Press Release
April 21, 2009

Transcript of ambush interview with Sen. Juan Miguel Zubiri

On ethics probe

SJMZ: How do you say banggaan ng ulo na araw-araw magpapakita sila ng gilas, ng galing ang mirnority in terms of questioning the quorum, in terms of stopping the legislative agenda na sa tingin ko ay will be counterproductive for the country. So, sana ay maayos po natin ngayong hapon. We are a body of distinguished gentlemen and ladies. Iyong grupong ito ay supposed to be over and above petty politics. So, sana maayos po natin mamayang hapon.

Q: Iyong bang superiority ng numbers will be enough to ...

SJMZ: No I'd rather not kasi ako ayoko kasing gumamit ng superiority of numbers. Kasi gawain po namin iyan noon sa House of Representatives. Gawain po namin noon sa majority na dikdikin ang minority noong nasa majority ako. At noong nasa minority naman ako napahiya din ako ng ilang beses at na-out order na nga ako ng ilang beses at hindi maganda tignan dahil ang maganda sana meron sana tayong consensus amongst ourselves anyway 23 members lang naman tayo hindi naman kami 200 members, 23 members and amongst that we can be gentlemen and women. Hindi na po kailangan mag-insultuhan pa, magkaroon ng unparliamentary action, unparliamentary language. Kayang-kaya po natin ayusin ito through a proper forum such as the caucus that will be called this afternoon. Ang gusto ko lang sana cooler heads will prevail at sana po pagisipan natin ang legislative agenda na sa darating na mga linggo ay kailangan po natin ng full attention of the minority and the majority and full assistance of the minority and the majority na sana ay tigil na ang mga away na ito.

Q: Parang hindi matitigil kasi 2010 is near?

SJMZ: I was hoping na iyong bangayan ng presidentiables ay maguupisa pa after sine die, which is July, August, September, October sana hindi mapaaga dahil kung mapaaga maraming maapektuhan na bills na pending.

Q: Hindi ba nag-ruling si Sen. Enrile na ... bakit hindi nasunod iyon?

SJMZ: Actually natawagan ako ni Sen. Enrile nung Sabado na nag-request daw po si Sen. Lacson na tumayo on a personal and collective privilege. We cannot any member from standing up on personal and collective privileges, karapatan po nila iyon. And in fairness to Sen. Ping Lacson kasi nabanatan din siya sa plenary noong Wednesday so kailangan masagot niya iyan on plenary as well on record. So, iyon po ang request niya. Pero alam ko ng magkakagulo ito kaya sabi ko itong Monday would be a bloody Monday. So, I'm hoping sila po ni ... ako po ay nalulungkot sa ... kasi sila po ang humingi nito, sila po ang humingi ng caucus through minority floor leader Sen. Pimentel.

Q: What time?

SJMZ: 3:30, right after, we'll ratify lang one bill, ratify into the third reading itong the Legitimation of Children with parents below marrying age. Kung meron pong kayong anak galing sa 17 years old.

On Cha-cha?

SJMZ: Huwag na muna tayong mag-Chacha mag-boogey na muna tayo, i-boogey muna natin itong mga bills na ito.

Q: Fast-track legislation ng Cha-cha?

SJMZ: I'm not familiar, alam mo 11-years na po akong legislator, three times na po akong nagging House of representatives member ngayong ko lang po nakikita itong Chacha through legislation. Sa akin ... tama na siguro itong mga controversy na ito let's buckle down to work, one year to go bago magka-eleksyon. Ilabas muna natin ang socio-economic bills na kailangan ng ating mga kababayan. Itigil na muna ang pamomolitika at magtrabaho muna for me that's the best suggestion to the House of Representatives.

News Latest News Feed