Press Release
January 8, 2009

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero at Kapihan sa Senado

As chair of the Senate committee on justice and human rights, how do you look at this issue (Alabang boys)?

-Magandang mailantad sa publiko yung problema sa justice system natin kung saan tila napapaboran minsan yung biktima, tila napapaburan minsan yung akusado, kaya ang simbolo ng hustisya ay babaeng nakapriring o nakatakip ang mata walang dapat kinikilalang akusado o biktima, wala dapat kinikilalang mayaman o mahirap, may koneksyon o wala. Pinapakita lamang ditto sa mga hearing na nagaganap at sa mga paglalahad na nakita at napanood natin na hindi pa rin umiiral ang pantay na hustisya ditto sa ating bansa. Saan ka makakakita na ang abogado ay rektang kakausap doon sa magdedesisyon at siya pa ang gagawa ng draft sa isang letter head na hindi naman galling sa opisina niya at ibibigay na lamang sa head ng agency at sa pananaw niya ay wala naming diperesniya at problema yon. Saan ka nakakita ng superior officer isang under secretary o assistant secretary tatawagan ang subordinate niya at magtatanong tungkol sa kaso tapos sasabihin niya wala naming problema o wala naman akong maling ginagawa, ganoong uri ng kaisipan pagpapakita na na malalim ang sugat at malaki ang problema ng pagkakaroon ng pantay na justice system sa ating bansa.

Maraming lumalalabas na call on technicalities in the process of arresting, bypass specially, kailangan dapat yan ma-cure in aid of legislation...

-Maliwanag naman ang batas tungkol dyan, maliwanag din naman ang ma ganging desisyon ng korte suprema kaugnay sa illegal search at seizure, illegal arrest o warrantless arrest kung saan ito ay pede, kanya nga lang masyadong malawak ang discretion na naibibigay sa mga prosuctor o fiscal pagdating sa pagdesisyon kung yan nga ba ay illegal o hindi illegal arrest. Nagulat lang ako doon sa prosecutor na humawak ng kaso, madalas korte ang nagsasabing yan ay illegal arrest, hindi sila mismo ang magsasabi simula pa lamang ng laban illegal arrest na agad yan. Madalas nakikita ko sa mga desisyon ng korte noong ako'y nagpra-practice judge na ang nagsasabi kung illegal o hindi yun pagkakaaresto o yung search and seizure, hindi yung piskal pa lang ay nagsasabing bawal, illegal at hindi pupwede yan. Seryoso para sa akin ang lahat ng krimen, pero lalo na ang mga krimen na may kinalaman sa droga, pagnanakaw, rape o panggagahasa, yang tatlong mag krimeng yan katulad ng ibang mga krimen pero mas lalo na seryoso dapat na tinitingnan, hindi binabalewala at hindi lightly kinoconsider n gating mga prsecutors.

In this so-called Alabang Boys there's nothing really big except for the media hype but what is really big is the one in Naguillan, La Union, which is I think one of the biggest shabu lab in Asia...

-Actually kung titingnan natin ang kasaysayan nang hindi masyadong matagal, Alabang Boys, pinag-usapan din yun raid sa La Union, pinag-usapan din yung shabu na nahuli sa Subic, pero wala naman tayong nakitang akusado kaya ito tila na-capture ang imagination n gating mga kababayan dahil dinadala ng kuwentong ito ang classic na laban sa pagitan ng mayama at mahirap, pinapoakita rito kung papaano pinapaboran n gating batas at judicial system tila ang mayaman kontra sa mahirap, kung saan may mga special na pabor na nabibigay o marahil muntik nabigay sa may-kaya o walang nabibigay na kapantay o parehonh pagtrato sa isang mahirap na akusado. Kailan ba tayong huling nakakitang na runner lamang ng droga o mahirap na taong ginamit sa pagbebenta ng droga na nabigyan ng ganitong kalaking atensyon ng sinomang opisyal ng pamahalaan na dahil magpapasko lamang lahat ay pede ng kalimutan, na dahil magpapasko laman kailangan kapiling nila ang pamilya nila dahil ba may-kaya sila at yung mahirap wala ng karapatang makapiling ang kanilang mahal sa buhay sa mahahalagang oksayon tulad ng Pasko.

The thing the Brodetts said about the the kids, their nephew are very damaging but I heard the prosecutor said over the radio yesterday it does not affect the case anymore...

