Press Release
April 14, 2009

Transcript of ambush interview with Senator Zubiri

Q: Reaction sa pagre-resign ni Nograles sa Lakas at Villafuerte sa Kampi kahapon ?

SJMZ: Well magandang senyales iyong pag-resign nila kahapon ibig sabihin seryoso na itong pag-merge nitong dalawang malaking partido. Baka iyong presidency na inuupan nitong dalawa nating mga kasamahan ay sa tingin nila ay baka hadlang sa pag-merge ng ating new party. So, of they voluntarily offered to resign hindi ko po alam kung in-accept po ni Pangulong Arroyo ang kanilang resignation pero magandang senyales ito. At least tuloy-tuloy na po ang merge nitong dalawang partido except on the local level. Kailangan ayusin natin ang gusot sa local level dahil marami pang problema on the provincial and regional levels.

Q: Can you name some really problematic areas?

SJMZ: For example Surigao del Norte, Ace Barbers is Lakas and Cong. Magtugas is Kampi talagang magkaaway iyon parang aso't pusa iyon. And many others even Camarines Sur of Cong. Villafuerte magkaaway pa sila ng kanyang anak na ang governor ay Lakas, spokesman pa ng Lakas. Kaya ito'y mga test cases na dapat natin ayusin para tuloy-tuloy na po ang merger but at least in the national level naumpisahan na.

Q: Kasi yesterday iba iyong tone mo, bakit parang makikipag-merge ayaw naman nila?

SJMZ: Malaking bagay po iyong pag-resign ni Cong. Louie Villafuerte, ibig po sabihin na pumapayag na po siya sa merger. The initial state kasi of the status of the merger parang very apprehensive but with this move I think sincere na po siya at iyong mga members ng Kampi na mag-merge sa amin.

Q: Sec. Claudio said na 45 days daw parang they're expecting a really big unified solid party ...

SJMZ: Well we're expecting that kasi ang gusto po natin as I mentioned yesterday by June or July magkakaroon na po tayo ng national party convention hopefully with the merged party by July. And that way we can also come out already with our presidential candidate.

Q: So, do you think this will be a strong presidentiable for 2010 na?

SJMZ: Malakas, malakas din ito. Alam mo kapag ang oposisyon ay hindi nag-unite for 2010 at marami pong tatakbo advantage po iyan sa administration candidates at least on the national level. So, malaking bagay po iyan. Kaya malaking bagay din na nagsama-sama na po iyong Lakas at Kampi. Let's hope we make it a marriage of love, respect and understanding rather than a marriage of convenience. Kaya sana po ay sincere na po ang dalawang sides, ang dalawang panig sa ating merger sa Lakas at Kampi.

Q: Lalo bang na-strengthen iyong winnability ng ating ... with this?

SJMZ: Lalakas ang chances ng ating mga candidates dun sa national level with the merged party malaking bagay din kasi iyong machinery, iyong makinarya sa lower level.

News Latest News Feed