Press Release
January 19, 2009

Transcript of interview of Sen. Mar Roxas in DZMM with Neil Ocampo

On Cheaper Medicines law

Neil: Maganda itong batas na pinagtibay niyo diyan sa Senado pero ang problema naman nasa implementasyon, butas-butas. Paano naman ito?

MAR: Kinakalampag nga natin ang gobyerno eh. Pinaglaban natin ito ng halos 10 taon. Kinalaban tayo ng mga pharmaceutical companies kasi ang gusto nila mataas ang singil nila dito sa atin. Ngayon na meron na tayong batas, parang mahina pa din ang implementasyon. Kaya kinakalampag natin ang gobyerno para maramdaman na ito ng ating mga kababayan.

Neil: Nasaan kaya ang problema? Sa mga local suppliers ba o kaya sa mga importers ng gamot? O hindi kaya sa distribusyon?

MAR: Ang mahalaga ay maging decisive, maging aggressive, magkaroon ng kamay na bakal ang Department of Health kasi sila naman ang pangunahing ahensiya na magpapatupad nito. Binigyan na natin sila ng kasangkapan. Kung sa karpentero ito, meron ng martilyo, lagare, lahat ng kasangkapan meron na. Gamitin nila lahat itong nasa tool box nila para makapagbigay sila ng magandang healthcare dito sa atin.

Neil: Ang solusyon dito ay dapat magkaroon ng urgent na investigation para malaman ng publiko kung ano ang nangyayari...

MAR: I-i-iskedyul natin iyan, Neil. Talaga namang nakaskedyul 'yan, kasama riyan ang committee on health at ang committee on trade and commerce. Dahil napakabagal nga ng implementasyon. May pera naman ang gobyerno. Dapat gamitin ng gobyerno ang pera nila para maisakatuparan ito.

On LPG supply

Neil:: Pakisama na din poi tong pagkakaroon umano ng temporary shortage sa LPG...

MAR: Talagang nakapagtataka 'yan, Neil. Dahil ngayong bumababa ang presyo, nagkaka-shortage. Pero nung mataas ang presyo, walang shortage. Pambihira talaga. Talagang niloloko ang mga mamimili, niloloko ang ating mga kababayan, lalong-lalo na 'yung mahihirap. At dapat hindi natin payagan ito. Ang kamay na bakal ng gobyerno, ang katarayan ni GMA, dito niya dapat gamitin ito. Nang sa ganun magkaroon ng solusyon ito..

News Latest News Feed