Press Release
April 20, 2009

Transcript of interview of Sen. Manny Villar with Neil Ocampo of DZMM

Q: Meron po ba kayong hinanakit o pagkakamali na rin ng inyong kasamahang senador na sa palagay ninyo ay tumutupad lamang sa kanilang trabaho o sa palagay ninyo ito ay talagang personalan na?

Villar: Alam mo medyo personalan na ito at medyo masama na rin ang loob natin sa kasamahan natin dahilan sa dito sa ethics ay para namang nasi-single out ako dito. Unang-una, ako naman ay very proud sa C5. Alam mo kanina nabanggit mo na kalahating milyon ang magbe-benefit dito, limang milyon dahil sa taga-Cavite, Las Pinas, Paranaque ay makikinabang diyan dahil kami ay magkakaroon na ng access sa C5 kapag nagawa iyan. Iyan ay 13 kilometrong kalye na kapag nagawa na ay makakabit na kami sa C5 at kami ay makakarating na sa Quezon City nang hindi dadaan sa Edsa.

Q: Iyong malisya na kanilang ipinupunla sa isipan ng masa...

Villar: Iyon nga, nagkaroon ng double entry. Inimbestigahan na iyan ng Committee on Finance at wala namang nakita. Ngayon nga maliwanag na walang double entry lumalabas dahil dalawang proyekto talaga iyan at pareho nang sinisimulan. Kaya maliwanag ngayon na mali ang akusasyon. Dalawang fly-over iyon kasi, isa sa Sucat, isa sa Coastal Road. Iyon namang sinasabi na dinaanan, 13 kilometro naman iyan. Iyong realignment naman, sinasabi ko nga 1946 pa ginawa ang plano ng C5. Hindi pa ako pinapanganak, paano ko naman magagawa ang realignment doon? Ang problema ko diyan sa ethics committee, hindi naman tama na ang naga-accuse sa akin ay ang chairman ng Ethics Committee at ang mga miyembro ay puro mga presidentiables. Kamukha nga noong unang hearing, ang tatlong nandoon si Loren Legarda, Mar Roxas at Ping Lacson. Paano naman tayo magkakaroon ng fair na hearing doon? Tapos nadiskubre namin na meron na palang desisyon bago pa mag-hearing. Umiikot na pala ang post-dated na desisyon noong araw bago mag-hearing. Mabuti na lamang at nalaman namin at nagprotesta si Sen. Pimentel. Ang buong oposisyon ay umaangal diyan. Parang eleksyon iyan, meron nang resulta nang hindi pa nage-eleksyon. Hindi naman tama iyan at masyado namang ginagamit ang ethics committee o ang Senado para sa 2010 elections.

Q: Paano mangyayari diyan, meron na palang desisyon ano pa ang saysay ng hearing? Iyan ba ay gagawin pa?

Villar: Iyon nga. Alam mo naman para lang ito manira. Ang totoo naman diyan, wala naman akong itinatago. Alam mo hindi lamang iyan ang una. Ang totoo niyan may mga naka-file pang kaso sa ethics committee, bakit nag-decide sila na ito ang unahin? Dapat sana ang unang rules noong araw, may sequence pa iyan, first come-first serve. Panghuli, tanong ko lamang, ano bang mga kaso ang dapat imbestigahan sa ethics committee? Iyon bang mga kaso halimbawa cheating sa election, iyong mga murder cases? Iyang mga iyan ba ay hindi pwedeng imbestigahan doon sa ethics dahil sa palagay ko kung iyan ay titingin sa mga conduct ng ating mga senador, dapat lahat ng mga kasong ganyan ay dapat tingnan din mula pa noong unang araw

Q: Ang bottom line ba dito, ang kine-question ba nila ay meron bang anomalya? Nakinabang ba kayo diyan?

Villar: Alam mo masasabi ko sa iyo, maski piso wala akong kinita diyan. Wala akong balak at wala akong kinukuhang pera diyan. Ang totoo niyan gustong-gusto ko lamang matapos iyan. Meron ngang nadaanan na amin iyan, hindi ko na siningil para makadaan na lamang dahilan sa wala namang ibang dadaanan. Napakaraming property doon na nadaanan na pinakiusapan pa ng lahat. Tulong-tulong kaming lahat dito. Hanggang ngayon nga ang tanong sa akin ng mga kababayan ko, kailan daw matatapos ang C5 at inip na inip na sila. Grabe ang traffic sa Cavite, grabe ang traffic sa Las Pinas, grabe ang traffic sa Paranaque. Ako ay humihingi lang ng paumanhin sa kanila dahilan sa nagkakaroon pa ng konting problema.

Q: Sen. Manny Villar, maraming salamat po. Hangad namin na ito ay haharapin ninyo sa kahit anong porma ng imbestigasyon.

Villar: Oo. Maraming salamat. Nais kong ulitin na ito po ay isang proyekto na napakaganda. Ipinagmamalaki po natin iyan.

News Latest News Feed