Press Release
February 16, 2009

Transcript: Manila Hotel interview of Sen. Escudero

MEDIA asks about committee referrals

Mahirap magsalitang dapat ilipat partikular sa komite ko na may kinalaman din doon dahil pagbubuhat ng sariling bangko yun. Desisyon ng Senado bilang isang institusyon na pagpasiyahan yung panukala ni Sen. Lacson. Pero kaugnay sa pagdinig na isasagawa ko, ito ay maykinalaman sa pag aamendya ng procurement law. At ang iimbitahan namin dito ay ang DBM at mga ahensyang nagpapatupad ng procurement law, mga NGO at watchdog na may kinalaman sa paglilinis ng sistemang ito. Hindi ko iimbitahin ang pinagdududahang kontratista o si FG dahil anong mapapala ko sakanila? Sa tingin nyo ba bibigyan nila ako ng tamang sagot kung paano mapapaganda ang procurement law? Baka dalhin lang nila ako sa direksyon na mas lalong mapariwara. Maliban dito, nakikita ko bilang isang abogado rin yung mga rules of evidence na hinahanap ng marami sa mga mga kasamahan kong abogado sa Senado. Pero sang-ayon ako sa pananaw na hindi naman korte ang Senado, at hindi naman dapat nakatali ang kamay ng Senado sa strict rules of evidence at strict rules of procedure lalong lalo na kung ang interest natin ay ang malaman at masaliksik kung ano ba talaga ang nangyari sa issue na ito.

Sino imbitado?

DBM, agencies in charge of implementing the procurement law, yung mga may bidding procedures partikular DPWH, at yung mga NGO watchdogs. Noong nagpunta akong World Bank sa kanilang tanggapan sa Washington DC, hiningi ko ang kanilang inputs kung paano ito maiimprove kaugnay sa kanilang karanasan sa ibang bansa. Nangako silang ipapadala pero hindi sila nangakong aabot bago magschedule ng hearing bukas ang kanilang inputs.

Satisfied ka ba sa outcome...?

Ang hindi ko lang nagustuhan ay bakit natin binabaril ang messenger, dapat tignan natin yung message o yung mensahe. Ang WB ang naghatid ng mensahe, bagaman magandang tanungin kung ano ang kanilang batayan at ipaliwanag ang kanilang batayan, hindi rin dapat sila pinag-iinitan dahil sila na nga ang maysabing may anomalya, sila pa ang binibira. Dapat ang birahan natin yung may anomalya talagang ginawa.

Pero sabi ni Sen. Santiago, wala namang evidence of culpability...

Dahil walang kinatawan ng WB na nagpatotoo doon sa nilalaman ng kanilang report. Again yan ay nakabatay sa rules on evidence sa korte pero hindi naman nakasaad sa rules ng Senado. Ang hiling ni Sen. Lacson, paluwagin at magaanin at wag masyado maging strikto sa rules na inaapply sa korte. Sang-ayon ako doon.

So dapat hindi bigyan ng burden ang WB...

May burden din naman pero hindi lang yun ang dapat panggalingan o pagkunan ng ebidensya na pag walang ebidensiyang nanggagaling doon ay sarado na at wala na tayong pwedeng magawa. Hindi tayo dapat umasa lamang sa ebidensiyang pinipresenta ng WB. Dapat sarili natin, maghanap tayo ng ebidensiya tungkol diyan. Nakakalungkot lang, na yung ahensyang trabaho dapat ay gawin yan ay hindi ginigawa ang trabaho niya. Ang tinutukoy ko ay ang Ombudsman kung saan mahigit isang taon na eh wala pa ring nangyayari sa kanilang imbestigasyon. Hindi ko lang alam kung may ebidensiya na silang nakalap o nasaliksik. Mahirap naman kasi na hanapan ng ebidensiya ang Department of Finance o DPWH. "Investigate me" nanaman 'yan. Pag DPWH ang nag imbestiga sa sarili niya, eh di syempre sasabihin niya walang ebidensiya at walang may kasalanan.

So hahanap sila ng butas?

Kaya siguro nafufrustrate ang mga kasama ko sa Senado kung bakit ayaw humarap at magpakita ang WB. Dahil sila ang nagpakita ng ebidensiya, maganda sana kung may tumestigo man lang na magsasabing ito ang procedure ng pagkukuha ng ebidensiya, ito ang laman ng report namin at ito ang batayan nito. Para namang may paang tatayuan anumang finding o resolution ng Senado based on the WB report.

You're in favor yung gusto ni Sen. Santiago na mag-issue ng subpoena...

Procedure ng senado yun. Makakadagdag naman talaga sa imbestigasyon yung pag-attend ng isang WB representative. Pero hindi parin akong sang-ayong barilin yung WB rep o ika nga yung messenger. Siguro tamang imbitahan at ipa-subpoena para mapakinggan ang kanilang panig pero hindi yung sila ang lalabas na akusado dito sa inquiry na ito.

Nakakuha na kayo ng kopya mula sa contractors...?