-It does not technically affect the case because they did not submit an affidavit before the prosecutor's office, wala pa naming kasong sinasampa kaya hindi pa sila pedeng magtestify, at yung kanilang sinasabi ay common knowledge, at alam naman nila na alam namin na ganito ang ginagawa nila, hindi admissible yon maliban na lang kung may personal knowledge talaga sila kaugnay sa pagbebenta at paggamit ng droga, na hindi naman naitanong at hindi naman lumabas talaga don sa pagdinig.

Dapat din ba na suriin din ng Congress ang proseso ng pagasasabi ng probable cause...

-Sa sistema ng hustisya, criminal justice system ditto man o sa ibang bansa ganoon talaaga ng proseso dahil check and balance yan every step of the way dahil ang ating criminal justice system ay nakabatay pa rin sa prinsipyo na mabuti nang palayain ang islang libong criminal kaysa magpakulong ng isang inosenteng tao, yan ang logic at rason sa likod ng fruit of the poisonous tree principle sa ating legal system kung saan kugn illegal ang pagkakakuha ng ebidensiya, bagaman talagang nakuha sa yo, hindi pedeng gamitin laban say o. yan ang madalas nagiging basehan at batayan ng pgadismiss ng mag kaso ng korte laban sa mga klarong akusado at criminal naman. Pero sa kasong ito base sa spot report na sisinagawa ng PDEA, so on its face, ni wala namang hearing na ginawa yung prosecutor eh, on its face assuming regularity in the performance of their function, dapat kinampihan nsa aking pananaw nong prosecutor, nong posisyon na kinuha ng PDEA na legal yung kanialng pagkakaaresto, legal yung kanilang pagkaka-seize ng ebidensiya at tatayo ito sa husgado. Naguguluhan ako kugn bakit base na lamang sa affidavits ng magkabilang panig may pinanigan agad ang prosecutor at hindi man lang binigyan ng pagkakataon na makakita ng liwanag ng araw sa korte yung kasong isinampa ng PDEA laban sa mga akusado.

Ano yung possible legal remedies...

-Ito tulad ng maraming problema ang kinakailangan ay tamang pagpapatupad ng batas at siguro tamang kinalalagyan ng puso sa pagpapatupad ng tungkulin. Alamn nyo kahit na gaano kaliwanag ang batas pagka nasilaw ng salapi o pera ang isang opisyal nagiging Malabo na rin ang batas at tila hindi na nagiging klaro ang titik, letra at instensyon ng batas. Subalit kung titingnan yan ng isang taong hindi nababahiran at hindi siguro nababahiran ng pera maliwanag naman siguro ang batas tulad sa pagtingin ko sa batas sa ngayon kuagnay sa illegal search, illegal arrest, legal search at legal arrest at kaugnay sa pagprosecute ng mga kaso ng DOJ.

(Question inaudible...)

-Assuming regularity in the performance of their function, meaning yung spot report ay tama, wala akong nakikitang pagkukulang nila sa pag-aresto at gayundin sa pagseize ng evidence at pagsampa ng kaso, kung may pagkukulang man siguro sa nagyon ang pede lang nating masabi ay yung paglabas agad sa publiko at media na may bribery at corruption na hanggang ngayon ay hindi pa napapatunayan doon sa pagdinig na isinasagawa sa Kongreso. Pero yung ginawa nilang yon marahil para lamang magraise ng alarm bell ikanga para magkaroon ng atensyon sa kasong ito para hindi mapilit ang kanilang mga kamay na gawin ang isang bagay na ayaw naman talagan nilang gawin mula't-mula.

(Question inaudible...)

-Ang narinig ko lamang na gusting nilang amendment ay ibalik daw ang death penalty, tutol ako sa pagbabalik ng death penalty para sa kriemeng may kinalaman sa droga o anumang krimen dahil kasiguruhan na mapaparusahan ang sinomang nagkakasala at hindi yung bigat ng parusa ang makakapagbigay ng takot at makakapagpadawalang isip sa sinomang tao na nagbabalak gumawa ng krimen.

(Question inaudible...)

-Hindi naman premature pero nilabas agad sa media nang marahil hindi rin dumaan sa proseso ng, kung may nag-alok talaga ng bribe hindi ba normal sampahan mo ng kaso pero marahil ginawa ng PDEA yon, gaya ng nasabi ko para makakuha ng atensyon para hindi sila mapressure na gawin ang isang bagay na marahil ayaw naman talaga nilang gawin, yun ay palayain yung mag akusado, marahil nais nilang makakuha ng atensyon upang sa gayon ay matigil na kung anumang alegasyon na maaring lumabas nab aka sila pa ang maaaring baligtarin. Kung maaalaal ninyo lumabas lamang si Gen. Santiago nong may text daw siyang natanggap na siya na rind aw ay nakatanggap. So lumabas na rin siya at niliwanag niya para hindi na matuloy ang kuwento na siya nga ay nakatanggap o nasuhulan.

