Press Release
February 4, 2009

Transcript of Interview in DZRH with Joe Taruc With Senator Manny Villar

Q. On effects of economic crisis

Villar: Masyadong malalim ang inabot na problema nitong Amerika at ng ibang bansa. Ganun pa man dito na rin sa atin ay tinatamaan na rin tayo at nagsisimula na bagamat ang unang-unang epekto nito ay sa mga trabaho at sa mga OFW na mapapauwi. So ito yung unang dapat bigyan natin ng atensyon at kailangan na pagtulung-tulungan natin ito. Pero kung tama ang magiging galaw ng gobyerno ay hindi tayo masyadong tatamaan.

Q. Ang isa po sa binabanggit namin Mr.Senator, isa po sa lubhang naapektuhan at nakararamdam na ng epekto o "impact" nitong economic crisis ay ito pong mga OFWs. Alam naming sa matagal na panahon, kayo po ay tuloy-tuloy na tumutulong sa mga OFWs, ano ang nakikita ninyo na maaaring grabeng epekto sa mga OFWs nito pong "economic crisis"?

Villar: Ang sa akin ang mangyayari ay may mga bansang magpapauwi at may mga bansa na kukuha pa ng karagdagang OFWs kaya kinakailangan sana yung nga uuwi tingnan natin kung gusto pa nilang lumakad at mailipat sa ibang bansa. Pero yung una dito ay yung sa stimulus package hindi natin dapat makalimutan yung pagtulong dito sa mga walang trabaho at yung mga OFW na gustong magsarili. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng puhunan na maramihan sa kanila ng sa ganoon ay magkaroon tayo ng higit na maraming nagsasariling negosyanteng Pinoy. Dito kasi siyempre maghahanap sila ng trabaho dito, at mahihirapan silang humanap subalit marami sa kanila yung may natutunan sa ibang bansa na pwede nilang magamit dito, at kung magkakaroon sila ng konting puhunan, sila'y dadami at sisigla at maaaring ito'y pagkakakitaan nila ng higit sa kikitain nila pag sila'y nagtrabaho.

Q. Napansin po namin Mr.Senator, long before nagkaroon ng global economic crisis, aba'y napakarami na po ng mga kababayan natin na nagkaroon ng problema at nalalaman naman ng ating mga kababayan na kayo ang tumutulong para makabalik dito sa Pilipinas ano ho, before na-aggravate ang naturang problema kapag ito po'y naapektuhan ng economic crisis

Villar: Alam mo in fact ako nga personal ay nagkaroon ako ng programang ganyan at talagang tumutulong ako personal. Magkakaroon nga ko ng contest ngayon na kung saan ang ating mga OFWs na gustong magtayo ng maliit na negosyo, ay sumulat sa amin at ipaliwanang ang kanilang negosyo o balakin. Pagkatapos yung mga magaganda pipiliin namin at magkakaroon kami ng winner at sila'y bibigyan ng puhunan. Yung ideya naman ay kung papayag sila na ikalat namin sa buong kapuluan para yung mga ibang OFW naman na walang ideya kung papano magnenegosyo ay magkaroon ng ideya at inspirasyon.

Q. Isa pa sa matinding problema na kinakaharap ng bansa ngayon ay ito pong planholders ng mga nagbagsakang pre-need companies, papaano po natin matutulungan itong naturang mga tao Mr.Senator?

Villar: Ito kasi ang problema, sisihan tayo ng sisihan kung sinong may kasalanan at bagamat nanunood ang mga planholder, ay matagal na tayong nagsisisihan at kung yan naman ang gagawin natin ay hindi naman makakatulong. Ang sa kin kasi ang dapat pag-usapan ngayon ay kung paano maibabalik, kahit yung bahagi man lang nung inaasahan nung mga planholders. Ako kasi yung nakikita ko lamang sa mga diyaryo at sa mga imbestigasyon namin ay puro kung sino ang dapat sisihin. Sa palagay ko ang interes naman ng mga planholder, of course kung sinong maysala ay dapat parusahan, pero ang number one na dapat pag-usapan ngayon ay kung paano matutulungan yung mga planholders. At dito hindi naman masama na tumulong ang gobyerno, yung diretsong pagtulong sa mga planholders ang dapat mangyari, hindi sa mga may-ari ng pre-need companies.

