Press Release
January 19, 2009

Transcript of interview of Sen. Mar Roxas in DZRH with Joe Taruc

On the 2009 budget

Joe Taruc: Kamusta po ang budget sa pagbubukas ng sesyon? Anong pinagkaiba? May kinalaman ba ito sa P20 bilyon na realignment?

MAR: Nasa bicam pa dahil hindi nga nagtutugma ang posisyon ng Senado at ng Kamara. Pinag-iisa pa itong dalawang bersyon na ito. Kabahagi po iyan (realignment). Para sa amin sa Senado ang talagang itinutulak po ay iyong mga safety nets, iyong mga pang-salo, dito sa mga mawawalan ng trabaho dulot ng global financial crisis. Makikita natin iyan sa export sector, mahina-hina ang pasok ng turista at ang ating mga OFWs unti-unting naapektuhan na. Kung sadsad ang ekonomiya dun sa labas ay naapektuhan tayo, kinakailangang repasuhin natin ang ating budget, i-realign natin para may pang-salo tayo dito.

Joe: May balita na iyong budget na P60 bilyon para sa DPWH ay gagamitin lamang sa unang 6 na buwan ng taon...

MAR: Meron ngang ganyan. Sa ngayon ay reenacted ang budget so maari na kabahagi ito ng budget nung nakaraang taon at carry over lang sa taong ito. Ang mahalaga dito ay hindi mapunta sa kurakot ito. Nakakabahala na sa kabila ng report ng World Bank at ng Transparency International at iba pang ahensiya na talamak ang korapsyon dito sa ating bansa, na ang ganito kalaking halaga ay basta-basta na lang gagastusin na ni-ha, ni-ho hindi natin alam kung ano plano nito.

Joe : Reenacted ang budget habang hindi pa pasado ang 2009 budget? Kung mapagtibay ito in the next few days, pagtitibayin naman kaya ito ng dalawang Kongreso?

MAR: Tama po. Ang sa budget, 'yung sa halaga, whether it is 10, 50 o 60, ganun naman kalaki talaga 'yung infrastructure project nung nakaraang tao at itong papasok na taon. Ang punto dito, saan mapupunta ito. Eh talamak na talamak ang korapsyon, eh kung mapunta lang ito sa kurakot, eh di mas mabuti na mapunta na lang ang pera sa taumbayan. 'Yan ang dahilan kung bakit itinutulak ko ang one-time tax rebate, ibalik muna ang pera sa tao.

On World Bank report

Joe: Ang Senado po ba kikilos tungkol dito sa revelations ng World Bank na 3 malalaking construction companies na diumano ay nandadaya sa mga biddings sa projects na financed by the World Bank? At ng malaman natin kung sino-sino ang mga nagma-manipulate ng mga ganitong proyekto at itong tatlong kumpanya lang ang nakakakuha?

MAR: Sigurado po 'yun. Sigurado na magkakaroon ng imbestigasyon ng sa ganun ay malaman natin kung ano ang pamamaraan ng gobyerno at mapagtibay ang bagong batas at reglamento para mahinto ito. Nakakahiya na talaga. Kung titingnan natin, ang mga nasa labas pa ang nakapupuna sa atin. Itong Gen. Garcia sa Army, dun nahuli sa Amerika dala-dala ang pera. Itong Euro Generals, dun sa Russia. Itong si Joc-Joc sa Amerika din. Ngayon ang World Bank sinasabi talamak ang korapsyon dito. Hindi po dapat nangyari yun kung walang kakuntsaba sa loob ng gobyerno.

Joe: Para bang ang mga nasa Pilipinas walang nalalaman, una pang nakaalam ang mga banyaga, ganun po ba?

MAR: Nakakahiya talaga. In fact, nung nakaraang buwan tinanggal tayo sa listahan mula sa Amerika at sa United Nations ng makakatanggap ng Millennium Development money dahil sabi nila, sayang lang ang pera, napupunta lang sa korapsyon.

'Yung mga nasa labas, sila na ang umiiwas sa atin dahilan sa korapsyon. Dapat talaga linisin ito, ayusin ito. At ang Pangulo, na siyang dapat na chief executive, siya ang dapat nasa pinakasentro nito. Gamitin niya dito kanyang kamay na bakal, ang kanyang katarayan, ang kanyang atensyon. Nang sa gayun ay matigil itong korapsyon na ito.

News Latest News Feed