Question inaudible...)

-Yes and no kasi yung isyu naman ditto hindi lang, siguro ang nag-ugat doon sa isyu ay bribery allegation pero ang isyu talaga ditto yung criminal justice system natin, yung kumpadre system sa criminal justice system natin at yung potensyal at malaking posibilidad ng suhulan saa ting criminal justice system lalong lalo kung mayaman o may-kaya ang akusado o respondent sa isang kaso.

Hindi lamang kaya nagkaroon ng onsehan doon sa bribery?

-Sa ngayon wala akong personal na kaalaman tungkol sa onsehan pero sa ngayon din base sa pagkakakilala k okay gen. Santiago hindi siya ganoong uri o klase ng tao kung ang pagbabatayan natin ay ang kanyang track record noong siya ay nasa uniformed service pa lamang.

Anong pede mong magawa tungkol dito...

-Titingnan naming at balak naming magsagawa ng imbestigasyon kaugnay s abagay na ito pagbukas ng Kongreso sa January 19, particular na yung tinatawag ko ngang heinous crime case tulad ng large-scale smuggling, plunder, rape at krimeng may kinalaman sa droga, seryosong mga problema ito at hindi death penalty ang solusyon kundi ang tamang pagpapatupad ng batas kung saan kapagka ikaw ay nagkasala, ikaw ay tiyak na mapaparusahan.

What reform do we need?

-Ang isa sa mga titingnan naming yung pag-hire at yung pag-fire ng mga prosecutor sa DOJ, isa sa titingnan naming yung rules on inhibition ng mag prosecutor kaugnay ng mag kaso na dinidinig o nabibinbin sa kanilang mga opisina. Isa sa titingnan naming yung track record ng mga prosecutor pagdating sa mga kasong isinasampa o nirerekomendan nialng madismiss, ilan na ba ito, ano ano klaseng kaso ito at kung mayroon tayong judge-bitay ikanga na puro, noon, puro mga execution ang mag desisyon baka naman may mga piskal tayong dismissal na puro dismissal din ang desisyon ng anumang kasong nakakarating sa kanialgn lamesa, kukunin naming ang statistics at datos dahil baka may pattern tayong makikita tungkol sa bagay na ito.

(Question inaudible...)

-May rules dapat on inhibiton don sa prosecutor's office at sa DOJ isa yun sa titingnan naming. Ako mismo ay miyembro ng isang fraternity noon ako ay nag-aaral sa UP College of Law, subalit hindi basehan yon o bayatan na sabihin agad na ikaw ay ganito o na ikaw ay ganyan. Dahil sa dami ng mga nagging miyembro ng isang fraternity o organisayon baka mamya wala nang maiwan judge o prosecutor para desisyunan ang isang kaso, at kung minsan may isang patas o parehas na judge o prosecutor baka ang kunin ng akusado para lamang mag-inhibit yung matinong judge o prosdecutor ay ka-brod-ka-organisayon o kababayan o kamag-anak para lamang makaiwas doon sa judge o prosecutor na hindi niya kasundo o ayaw ng akusado.

Secretary Gonzalez when confronted with the demeanor of atty. Verano could only agree there was an ethical issue when he presented the resolution for his signature, is that enough to disbar him?

-That is not within the jurisdiction of the DOJ whether or not to disbar atty. Verano but to my mind I agree with sec. Gonzalez what atty. Verano was to say the least unethical, una hindi siya authorized gamitin yun letter head maski na legal yung pagkakakuha niya non, pangalawa hindi siya athorized na magtype ng anumang dokumento o nilalaman doon sa letterhead na yon bagman hindi pa pinipirmahan at bagaman hindi naman na-forge yung pirma ng secretary of justice. Hindi naman yun ang SOP o standard operating procedure sa pagta-type o sa pagdadraft o sa pagpirma ng release order galling sa secretary of justice, ano yan kung sino na lamang ang may gustong magparelease ng sinomang akusado pipila sa opisina ng secretary of justice may kanya-kanyang bitbit na papel para pirmahan ng secretary of justice, tinitiyak ko na may sistema sa opisina ni justice secretary Gonzalez na dadaan yan sa rekomendasyon ng kanyang legal team, dadaan yan sa rekomendasyon ng kanyang mga prosecutors bago dumating sa kanayng lamesa, ang hindi ko lang maintindihan parang walang maling ginawa si atty. Verano sa kanyang isipan sa pagdraft noo, sa paggamit ng letterhead, sa pagpunta doon sa magdedesisyon para pakiusapan na dapat sana ay nagkikita lamang sila sa hearing kung saka-sakali o kung walang pagkakataong maghearing dapat mag-uusap lamang sila sa pamamagitan ng papel o pleading.

