Press Release
February 12, 2009

Transcript of Sen. Mar Roxas' statement during hearing on WB mess
by the Senate committee on economic affairs

MAR: I would like to voice my views for the committee's consideration regarding the presence or absence of the First Gentleman here in the hearing. His presence or absence, for the past 30 minutes we have been engaged here in the presentation of his doctors, as far as I am concerned, for these proceedings, the presence of the First Gentleman is unimportant. Yes, the First Gentleman is central to the testimonies and to the report of the World Bank. His name appears repeatedly. But since we are engaged in an inquiry in aid of legislation and given that in other media FG has already said, through representatives, he denied any knowledge of these allegations, even if he was here, he will say 'I have no knowledge' and 'I deny.'

The more important in this issue is greater than FG. Mas malaki ang isyu na ito kesa sa ngalan ni FG o kahit ni GMA. Ang isyu po dito ay ang karangalan po ng ating bansa. Sang-ayon sa World Bank, hindi ko sinasabi na tatanggapin natin uncritically ang sinasabi nila, pero sang-ayon sa kanila, isang international na ahensiya na kasama ang Pilipinas sa pagmamay-ari nito, lahat ng bansa sa buong mundo ang may-ari nitong World Bank. Sabi nila sa kanilang report, ninanakaw lang ang perang pinauutang nila dito sa atin. Kasama dito ang sistema ng gobyerno, kasama dito ang matataas na opisyal, at oo, kasama dito si FG. Ang katanungan ko po, ano ba ang ginawa dito ng ating gobyerno? Ito ay sinumite sa ating gobyerno ilang buwan na ang nakalipas.

Una, hanggang ngayon wala pa tayong kumpirmasyon mula sa ating gobyerno, mula kay GMA, na siyang pinakamataas na opisyal sa pamahalaan natin, na meron ngang report na ganito.

Pangalawa, sa kabila ng napakaraming report na ito nga ang nilalaman ng World Bank report. Wala din tayong malinaw na sagot mula sa gobyerno kung tama ba, kung idine-deny nila ito, sinasagot ba nila ito, o kinukumpirma ba nila ito.

Pangatlo, ano ba ang iniutos ng pangulo sa mga ahensiya ng gobyerno tungkol ditto.

'Yan ang palagay kong mas malaking isyu dito. Kung nandito man o hindi si FG, palagay ko may mga doctor na magsasabi hindi pwede. May mga abogadong magsasabi na right against self-incrimination, kung nandito man siya. May choice siya ng ganun kasi inquiry in aid of legislation. Kung ito po ay nasa korte at siya po ay isang inindict ng judicial system bilang akusado, ayun wala siyang choice dun, nandun siya para depensahan ang sarili niya,

Ang punto po dito ay anong ginawa natin. Anong ginawa ng goyberno natin para depensahan ang ngalan, ang karangalan ng ating bansa, na isinasalarawan dito sa report na ito na mga kawatan tayong lahat, na ito ang kalakaran dito sa ating bansa, na ito ang regular na nangyayari sa perang ipinapautang sa atin, na itinutulong dito sa atin, na ginagastos ng ating gobyerno. Kaya dito po sa punto kung kelangan bang pumunta siya dito o hindi, kung deposition o hindi, I yield to the wisdom of the chair.

Pero sa mga matataas na opisyal ng gobyerno�nandito si Secretary Teves na ayon sa World Bank ay sa kanya ibinigay ang report na ito, palagay ko dapat alamin natin: Does this report exist? Does this contain the allegations that have been reported in the media over the last several days and weeks, and what has the government done about it? That I believe is central to all these.

News Latest News Feed