Press Release
December 11, 2008

Transcript of Senator Richard J. Gordon's interview over DZMM

On Bolante's release

Gordon: Ang blue ribbon mismo ang nag-file ng kaso. Ngayon hindi pa tapos yan, babalik pa si Bolante. At pagkatapos yung kasong yan, gagawa kami ng recommendation. We are not a criminal court, hindi kami pwedeng magsabing guilty ang tao. We can only (inaudible) in aid of legislation, yung talagang gagawa kami ng batas dahil sa imbestigasyon na ito. Eh ang kailangan malaman ng tao dito, ang akala kasi ng tao ang Senado pwedeng magpakulong. Pwede kaming magpakulong pag contempt. At yung contempt na yan, unang-una hindi ko naman tinago sa mga tao yan, sabi ko pag itong kaso nai-file na sa Ombudsman o sa DOJ, palalayain na sya sapagkat pansamantala lang yan. Pinunish sya dahil hindi sya nagpapakita sa blue ribbon at nagsisiungaling sya ng madalas.

Q: Basis for putting Bolante in Senate custody

Gordon: Well, una nagsisinungaling sya sa blue ribbon at ang desisyon namin nung nag-meeting kami if he purges himself o sinabi nya na nagsisinungaling sya o kaya na-file yung kaso sa Ombudsman o sa DOJ dun lang sya mapapakawalan. Ang batas malinaw, pag pinilit namin yan matatalo kami sa husgado. Hindi naman akusado pa si Bolante eh. Ngayon akusado na sya kasi na-file na yung kaso pero ang husgado ang magja-judge sa kanya kung guilty sya of lying. Isang incident lang yan. Pagkatapos ng imbestigasyon ipa-file naman ito ng Ombudsman, kung sisipagin yang Ombudsman na hindi nagpa-file ng kaso palagi, yun ang kailangan pukpukin natin yung Ombudsman sapagkat may recommendation na sila nung nai-file yung kaso dyan pero hanggang ngayon wala pa.

Q: Ngayong pinalaya na sya, ibig ba sabihin tapos na ang senado sa kanya?

Gordon: No. Hindi pa kami tapos sa kanya, babalik pa sya. Nagpapaalam pa nga sya, yung biyenan nya daw dinadahilan nya, maysakit yata, kailangan magkita sila on December 17. Ang sabi ko, no! I did not allow him. My own mother is sick, pinuntahan ko lang sya the other day kasi ginagawa ko yung tungkulin ko sa senado sa budget. Kaya ikaw hindi mo pwedeng gawin yan, sabi ko. So we'll have the next hearing on the 17th. Tuloy-tuloy ang kaso. I don't know kung nakikinig yung mga nagsasabi ng ganyan. Sino ba ang naglabas ng pangalan ngayon nung pinatay na naman na si Mojica sa Bulacan? Yan ay tungkol dun sa malalaking pera na pumapasok sa Department of Agriculture na binubunyag ni Mojica na may mga katiwalian. Katulad yan nung kay Esperat. Kaya nga ako yung nagbalik kay Esperat sa kaso kasi. Sabi ko iimbestigahan din natin yan sapagkat nangurakot na pumatay pa ng tao, sinunog pa yung audit office dun sa Cotabato.

Hindi ko maintindihan kung ang gusto natin ilabas yung nag-aaway kami. Hindi kami nakikipag-away. Ako ang hahabulin ko ay ang katarungan. Pipilitin ko yung blue ribbon committee umabot doon, mabunyag lahat yung nagloloko na yan para gawin naman ng ehekutibo na mag-file ng kaso.

Q: Ano na ang malinaw sa inyo sa inyong opinion?

Gordon: Siya talaga ang may pakana lahat nyan. Hindi pa nya sinasabi kung sino ang ngahudyat sa kanya, pero alam mo naman panahon ng eleksyon yan kaya gumagawa sila ng pera noon, naglalabas sila ng pondo para maipanalo nila yung kanilang kandidato.

Q: Sapalagay nyo ba napatunayan na yan?

Gordon: Hindi natin mapatunayan yan sapagkat wala tayong testigo. At yan pagdating sa husgado hahanapin yan. Pero sa tingin ko, sa perception ng tao, talagang guilty sya. Pero kaya nga hinahabol natin yung ibang testigo, kaya pinapabalik namin sa Dec. 17 yung mga testigo na silang nagpapaikot ng pera.

Q: Ano'ng evidence ang makakadiin kay Bolante?

Gordon: Yung mga regional directors nya na nagsabi sya ang nagbibigay ng instructions para maibigay yung pera at magpakalat ng pera. Yun ang matinding ebidensya. Mismong mga dokumento nagpapatunay na sya mismo ang nakikialam na magbigay ng pera sa mga congressman at sya din mismo ang nagdidirekta. Malinaw yun. Kaya matibay ang posisyon natin na sya, pwede syang makulong sa violation ng tinatawag nating false testimony.

Q: Saan sinampa yung kaso?

Gordon: Sa DOJ kasi hindi na sya public officer nung nagsinungaling sya.

Q: On congressmen included in the list of proponents

Gordon: There's already a recommendation that the Ombudsman file charges against everybody that has been involved para makapagpaliwanag sila. Pero kung hahabulin namin yan, ang habol namin in aid of legislation. It's the Ombudsman na dapat habulin ang mga involved dyan. Ang gusto ng lahat malaman kung sino ang behind Bolante. I think everybody knows who is behind Bolante. Biro mo, makakapaglabas ka ng SARO tsaka NCA in one day. Hindi naman bobo ang Pilipino eh. At pati na rin yung nagsasabi na kaya natin gawin na ipakulong si Bolante kahit na walang kaso, binobobo rin ang tao nyan. We have a rule of law. Kailangan yung ebidensya ilalabas mo. Kung di mo sya mahuhuli sa pagnanakaw, hulihin mo sa pagsisinungaling, sapagkat ang nagsisinungaling kapatid ng magnanakaw.

Q: Sino nga ba ang nasa likod nito?

Gordon: ib a pinaulit-ulit ko, di ba panahon ng eleksyon nung nagkaroon ng maraming pera ang DA? At dahil dyan maraming namatay na tao. Si Esperat pinatay. Si Mojica pinatay. Yan ang dapat imbestigahan, pero walang kumakagat. Bakit naman hindi nyo kakagatin? Pinatay na, nagnakaw na, yan ang dapat natin habulin yan. Katulad ko, pinatay ang tatay ko, ako mismo ang humuli sa pumatay sa tatay ko dahil ayaw na ng NBI kumilos. Kaya dyan ko naranasan na kung hindi ka kikilos, walang tutulong sa'yo.

Q: Eh paano yung Ombudsman mukhang wala naman mangyayari doon?

Gordon: Tatawagin ko ang Ombudsman pag wala silang pina-file. Pwede ko ba siyang ipakulong? Hindi. Unless mag-contempt siya. I can only lock him up temporarily for contempt.

Ang tanong ko kay Cayetano, siya ang nagsasabi nyan eh, noon bang nakaupo sya, kinontempt ba nya si Neri? Pinakulong nya ba? Natalo pa nga kami sa husgado.

News Latest News Feed