Press Release
February 17, 2009

TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH SENATOR CHIZ ESCUDERO AFTER THE HEARING ON THE AMENDMENTS OF PROCUREMENT LAW AND OTHER ISSUES BY THE COMMITTEE ON CONSTITUTIONAL AMENDMENTS, REVISION OF CODES AND LAWS

Sen. Chiz : Itong mga bill na ito na may kinalaman o nag ugnay doon sa ZTE at CyberEd hearing noon at inugnay narin sa WB issue ngayon kung saan marami pang butas yung govt procurement act natin at Malaya parin pumasok sa mga kasunduang bilateral or otherwise sa mga ahensiya ng govt na wala man lang limitasyon kung magkano, sinong supplier, at yan ba ang pinakamura talagang makukuha natin para sa ating pamahalaan. Ang tanging giya nila ang kabutihan ng loob nila. Buti sana kung mabuti nga talaga ang loob nila at interest ng bansa ang nasa isip nila. Layunin at direksyon ng amendment, ipataw at sundin din ang govt procurement act maski na sa bilateral o executive agreements na may kinalaman sa pag procure ng anumang kailangan ng govt. Iba yung aid, regalo, grant at bigay. Yun, sila na ang mag desisyon kung ano ang ibibigay sa atin. Kung utang yan na babayaran natin dapat may say tayo at mayroon tayong papel na gagampanan sa pagpili ng supplier o kung sino gagawa.

MEDIA: ...

Sen. Chiz: Law must be amended to clarify that the govt procurement act will apply even to bilateral agreement and executive agreement entered into by our country with another foreign govt. Hindi pwedeng sila ang magdidikta sa kung sino ang supplier dahil pinapautang nila tayo. Tayo magdikta kung ito nga ba ang pipiliin natin dahil babayaran naman natin ang pinapautang nila sa atin.

MEDIA: ...

Sen. Chiz: Isa pa yan sa pinapa-require namin sa amendments na pinapanukala. Maski yung mga negotiations nila ngayon, walang nakakaalam. Kung hindi natin natisod yung ZTE, ni hindi natin nalaman. Next thing we know about it, tapos na yung kontrata at binabayaran na natin. Ni walang disclosure requirement ang ahensiya ng pamahalaan sa GPPB, o Kongreso, o anumang ahensiya ng media para malaman kung anu-ano ang pinagbibili ng mga ahensiya ng gobyerno. Transparency at accountability ang kailangan para pag may pumutok at sumabog, hindi yung magtuturuan nanaman. Iisa lang ang responsible officer na dapat managot at papanagutin.

Sen. Chiz: Gusto ng WB walang ceiling ang mga proyekto natin. Mayroong agency estimate lamang. Para daw malayang makaka-bid ng maski mababa. Ang nangyayari kasi sa Pilipinas, dahil may cap, halimbawa P100M para sa isang kalye. Lahat ng nagbibid, P99,996,000, P99,997,000... Nagdidikit daw sila doon at hindi tayo nakakakuha ng good price. Pangalawang resulta, yung proyekto kung mali ang estimate, kulang. So imbes na buong building ang maconstruct, 5 floors lamang imbes na 7. Dahil nagbabago ang cost na pinoprocure ng gobyerno.

MEDIA: do you agree with WB...?

Sen. Chiz: Not necessarily. May mga pagkakamali din naman at hindi rin applicable sa ating bansa. At hindi porket matagal na nilang ginagawa, tama na yun palagi para sa atin dito sa Pilipinas.

Pinondohan na yun ng WB at ayon sa GPPB ginagawa nila yun para magkaroon ng procurement officers sa mga ahensiya ng gobyerno na marunong, nakakaintindi at dapat mayroong moral at ethics aspect yung training na ginagawa hindi yung kaalaman lang sa batas.

