Press Release
November 28, 2008

Transcript of Sen. Mar Roxas' interview on DZXL-RMN

On the fertilizer fund probe:

Q: Seryoso ba kayong ipapakulong niyo na itong si Joc-Joc Bolante?

MAR: Ako pumirma sa resolusyon. At ako boboto na ma-contempt iyan. Dahilan sa sinungaling talaga e. Wala na akong mahanap na iba pang salita, sinungaling talaga e.

Q: Anong latest na kasinungalingan na sinabi niya sa inyo diyan sa Senado?

MAR: Sinabi niya wala siyang kinalaman, hindi niya alam. Halos parang clerk lang daw siya, pina-release lang niya tapos pinadala na niya sa regional field units. Samantala itong mga kawani ng DA, itong mga directors, diretsong sinabi na 'Sir ikaw ang tumawag sa akin', 'Sir ikaw ang nag-utos sa akin.' Pambihira naman.

Q: Tinuturo na siya ng mga tao niya pero pinipilit niya pa rin na hindi siya?

MAR: Ako mas naniniwala ako sa mga sinasabi ng kawani ng DA. Wala silang dahilan para magsinungaling. Nakikita nila sila ang madidiin ito. Yung mga kongresista, malalakas iyan. Si Joc-Joc, may koneksyon sa Malacañang iyan. Kung hindi sila magsasabi ng totoo, sila ang madidiin dito. Kaya sinabi na nila ang katotohanan na 'Mr. Joc-Joc, ikaw ang tumawag sa akin. Ikaw ang nagsabi na bilhin namin itong fertilizer na ito kahit na mali ang fertilizer. Ikaw ang nag-utos na bilhin namin ito mula sa supplier na ito.'

Q: Bakit pa kayo mag-hi-hearing? Bakit hindi na lang ituloy na iyan sa Bilibid?

MAR: Oo nga, dapat lamang. Kahapon nga nagdedebate kami. Kung made-detain si Joc-Joc, saan ba siya made-detain? Sa Senado ba? Sa ospital? O sa Munti? Marami sa amin nagsasabi sa Munti na.

Q: Baka pakainin na naman kayo ng isang bandehadong kasinungalingan sa hearing.

MAR: Hindi kami papayag na gawing parang circus o gagawing paraan ang hearing para magsinungaling at pawalan ng sala ang sarili niya o ang sa Malacañang, ang Pangulo. Kasi pwede ba iyan, P728 million sa gitna ng election, mare-release ng agad-agad in one day nang hindi alam ng Pangulo? Imposible naman iyan.

On the 'euro generals' probe/Ombudsman:

Q: Hindi pa daw nagbibigay ang PNP ng report sa inyo?

MAR: Mayroon nang preliminary report, in fairness to Gen. Versoza na nagsasabi na ito ang findings nila. Ang hinihintay natin, ang aksyon ng Ombudsman. Hindi ba, may kantang 'How do you solve a problem like ...? Ito, 'How do you solve a problem like Merceditas?'

Lahat ng kanyang fina-file na kaso, ang disensyo, defective, lahat para matalo, para mapawalang sala, para ma-dismiss, para hindi na makasuhan, para ma-whitewash, lahat itong mga kaibigan niya, mga kaalyado niya, at gusto niyang mapawalang sala. Saan ka nakakita� Unang-una, uupuan niya, tutulugan niya. Tapos pagka-file mali-mali para ma-dismiss. E talagang intended ito. E supposed to be ang agency na ito ang nangunguna sa anti-corruption. Pero sila pa ang pinaka-corrupt pa kasi ayaw nilang file-an ng kaso itong mga corrupt na ito.

Q: Pabor ka ba na i-impeach na itong Ombudsman natin?

MAR: Pinag-aaralan ko po iyan. Kung kinakailangan, ako pa mismo ang magfa-file niyan. Noong isang araw, sinabi ko iyan, dapat i-impeach itong si Merceditas.

News Latest News Feed