Hiniling palang namin pero tulad nga ng sabi ni Sen. Santiago, didiskusyunan pa namin at pag uusapan sa isang executive session kung ito'y isasapubliko o hindi, dahil ito'y unofficial copy. Mahirap naman magpalabas ng kopya na hindi tayo sigurado kung yan nga ba yun, totoo ba yan, kumpleto o kulang nga ba yan. Dahil baka ang kopya na nakuha o makukuha namin ay kulang o sobra sa pahina.

Who are you in favor...?

Dapat ay isapubliko yan para mabigyan ng pagkakataon ang sinumang pangalan mabanggit dun na sumagot at magpaliwanag sa publiko. Hindi yun maraming pangalang nadadawit baka naman mamaya wala doon sa report.

Do you agree na walang kinalaman si FG?

Too early to say dahil una, hindi ko pa nakikita yung official copy ng report. Pangalawa, blanket denial lang naman ang ginawa ng mga akusado. Wala pang ganoong uri ng confrontation ng facts at ebidensiya.

off the hook na si FG?

Hindi off, hindi rin on dahil wala pa namang nakikitang report. Nababanggit pa lamang. So nasa interest talaga ng bawat isa na alamin ang katotohanan talaga para malinis ang pangalang hindi dapat madungisin at para managot ang dapat panagutin.

wala pa talagang diretsong ebidensiya na nagdidiin kanino man. Hindi lang sakanya. Isa lang ang maliwanang mula sa pagpupulong ko sa WB. Itong mga contractor na pinadalhan nila ng notice of sanctioned proceedings kung saan nakalagay doon yung mga akusasyon laban sa kanila, yung mga Pilipinong pinadalhan ng kopya, hindi sumagot sa WB at hindi nagpaliwanag. Hindi ba ang natural mong gagawin ay sagutin at sabihing hindi totoo yan. Itong 3 kontratista na ito, walang sinabi at hindi sumagot.

itong notice of sanctioned proceedings at referral report, hindi po ba pwedeng magamit yun?

Magkaiba yun. Yung referral report pinadala sa DOF at Ombudsman. General report daw yun ayon sa kausap ko sa WB. Ang notice of sanctioned proceedings ang detalyado. Nakalagay yung testimonya ng mga ininterview nila at mga particular na akusasyon na di umano'y ginawa ng mga taong ito. Para mabigyan sila ng pagkakataong sumagot, maski sang-ayon sa ating Saligang Batas, nakalagay doon dapat ipag-bigay alam sa inaakusahan yung nature of accusation against him at yung mga akusasyon laban sa kanila.

re purchase of materials...

Wala pang impormasyong nakakarating sa aming tanggapan kaugnay ng panibagong bid-rigging pero sa totoo lang, normal nating naririnig yan. Maganda sa panahong ito, may nagrereklamo na at may pumipiyok dahil siguro mahigit na 1 dekada natin naririnig na may bid-rigging, may ayusan, may sahuran sa kontrata. Maganda ngayon may lumalabas na mga testigo at ebidensiya kaugnay sa mga bagay na yan. Malaki ang nalulugi at nakukuha sa gobyerno kaugnay nito. Pero tama si Sec. Andaya sa sinabi niya na hindi sang-ayon ang WB na magkaroon ng CAP ang kontrata. Pero kung anuman ang rason sa likod nun, hindi ko gaano maintindihan kaya hinihiling ko sakanila kung bakit walang cap. At ang isang procedure na gustong alisin ng WB... (network interruption) ipapa-prequalify muna lahat at base sa dokumentong isasubmit nila, magdidisqualify din sila. Isa ito sa mga nagiging modus operandi ng bid-rigging. Yung hindi kasama sa usapan, bubunutan nila ng papel isang gabi bago magbukas ng dokumento. At pagbukas kulang nalang ng isang papel, automatically disqualified na. Sasabihin ng kontratista, "andiyan yan pag submit ko." "Eh wala yan pag bukas namin, sorry ka nalang." So isa yan sa mga nais nilang i-suggest na alisin. O nandun man yung pre-qualification, buksan muna yung bid para malaman kung sino ba yung may mas mababang bid. Hindi tulad ngayon, dinidisqualify na agad yung may kulang na papel at yung may bid na lamang na ang diperensiya minsan ay P1,000 lang sa bilyong kontrata, yun na lamang ang nakaka-qualify sa bidding procedure natin.

Sabi kanina ni Paule, balak nila magsumpa ng kaso laban sa Senate...

Karapatan ni Paule na question-in ang anumang aksyon ng Senado sa Korte Suprema pero karapatan din ng Senado na pangalagaan ang institusyon at bigyang dangal at karangalan ito particular sa mga testigo na maliwanag namang hindi nagsasabi ng pawang at buong katotohanan. Isa ako sa mga pumirma para maaresto sya at pinaparindigan ko ang pusisyong yun.

Isa yan sa dapat pag usapan ng komite. Pero maraming nagrereklamo sa pagdinig ng Senado at walang nakukulong. May pinakulong pero 3 araw nga lang, pipintasan nanamang kulang. Maganda narin siguro yung may kaunting pananagutan kaysa sa wala.

On reviewing VFA...