Are you in favor of outright disbarment?

-That is not for me to decide but definitely some disciplinary action must be imposed on him, either by the office of the bar confidant or with the IBP para namang magsilbing leksyon at aral not to take this lightly.

Is this the first time you heard such thing that a lawyer making 'subo' to the justice secretary for signature...

-Hindi maraming mga kuwento kuwento palagi noon ang desisyon kapagka siguro nagkikita-kita sa okasyon ng mga abogado kanya-kanyang yabangan nay an na ako ganito, ako nagawa ko ito, ako direkta ako, ako nakausap ko ito, subalit kung totoo yon o hindi walang makakapagsabi dahil baka hangin o yabang lang yon o baka naman nga totoo pero sap unto de vista ng mag nakakarinig hearsay pa rin yon.

Saan kaya nakuha yung letterhead?

-Hindi kasi controlled document ang letterhead ng anumang opisina, halimbawa kung magpunta kayo sa opisina ko marami kayong makikitang kahon don na may letterhead ko, napakadali kung may gustong kumuha, pumuslit ng isa o dalawa na letterhead, yung barcode kasi ng mga oposina pumapasok lamang pagpinirmahan na ng opisyal. Pero yung letterhead mismo hindi yon controlled or numbered document kaya nga yung pagkakaroon niya ng letterhead ang may krimen lamang don pagninakaw niya yon, may krimen lamang don kung may sinuhulan siya para makakuha non, may krimen lamang don kung may isang opisyal o secretary ng DOJ na inabot sa kanya yon kapalit ng pabor, pero ang pagkaakroon mismo, mahirap sabihin at mahirap mag-speculate kung paano napunta sa kanya yon. Ang illegal possesson baril lang eh, wala namang illegal possession of letterhead.

(Question inaudible...)

-No, I think may resolusyon na nai-file sa senado kung hindi ako nagkakamali sa komite ni senator Honasan, public order and illegal drugs, sa parte ng committee on justice and human rights, amgko-concentrate kami yung tila anomaly at tila korapsyong nagaganap sa prosecution service ng ating criminal justice system. Magpa-file ako ng resolusyon, hindi ko pedeng gawin ngayon hanggat hindi pa nareresume ang senado para officially ma-refer yon sa komite para may authority ang komite galing sa plenaryo na maghearing.

Do'n sa Columbia, yung mga drug syndicates, napasok na rin nila prosecution system, Maski na yung mga deug partners diro sa atin e, meron na silang mga din siguro...

-Hindi malayong mangyari yon at hindi malayong posible yun. Ang hamon para sa ating lahat, hanapin kung sino-sino yung mga yon, at wag patawarin at tratuhin ng malupit, sinumang opisyal na nagtatanggol, nangangalaga at marahil protector ng drug syndicates dahil hindi pwedeng parawarin ang ganitong uri ng gawain dahil sumisira ito hindi lamang sa moral; fiber, pari na rin sa kaluoluwa ng ating mga kabataan at ating mga kababayan.

Another topic lang sir, if I may, ofcourse they can go back to this Alabang boys case. Kailang ba ii-integrate ninyo ang JBC. Is that the process of selecting the new justices...

