Press Release
February 24, 2009

Transcript of Sen. Mar Roxas' press briefing after WB Technical Briefing

MAR: Pagkatapos ng halos 3 oras na briefing na ibinigay sa amin ng World Bank, at pinanindigan ng World Bank ang kanilang findings. Pinaliwanag nila ang kanilang maselang proseso, ang step by step, maingat at detalyadong proseso para marating nila ang kanilang desisyon dito sa debarment process na ito. At ang investigative process ng World Bank ay hindi sa kanila lamang, Ito ay ginagamit din ng iba pang multi-lateral development or lending agencies katulad ng ADB, European Bank, European Investment Bank, ng International Monetary Fund, at iba pang lending agencies hindi ito kanila lamang at ito ang kanilang sinunod na proseso.

Bukod dun, ipinakita din nila na ang kanilang burden of proof, ang treshold para makapag-desisyon sila ay ang tinatawag na "preponderence of evidence" ibig sabihin para sa isang resonableng tao na makita itong mga ebidensiya na ito mararating na niya ang isang konklusyon, more likely than not, maiisip ba niya na posible bang mangyari ang batayan para sa ebidensiyang ito. Batay dito, inimbestigahan nila ang 7 kumpanya - 3 Filipino at 4 na iba pang dayuhan na kumpanya - nakita nila sa ebidensiya, both documentary and testimony, na para sa kanila ay ayaw na nilang makipagnegosyo kung itong mga kumpanyang ito ay kasama.

Ang isyu na inimbestigahan nila dito ay ang "collusion" o ang pagkukuntsaba. Sa collusion na ito, ang ginamit nila ay documentary evidence. At batay sa kanilang pag-aaral ng bidding documents, ng mga teske na ginamit para mag-secure ng bid bond, at iba pang mga dokumentasyon, mga address, ang mga SEC filings nitong mga kumpanyam, batay dito sa mga dokumentong ito ay na-secure nila, nakita nila na may pagkukutsaba nga sa project na ito.

Malinaw na walang pera ang na-release, hindi tayo nagbabayad ng interest, hindi tayo nagbabayad ng amortization dito sa utang na ito. Pero mabuti na din na natigil itong project na ito para masiguro natin an hindi tayo umutang, hindi tayo gumastos para sa isang proyekto na ma-anomalya. Ang World Bank ay paulit-ulit na inabisuhan ang ating gobyerno. Mula 'nung 2006 pa lang ay nagkaroon na ng oral report dun pa sa Washington D.C. at pin-resinta nila sa ating Ombudsman ang proseso na isinasagawa nila, iyong specifics ng proseso para ipakita kung gaano kadetalyado at kung gaano kaingat ang ginagawa nila nitong proseso. Noong November 16, 2007 ay binigyan nila ng report, 'yung Referral Report, ang Department of Finance at noong November 19 ay ipinasa na ito ng DOF sa Ombudsman, kinumpirma nila itong Referral Report na ito.

Ayon sa World Bank, itong Referral Report na ito sa ibang bansa ay sapat na para pagsimulan ng isang malawak na imbestigasyon sa kanilang mga procurement process. Nabanggit nila na isang American company, isang Swedish company, ang nagsagawa ng malawak na imbestigasyon batay lamang dito sa Referral Report na ito. Ang ginamit nilang salita ay "We all start from the same base." Ibig sabihin, itong impormasyon na nakita namin at batay dito nagsagawa kami ng isang detalyadong imbestigasyon at hanggang narating na nga namin iyong Sanctions process.

Kaya para sa aming mga senador, ito ang pagkukulang na nakita natin sa ating Ombudsman. Na bagamat nakatanggap siya ng report na ito, ay naging passive, naghintay, bigyan niyo pa ako ng dokumento, bigyan niyo pa ako ng pangalan, at sinabi na confidential ito, paano ko magagamit ito? Ang sagot naman po dun ay "We all start from the same base." Ibig sabihin pare-pareho po tayo ng pagsisimula, kaya nasa sa inyo kung anong gagawin ninyo rito basta kami may nakita kami at naamoy na usok dito at sa aming pag-iimbestiga ay may nakita kaming burden, preponderence of evidence na may pagkukuntsaba dito sa project na ito.

Malinaw na sinabi ng World Bank na hindi sila ang pulis ng Pilipinas, hindi sila ang law enforcement arm ng Pilipinas. Ginagawa lamang nila ito dahil gusto nilang pangalagaan ang kanilang pera at pangalawa, dahil may interes sila na ang mga projects na pinopondohan nila ay hindi ma-anomalya, Yan ang dahilan kung bakit ibinigay nila ito sa ating gobyerno.

At nag-commit din sila na kung sakaling hingin ng pormal ng ating gobyerno ang kanilang tulong, 'yung INT process, 'yung World Bank main group at iba pang departamento sa loob ng World Bank ay handang tumulong para marating ng ating gobyerno ang kaniyang sariling konklusyon tungkol dito sa isyu na ito.

