipyo at kahit pa na paulit-ulit na inimbita siya ng Malacañang noon, siya'y nanatili na totoo sa kanyang mga prinsipyo. Doon ako humanga talaga sa kanya, hindi doon sa kasagsagan ng kanyang poder pero noong nawala na talaga siya at ang hawak na lang niya yung prinsipyo niya.

Q: What are your final words?

MAR: Tulad ninyo inis din ako, galit din ako sa nangyayari sa ating bansa. Gutom tayo. Wala tayong pag-asa. Kinakailangang pumunta pa sa ibang bansa para lamang maghanap-buhay. At tulad din ninyo, nangangarap ako ng isang bansa na magbibigay sa atin ng pagkakataon na pantay-pantay na laban dito sa atin. Sama-sama po tayo. Hindi ko po kayo pababayaan. Lalaban po tayo.

News Latest News Feed