-Dun sa unang vacancy na na-create nung January 3, kung di ako nagkakamali, kay Justice Reyes, nag-submit na ng rekomendasyon ang JBC na pwedeng pagpilian ng Pangulo. Kaugnay ng mababakanteng puwesto pagdating ng Pebrero, kung di ako nagkakamali rin, kay Justice Azcuna. Nagpalabas na ng notive ang JBC para sa mga potential na nais mag-apply, o mag-nominate ng sinumang kandidato. Ang proseso ng JBC, matapos nung public notice na open for nomination or application ang isang pwesto, ipa-publish ulit lahat nung mga na-nominate at nag-apply. At bibigyan ng panahon ang publiko na magbigay ng anumang komentaryo, papuri o nitang, rekomendasyon mang positibo o negatibo kaugnay sa sinumang nominee at kaugnay sa sinumang aplikante. Pagkatapos nyan, magre-require ang JBC na magsumite ng ilang mga dokumento ang mga aplikante't nominado. Isa na sa mga dokumentong hinihingi ko, lalung lalu na kung hindi public official o dating public official ang nominee at aplikante, ay kopya ng kanilang income tax return for the past five years at duly filled up form ng Statement of Assets and Liability bilang isa sa mga dokumentong marapat isumite sa sinumang aplikante galing sa private sector. Pag nakumpleto yung mga dokumento, ii-inteview sila ng JBC panel at pagkatapos nun, pagpipilian kung sino ang ino-nominate. Mula nang ako'y maupo sa JBC, open voting na ang JBC at madali at pwedeng malaman ang bawat boto ng JBC kaugnay sa kanilang nominado sa anumang puwesto sa judiciary.

Hindi pa rin yung proposal na live media coverage?

-Pinag-usapan yun sa JBC. Sa Korte Suprema kung saan ginagawa yung interviews, meroong speaker sa labas na pwedeng makinig maski na sinogn gustong makinig. Pwedeng pumasok maski na sinong media sa loob ng interview hall. Hindi nga lang pwedeng magdala't magbitbit ng kanya-kanyang camera. Ang aming pinapanukala sana ay payagan yun at ilagay lamang sila sa designated area. Ang naging desisyon ng mayorya ng JBC, magkaroon ng sariling footage ang JBC at hayaang makakuha ng kopya sinumang hihiling na makakuha ng kopya ng interview.

Si Senator Pimentel po, he's proposing na sa constitution to conduct a national convention para all the membership tapos mag-form ng council (inaudible).

-Para sa akin, masyadong maaga para pag-usapan, pag-isipan, at gumawa ng sistema kaugnay sa pamumulitika sa halalan sa 2010. Marahil nais na nilang simulang pag-isipan yan sa panig at parte nila pero sa panig at parte ko, hindi yan ang pinagtutuunan ko ng pansin at anumang sagot na ibigay ninuman ngayon, sa haba ng panahong dadaloy bago ang 2010, tiyak ko, magbabago din naman yon so saying lang anumang salitang bibitiwan kaugnay nyan sa ganito kaagang panahon.

(Question inaudible)...

-Pangarap palagi siyempre ng maski na sinumang grupo yun. Oposisyon man o administrasyon, gusto, isa lang ang kandidato, ang palagin ko ngang sinasabi sino nga ba ang maitututro nating mga miyembro ng oposisyon at sa kabilang banda mga miyembro ng administrasyon, ano ba ang criteria at ano ba ang qualification, bago natin masabi na ang isang tao, politiko o grupo ay miyembro ng oposisyon. Pangalawa oposisyon man o administrasyon pagdating ng halalan dapat mag-alok ng solusyon sa mga problema ng bansa at hindi sapat ang pagkakaroon ng tatak sa noon a ikaw ay oposisyon o administrasyon para ikaw ay piliin ng sinomang boboto sa halalan.

The way things are shaping up looks like the prominent figures in the opposition will never never really decide among themselves who will be the candidate of the opposition, so this means that Erap will now run...

-Hindi ko kayang magsalita para kay Pangulong Estrada kaugnay ng bagay na yan pero para sa akin gaya ng nasabi ko, magdedesisyon naman ang ating mga kababayan base kung ano ang sagot mo sa tanong, anong solusyon mo sa problema at hindi base sa kulay ng iyong kasuutan o partidong dinadala.

(Question inaudible...)

Wala, hindi ako pedeng magkaroon ng plano sa 2010 sa ngayon, dahil na rin sa nasabi kong dahilan, kulang ako ng isang qualification para sa anumang pedeng takbuhan sa 2010, at hindi tama sa aking pananaw na magsalita kaugnay noon dahil hindi ito ang tamang panahon at hindi pa naman ako lubusang kwalipikado para doon sa edad.