Hindi naman talaga nasunod. Ang sinunod natin dito sa WB bid-rigging issue ay ang procedure ng WB kaya siguro expert sila sa pagsabing dinaya ba ang procedure nila o hindi. Rules pala nila ang pinatupad kaugnay sa pagbid na isinagawa nitong WB project na iniimplement ng DPWH. Hindi batas natin ang sinunod dahil law, executive agreement nanaman na exempted nanaman sa govt procurement act. Hindi dapat ganon.

Aamyendahan yun para covered na ng govt procurement law lahat ng procurement ng govt through executive agreement man, tied loan man o hindi.

Rules man ng WB o rules natin sa govt procurement act, bawal magkontsabahan ang mga bidders. So yung problema nandun pa rin at yung rule naman na pinagbabawal yun, andun parin. Mayroong expertise ang WB dahil rules naman nila ang ginawa at sinunod din. Ngayon, hindi naman ganun kalayo ang rules natin sa bidding at sa WB. Dahil bawal din naman magkontsabahan ang bidders maski sa govt procurement law natin.

Sa ilalim ng PD 1177, malawak at malaya ang kapangyarihan ng Presidente na piliin kung aling items sa budget ang popondohan at ang hindi, maski na may batas na nagtatalaga mag-release ng pondo para diyan. Sana ipakita ng govt ang sinseridad nila sa pagpapatupad ng modernisasyon ng ating halalan. May pangamba lang ako, hindi porket nag OMR at computerized tayo ay malinis na ang halalan. Kinakabahan ako sa mga sagot ng taga-comelec kaugnay sa prosesong iaadopt nila. Kumbaga base sa proposal na binigay sakanila, hindi sariling pag aaral ng comelec, mag aadopt sila ng plano na hindi pa natetesting sa kahit saang parte ng Pilipinas tapos ipapatupad nila sa buong bansa sa darating na election. Alin mang kompanya, private o public, palaging pilot areas muna ang tini-testing sa isang sistemang iimplement at adopt sa buong bansa o buong kompanya. Ito, uunahin nila buong bansa agad at pag may kapalpakan, buong bansa din at magigising tayo nandoon na ang kapalpakan at sinusubukan natin remedyohan yung problema.

Kung maaari, gastusin ang mas malaking portion ng budget na ito para linisin ang voters list, ipatupad ang biometrics upang sa gayon magpilot areas muna tayo halimbawa sa Metro Manila, ilang areas sa Luzviminda para yung confidence level ng ating mga kababayan ay tumaas sa paggamit ng ganitong proseso. At para ma-check o ma-tweak natin kung may problema ba itong sistema na ito o wala. Pag perpekto sa tinesting na area, doon na natin ipatupad sa buong bansa.

MEDIA: yung biometrics included bas a P11B?

Sen. Chiz: binanggit ko na yun kay Sen. Angara at hiniling ko na portion ng P11B ay iallocate sa biometrics. Pero purchase lang daw ng equipment yun, baka kulang ng P1B para mapatupad ang biometrics at 23M exisiting registered voters at 9M potential new registrants.

Sa pagkakaalam ko, pareho ang batas natin at ng WB pagdating sa pagbabawal ng bid-rigging at collusion. Ayon sa WB, 3 beses yung bid halos pare-pareho at magkakadikit. At yung nanalo natatalo, parepareho din. Doon nagsimula ang pag iimbestiga nila sa bagay na ito. At iyon ang nag udyok sa kanila na mag interbyu at kumuha ng mga testigo kaugnay ng issue na ito. Pero yun lamang yung simula, ang batayan na kinatatayuan na ng kanilang mga sinasabi yung kanilang mga interbyu na nakapaloob sa notice of sanctioned proceedings na binigay sa mga kontratisting dinidisqualify.

Loophole is.. una, utang ito, bakit natin pinapabayaan magdikta sa atin ang ibang institusyon at bansa. Pangalawa, may batas naman tayo bakit hindi pinapatupad dito? Pangatlo, bakit mas interesado pa ang nagpautang, kikita naman sila sa pinautang nila, kaysa tayo na magbabayad ng utang na yan kaugnay ng katiwalian na di umano'y nakita nila kaugnay ng proyektong ito.

News Latest News Feed