Press Release
December 14, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' interview on DZRH

On Cha-Cha:

Q: Sabi ni Speaker Nograles, budget muna bago pag-usapan ng dalawang kapulungan kung ano ang susunod.

MAR: Malinaw na malinaw ang stand ko, at ng stand ng Senado. Hindi kami papayag dito sa Cha-Cha na con-ass, na nawawala yung check and balance ng Senado, na magso-solo flight ang House. Sa Senado, 23 out of 23 na senador ang lumagda sa resolusyon na sa ating pananaw, hindi talaga itutuloy ito.

Q: Con-ass lang ba ayaw niyo, o ang Cha-Cha mismo?

MAR: Para sa akin, napakarami ng ating problema. Itong delubyo ng financial crisis na parating dito sa atin, ang ating mga OFW naaapektuhan. Ang ating tourism, naaapektuhan. Yung ating mga exporters, naaapektuhan. Yung mga trabaho rito, naaapektuhan. Iyon ang dapat na atupagin natin. Bakit itong isyu na pansarili, pangpahaba ng termino, pangpahaba ng paghahari dito sa ating bansa, bakit iyan ang pina-prioritize? Bakit ang Pangulo, si GMA, bakit hindi niya awatin ang kanyang pamilya? Bakit hindi niya awatin yung mga kaalyado niya diyan sa Kongreso? Ilagay niya sa tama ang prayoridad. Wala dito sa Cha-Cha na ito.

Q: Nagbigay ng assurance si Speaker Nograles na walang term extension dito.

MAR: Alam ko ang mga nagpaplano nito ay pursigido na, na ituloy itong 'Gloria Forever' Cha-Cha. Alam mo, ang mangyayari rito ay katulad ng nangyari noong rehimeng Marcos. Kapag nagkabago na ang ating Saligang Batas, mananatili na sa pwesto si GMA, mawawala na sa atin ang kapangyarihan na mamili ng ating mga leaders. Sila-sila na lang. At habang buhay o habang matagalan, sila rin ang maghahari dito sa ating bansa. Natutuwa ba tayo sa nangyari nitong nakaraang walong taon? Hindi ba tayo nagugutom? Kumakain ng pagpag, ang tinapon nang pagkain, ang ating mga kababayan. Yung ating kababayan ay nagtratrabaho, nagbebenta ng atay, ng puri para lamang may perang kikitain. Yung ating kababayan, naghuhugas ng puwet ng mga dayuhan doon sa abroad, kasi ang pag-asa ay nandoon lang sa abroad. Natutuwa ba tayo rito? Iyan ang dahilan kung bakit galit na galit ang taong bayan sa kay Gloria at sa kanyang administrasyon.

Q: Napamura nga kayo.

MAR: Sinasabi ko lang ang totoo. Baka hindi alam ng Malacañang, matagal na silang minumura ng ating mga kababayan. Ako lang nagsabi nang harap-harapan sa kanila na ito ang damdamin nating lahat. Kaya dapat malaman nila na ganitong kalalim ang galit ng ating kababayan. Gutom tayo, wala tayong trabaho, wala tayong pag-asa, at ang inaatupag lang nila ay pagpahaba lang sila sa kanilang termino.

Q: So inaakusa mo na ang Malacañang ang nasa likod nitong Cha-Cha?

MAR: E sino pa ba naman? Kung sino man ang pangulo, pwede niyang sabihin, 'Tama na muna iyan, dito muna tayo sa ating prayoridad.'

News Latest News Feed