Parang ano lang naman yan eh, dose anyos ka pa lang sinasabi mo na gusto mo ng magpakasal, eh pede ka namang magpakasal ng 18, hindi ba, sasabihin lang ng magulang mo wag mo muang isipin yan, isipin mo yan kung pede na at maski na 18 ka kailangan mo pa rin ng consent at sa certain age kailangan mo pa nga ng advice, so hindi panahon para sa akin na pag-usapan yan sa parte ko at sa parte din ng bansa siguro hindi panahong maabala tayo sa pamumulitika at pangangampanya dahil yung 90 days na pangangampanya ay sobra-sobra sa pamumulitika sinasabi ko sa inyo halos mapupuno tayo ng pulitika sa panahong yon, hintayin na lamang natin yon at huwag na muna ngayon.

Yung tungkol sa pagpili ng kandidato ng NPC, sa survey daw titingnan...

-In-announce na rin naman ng NPC yon, ang kikokonsidera ng NPC sa mga miyembro nila ay dalawa, ako at si senator Legarda, inanounce na rin naman yon ng NPC sa mga nagdaang affairs ng NPC at ng mga tagapagsalita ng partido.

It's the decision of the party, at the end of the day it's the decision of the party, whether the party base it on the survey, the party base it on whatever criteria it's the decision of the party. Pareho ang qualification non (president and VP) kasi pag may nangyari sa Presidente papalit yung ikalawang Pangulo at hindi naman pedeng hindi siya qualified.

May commitment na ba sa inyong dalawa ni Loren na whoever will be number two doon sa survey ay hindi lilipat ng ibang partido...

-Gaya nga ng nasabi ko, nakita na natin sa pelikula yan at sa history books ilang beses ng ginawa at nangyari at hindi nangyari, para sa akin hindi marapat pag-uasapan sa ngayon nga dahil nga ang dami pang pedeng mangyari, maraming panahon pa ang lilipas at marami pang problemang dapat pagtuunan, maliban dito sa mga nakikiliting usapin kaugnay sa politika. Pagdating ng February 2010, puro politika ang pag-uusapan n gating mga kababayan, pagdating ng 2010 puro eleksyon at kampanya ang pag-uusapan n gating mga kababayan. Siguro naman sobra-sobra na yung 90 days para don, wag na anting dagdagan dahil sa totoo lang kung dadagdagan pa antin yun paano naman yung oras na binubuhos natin para mapag-usapan ang mga problemang mahalaga at dapat nating harapin ngayon at hindi sa 2010.

Si Teodoro NPC, gusto rin yatang tumakbo...

-I'm not the spokesperson anymore of the party, I used to be, pero hindi na ako ang tapagsalita ng partido ko, maganda siguro ang tapagsalita o sec gen ng NPC ang tumalakay ng paksang yan pero sa far as I know secretary Teodoto is still with the NPC... As of now nga alama ko no formal communication has been made regarding the veracity of the article, regarding his plans... Yung nga yung sinasabi k okay Efren kanina, mahirap magpredict, mahirap magsalita, mahirap magsabi dahil January pa lang ang pinag-uusapan natin, hindi ba before the end of January yon, eh meron pang 11 months na pedeng ang damingpedeng mangyari, so hintayin na lamang siguro nating mangyari.

Sir maganda daw ang pasok ng 2009 para sa ekonomiya...

-Ang madalas kong sinasabi tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas, paghumatsing ang ekonomiya ng Amerika sisipunin ang Pilipinas, ang Amerika sobrang taas ang lipag kaya nang lumagpak sobrang sakit din at ramdam na ramdam nila, an gating bansa hindi naman gaanong kataasan ang lipad, bumagsak man o sumabit man hindi rin gaanong kasakit ang pagbagsak. At hanggang ngayon ang bumubuhay at sumusuporta sa atin ay yung mga OFW, rason para hindi tayo gaanong maapektuhan pa ng kadiliman sa ekonomiyang nakikita natin sa iabng bansa. Ang importante ngayon pangunahan ng gobyerno ang pagbabalik o panunumbalik ng tiwala ng mga pribadong negosyante sa ekonomiya at sa sistema natin dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng paggastos at paggastos ng tama para magsibling stimulus yan n gating ekonomiya. Sa paggastos nga ng Pilipinas ang aking hamon sa gobyerno ay magconcentrate tayo sa ialng simpleng prinsipyo, buy Filipino, invest in the Philippines at Filipino first, hindi nito sinasabi na maski na walang kalidad sariling atin pa rin ang bilhin natin, everything being equal, same quality ang presyo ay hindi nagkakalayo, pede ba ibigay na natin sa kumpanyang nandito sa Pilipinas, pag-aari ng Filipino at nag-eempleyo ng mga Filipino para makatulong ito sa paggulong n gating ekonomiya.

News Latest News Feed