Sinusuportahan ko ang posisyong yon na ipa-review at kung ano ang nararapat at kung nararapat iterminate anf VFA. Hindi tama na kapagka puti ang balat mo at matangos ang ilong mo at dayuhan ka at ikaw ay nanggahasa ng Pilipina ay ikaw ay makukulonh sa Embassy at hindi sa Bilibid. Sa kasong ito kapagkakayumanggi ang balat mo, pango ang ilong mo at ikaw ay Pilipino kapagka ikaw ay nangggahasa diretso ka sa Bilibid at kulong ka. Hindi pedeng may double standard at sa sarili anting bansa nagdediscriminate tayo laban sa sariling atin. Mas nakakalungkot at mas nakakangitngit na ang gobyerno natin ang tingin ditto ay isang bagay na pedeng inegotiate o inegotiate sa US embassy. Desisyon ng Korte Suprema yan dapat sundin ng executive, kaya nga executing ang pangalan iexecute ang batas at kabilang sa batas ang desisyon ng Korte suprema. This is not a subject matter that should be negotiated upon between two authorities, namely the US government and the Philippine government. This is something that should simply be executed by the Philippine government.

How do you describe yung pangingimi ng gobyerno?

Duwag at takot, hindi ko alam kung ano at saan, saying ang buhay na binuwis ng marami sa ating mga bayani at kababayan para makamtam an gating kalayaan n gating banas kung babalewalain at tatratahin lamang nila ng ganito ang pagiging malaya ng Pilipinas kaugnay ng Estados Unidos o anumang bansa, kung saana ng nagging sagot pa ng DFA anong gagawin naming kung ayaw pa nilang makipag-usap, excuse me bansa pa rin natin to, Pilipinas pa rin ito at narito sila sa ating bansa. Batas natin ang umiiral dito at kailangang ipatupad yon, sino man ang tamaan sino man ang masagasaan at bilang isang malayang bansa din dapat Makita din yan ng Estados Unidos

Anong dapat gawin ng Senate?

Batas yan na ini-execute at hindi trabaho yan ng senado na i-execute nag batas na yan.

An g pagterminate ng isang treaty ay nanggagaling sa executive branch, nag pagraratify kung saka-sakali ay manggagaling sa senado. Wala pa ako sa senado nang ito ay niratify bilang isang kasunduan at yung mag sumunod na visiting forces agreement at klinaro at winasto na nation yung kaguluahn at hindi pagkakaunawaan kaugnay sa criminal jurisdiction, halimbawa may nakabinbin ngayon sa senado din ng visiting forces agreement din ng Pilipinas at Australia at isa ito sa mga klinaro in fairness ng mga government yung criminal jurisdiction din para hindi kasing labo ng criminal jurisdiction sa VFA sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. Nag bola ay nasa kamay ng gobyerno, kung hindi sila pakinggan at at kailangan pa nilang lumuhod para pakinggan ng US government bago sila sundin sa bagay na ito marapat at dapat nag terminate o pigilan o tapusin na nag kasunduang ito, one yaer notice lang naman nag kailangan

Kahit na gusto ng senate i- abrogate nag VFA nasa Malacanang pa rin...

Siguro ang takot ng Palayso hindi na nga sinisipot at ayaw na ngang kausapin ni Obama kapag ka ginawa nation ito lalo siyang hindi kausapin, pero para sa akin maliit na bagay yon para sa dignidad ng Pilipinang inabuso kumpara sa kasarinlan at sobereyniyang kanayng pinangangalagaan at pinagtatanggol niya bilang Pangulo n gating bansa sa ilalim n gating bandila.

Sir hindi ba insulting yon on our part kasi may desisyon na nag Suprema Court pero sinasabi nila hindi kausapin muna namin nag Washington...

Hindi nakakainsulto, nakakahiya sa parte n gating executive officials nang hindi nila maaptupad at mapanindigan nag kanilang trabaho, execute tha law, ipatupad nag batas, maliwanag naman nag sinasaad ng Saligang Batas kaugnay sa bagay na yan, trabaho nilang ipatupad nag mnga batas at kabilang dyan nag mga desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa jurisdiction, sa jurisdiction pa lang hindi pa actual na penalty, lalo na siguro kung actual na penalty na nag paing-uusapan.

Medyo tama yon, medyo tama yon, hindi pa naman final and executor baka mag motion for recon (reconsideration) pa eh, pero, pero yon nag dapat sagot nila, hindi yong sagot nila kakausapin pa naming, ayaw pa kaming kausapin eh. They should have said we respect the decision of the court and we will await for its finality and we will implement, and in the mean time na hindi pa, aayusin na naming yung procedure para gawin yan, hindi yung unang sagot nila eh ayaw kaming kausapin eh, hinihintay pa naming kausapin, magkokonsulta pa raw, mali yon. That should have been there immediate answer, now with respect to the decision of the court we agree with the decision of the court but we have to await until its finality, kasi, however, remote may chance na mareverse eh, but that should have been there answer para hindi tayo naging mukhang kawawa, parang lumalabas naghihintay silang sagutin ang tawag nila, hindi ba ganon ang lumalabas, eh tumawag na nga kami ayaw kaming sagutin.

News Latest News Feed