Para sa akin matapos itong briefing ng World Bank na ito, masasabi ko na talagang napakabigat ng obligasyon ng ating gobyerno na panatilihing malinis ang procurement process, ang kanilang pagbili at pag-bidding ng ating mga project. Tinitingnan po ito ng buong mundo dahil World Bank po ito. At para linisin ang ating pangalan, mahalaga na magsagawa ng isang malawak at independiyenteng imbestigasyon ang ating gobyerno na pursigido at agresibong aalamin ang buong katotohanan dito. Ito ang pasanin ng mga nakaupo at matataas na opisyal. The burden of showing na malinis, hindi lamang innocent until proven guilty pero kung mataas ang panunungkulan, kung mataas ang posisyon ng kahit sino, iyong burden, iyong pasanin ay para ipakita na malinis ang pamamalakad ng mga tanggapang ito.

Q: May nakuha na ba kayong smoking gun evidence needed to prosecute local officials?

MAR: Hindi sila otorisado na pag-usapan 'yung NRIMP1 issue mismo, ni isa sa kanila hindi kasama, hindi sila imbestigador nitong sanction na ito. Ang pinaliwanag nila ang proseso ng kanilang pag-iimbestiga, pinakita nila halimbawa ang timeline kung sino-sino ang mga natanong nila, ano ang pagkakataon na ibinigay nila para dun sa mga na-sanction para i-deny i-refute ang mga ebidensiya na ito. 'Yun ang pinag-usapan nila.

Para sa akin, sa aking pagkaunawa ng maselan na proseso na isinagaw nila mas naniniwala ako na meron ngang laman ang finding na ito. At dapat lamang na halungkatin ito ng gobyerno natin at kini-criticize ko ang Ombudsman na napakabagal, na hindi niya ginawa ng pursigido at agresibo ang kanyang trabaho para sa pagbungkal at pag-aalam kung ano ba talaga ang katotohanan dito.

Q: Can you say that they gave you sufficient leads?

MAR: Sufficient leads...hindi nila sinabi na andiyan na, eto ang mga lead, pero sa statement na "We all start with the same base" at nag-Referral Report na kami sa inyo, na ito ang sitwasyon, kung alam ninyo kung ano ang ginagawa niyo, siguro ay matutularan ninyo kung ano ang ginawa namin. Ginawa namin ang aming imbestigasyon ito ang natuklasan namin.

Q: Following your investigation that you made, were you expecting Philippine authorities to come up with charges against certain officials here?

HOFFMAN: It's the discretion of Philippine authorities to pursue or not pursue anything that we refer to them.

MAR: Just read between the lines. That's the whole point. Kung ako ang tatanungin kung ano ang take-away ko, basically 'yun ang sinasabi ng World Bank. Nagawa namin ang aming trabaho, natawid namin ang Referral Report, nakita namin ang threshold na merong anomalya dito kaya para sa amin, sa World Bank, ay dinebar na namin itong mga kumpanyang ito. Pinaalam namin ito sa gobyerno ninyo, gobyerno na ninyo ang makapagsasabi kung ano ang gagawin nila dito. Hindi naman sila taxpayer ng Pilipinas, hindi empleyado, hindi sila ang law enforcement arm ng Pilipinas.

Q: Do your Rules allow you to submit these confidential documents to the Senate?

MAR: It has been, it was submitted by the Ombudsman. The official transmittal route is the World Bank transmits to the Department of Finance, then the DoF refers to the Ombudsman and in the last hearing, the Ombudsman submitted it to the Senate. And this morning frankly, to remove any possibility that by agreement or by discussion these documents would be kept in secrecy, I release it already to the general public even prior to the World Bank briefing. This was the 9-page report plus the multiple-paged, several hundred pages referred to as the "Additional packet of documentary evidence" which was given February 10, 2009 directly to the Ombudsman.

Q: What do you mean when you said information shared by the DoF with the Ombudsman is still confidential? Can it be used by fact-finding subject to validation? What do you mean by confidentiality to agencies it will share with?

HOFFMAN: ... it does not mean that since confidential, it cannot be used, that's a different thing...

Q: Did you also validate the Notice of Sanctions Proceedings?

MAR: The Notice of Sanctions Proceeding document pursuant to the World Bank procedure is only given to the subject of the sanctions precisely to give them an opportunity to answer the charges or the allegations. Even the Notice of Sanctions Proceeding was not given to the Philippine government. It is the World Bank's effort, therefore, to give Right of Reply to those subjects of the sanctions process.

Q: Ombudsman Gutierrez says she assigned Assistant Ombudsman Jalandoni to look into the report after she got the Referral Report in November 2007?

MAR: It's difficult for me to answer for the Ombudsman because personally I feel she did not do her job. She was asked about it, her response was, it was an oral briefing, it was a briefing on the processes and the procedure, that this happened in Washington. This is the May 2006 briefing, this was according to her, it was oral, and therefore reading between the lines I think she assumed it was informal, that it was more on the process rather than on the leads, the findings, or the leads of the investigation. She implied that she was told or asked, "well don't do too much because the process is still ongoing." So, the interpretation was that she will not disturb the process because it might ruin the investigation.

In November 2007, she now receives an official Referral Report from the Department of Finance and based on that she then directed, she then said, she felt ham-strung because the confidentiality clauses were so strict she did not know what to do anymore, she cannot use it, she cannot refer to it. Well that's what she said.

Q: Who from Ombudsman met with INT investigators?

MAR: She did not.

Q: Did you get a commitment from the Ombudsman that she will go hammer and thong against the officials?

MAR: Well, I don't now about hammer and thongs but she said they are doing their own investigation and that by the first week of March, they will have their report.

News Latest News Feed