Q. In other words, hindi po maglalaan ng pondo para dito sa mga nagbagsakang korporasyon kung di maglalaan ng pondo para dun sa mga naging biktima ng naturang korporasyon

Villar: Diretso. Yung mga bailout na ginagawa sa Amerika ay mga paraan na diretso. Hindi naman kailangan na dadaan pa sa mga pre-need companies

Q. Mr.Senator alam ho ninyo napakarami nating mga problema ngayon ultimo pati yung mga problema ng LPGs ay nagiging problema na ng gobyerno?

Villar: Alam mo kasi pag may mga ganitong krisis meron talagang mga tao o kumpanya na nagsasamantala din at alam nila na kapag kaguluhan na ganito ay may pagkakataong kumita ng mas malaki. Ito'y dapat talagang parusahan at mabigyan ng atensyon. Yung mga ganitong sektor, kumpanya o tao na nagti-take advantage sa mga sitwasyon na ganito para magkakaroon ng pagkakataon na kumita, halimbawa ay yung paggawa ng artipisyal na kakulangan o "shortage". Itong mga ganito minsan kapabayaan, pero minsan pinapabayaan nila talaga para magkaroon ng ganyan at kumita.

Q. Simpleng-simpleng problema lamang Mr.Senator, yung retail prices ng produktong pertrolyo natin mukhang pinakamataas na sa buong mundo? Sa kasalukuyan ay napakataas ho ng presyo ng produktong petrolyo natin samantalang ang world market price ay tatlo o dalawang buwan ng napakababa?

Villar: Totoo yun Joe at ako'y napapakamot na ng ulo diyan, kasi sa akin ito ang ating problema, sino ba ang may-ari ng Petron? At yan ang gusto kong malaman . Yan ang problema ng bibili ng hindi natin alam kung pagbili ng petron na ganyan, baka yun ang kadahilanan kung bakit po ang ating presyo ay napoprotektahan. Ang problema dati kasi puro dayuhan lahat yan. So, kung banatan natin ay dirediretso subalit ngayon, nabili na ng Pilipino, kaya ngayon ang problema ko ay kung ito bang mga Pilipinong nakabili ay malakas at pinoprotektahan natin kapag may pinakamataas na presyo?.

Q. For so long a time halos Araw-araw inuukilkil na namin sa mga opisyal ng gobyerno aba'y tignan ninyo ng mabuti kung kaya nating magdemanda ng Profiteering o economic sabotage sa maliliit na retailer ng LPG the more na maaari tayong magharap ng reklamo laban dito sa mga higanteng Oil companies, na matagal ng nagsasamantala , matatagal ng pinagsasamantalahan ang ating mga kababayan?

Villar: Ang bantayan natin ay yung mga player ngayon diyan. Sapagkat ngayon ay may mga player tayo na hindi na din dayuhan. At maaring isang malaking kadahilanan kung bakit hindi maitaas ito ay natatakot sila sa mga nagmamay-ari ng mga kumpanyang ito.

Q. Alam po ninyo sa mga Panahong Katulad nito dapat natin na makausap at ang nagpapaliwanag talaga sa ating mga kababayan ay yung nakakaunawa ng problema particularly sa larangan ng negosyo at sa larangan ng mga Economic activities at hindi naman maikakaila talagang papaano ay napapakinabangan namin ang mga paliwanag na binibitiwan ninyo.

Villar: Alam mo Joe, Malaki na ang karanasan natin diyan at sa krisis naman ay lahat ng klaseng krisis ay nadaanan ko na at dito ay nakikita ko lang naman ay ang mga bagay-bagay na nais ko lang maibahagi sa ating mga kababayan.

News Latest News Feed