Press Release
November 28, 2008

Transcript of Senator Richard J. Gordon's press briefing
after fertilizer fund scam hearing

Q: Assessment on the hearing

Gordon: Napalabas dito na talagang tuloy-tuloy ang paglakas ng kaso laban kay Joc-Joc Bolante at nakita natin na talagang hindi kapani-paniwala ang mga sinasabi niya katulad nung sinasabi nya na plinano nila ito noonng 2003 samantalang may budget pa ng 2003 na dapat gamitin nyan. Tsaka pagdating ng 2004 nakakuha sila ng budget na SARO at NCA. Talagang makikita mo yung inconsistency nya talagang hindi nya tinatanggap lahat pero huling huli na, imposible halos na makakuha ka ng NCA at SARO at the same day, let alone be able to do all the things that he has done.

It has also proven na talagang si Bolante ang in-charge. Nakuha natin yung sinasabi nyang assessment, yung evaluation, yung pagpaplano, sya lahat ang gumawa, samantalang sinasabi nya hindi sya ang in-charge, pero ngayon napatunayan na talagang sya ang in-charge. Nakapaglabas tayo ng mga dokumento na sinasabi na yung lahat ng pinirmahan nya nandun, malinaw.. Tapos meron tayong witness dito na mahusay, si Assistant Secretary Araullo. At nagpatunay sya na talagang may memo sa kanya at nag-corroborate yung mga testimony ng lahat ng regional directors. Insofar as Bolante is concerned, I have no doubt in my mind that he has done all these foolish things.

Q: Motion to cite Bolante in contempt

Gordon: Ang patakaran namin ngayon, we will treat people with respect and we are going to have a meeting on Wednesday para lahat ng committee members will have a say para yung majority will govern. Actually we have a majority pero kailangan pa rin namin patunayan na hindi ito knee-jerk reaction na talagang nakikita naman sa record. Actually nakahanda na yan, ipapaliwanag ko lang sa kanila at talagang ia-attest na lang nila at magkakaroon ng minutes yun para mapaliwanag sa korte kung sakaling pupunta sya sa korte.

Ako, sa akin hinihingi nya nga i-lift na. Kung ako lang, ili-lift ko na yun kasi whatever he does is already on the record. Lahat ng sinasabi nya napapabulaan na ng record. Malinaw na malinaw na talagang nagsisinungaling. Sa akin, kahit ikulong mo yan, magsisinungaling pa rin yan. Darating naman sya sa December 8. Sa akin, it's really punishment, because he is insulting the Senate with all his evasiveness. I don't really need him to stay here so that he'll report. I just want to show everybody in the world that the Senate is not going to take that kind of foolishness, evasiveness and lying.

Q: Is Paule connected to Malacanang?

Gordon: (Jimmy) Paule, hindi natin alam kung connected sa Malacanang yan but I just want you to know that last night I spoke to Maritess Aytona, at about 1:00 in the morning. Sabi ko sa kanya, humarap ka dito at sabihin mo yung dapat mong sabihin. Nagpapaliwanag sya na puro iwas ang sinasabi nya. Mabuti dumating si Barredo at sinasabi nya si Aytona ang may kagagawan ng lahat. Aytona has to come out and explain kung paano nila ginagawa ito. Kaya hindi ako nagtanong kay Barredo dahil marami akong itatanong kung saan nanggagaling halimbawa yung pera, sino pinagbibigyan nila, paano nila napapasok yung mga opisina at lahat. At malinaw, nakikita naman ninyo na dahil eleksyon maluwag na maluwag sila kay Bolante.

Pero wala silang testimony na kilala nila si Bolante eh. Yung Paule sa tingin ko yun ang dapat natin makuha. Ipapa-subpoena ko rin yun si Paule.

Q: Darating ba si Aytona next hearing?

Gordon: Sabi ni Aytona, may note akong natanggap, sa next hearing haharap daw pero iba na ang abogado nya. Medyo nainis nga ako kagabi kasi ala-una na nandun pa, nag-usap na kami pagkatapos pinapasyal lang ako dun sa kanyang testimony. Sabi nya wala daw tumatawag sa kanya pero natatakot sya dahil marami daw umaaligid sa kanya. So, ano'ng ibig sabihin nun?

Q: Who is Paule?

Gordon: Si Paule is somebody na, yan ang taga-bigay ng pera sa kanila, yung binabayad. Hindi ko pa alam kung tao sya ni Bolante. Yun ang gusto ko matawag.

Q: What do you think of Barredo as a witness?

Gordon: Barredo is, I'm not really convinced that he is a very credible witness. Bato lang ng bato ng pangalan kaya ipinagpaliban ko yung interpellation ko until I can hear Aytona dahil may mga blank spaces eh. Right now he's accusing everybody. At meron akong information na ito umiikot, nanghihingi ng pera sa mga senador, naghahanap ng tulong na ibibigay sa kanya. Humingi sya ng proteksyon sa witness protection dahil nung nag-testify siya kila Sen. Magsaysay eh nagpunta daw sya kay Sen.. Flavier at humihingi sya ng pera para matulungan sya. Sabi nga nila Sen. Flavier, wala silang witness protection program, pero pwede syang i-recommend sa witness protection. Pero masyado sya mabilis magbitiw ng mga pangalan eh. Ang kailangan natin dito malaman kung ano'ng koneksyon, kung meron tayong mako-connect sa kanya dito sa mga matataas sa DA. Because obviously, proven na proven na ang talagang nagpapatakbo nito, ang nagdedesisyon kung papano ibibigay ang pera ay kay Bolante.

Q: Bolante admitted that he prepared the lists

Gordon: Yeah. In-admit na nya, dati hindi nya ina-admit yan eh. Nung lumabas na yung mga kasulatan, yung mga pinipirmahan nya at yung mga circumstances na napagkabit-kabit natin medyo hindi na sya makasagot eh. And don't think for one moment na kahit na sabihin nya na hindi totoo yun, kahit na lumulusot sya, with all the circumstances when you put it together, you have the story.

Q: When is the next hearing?

Gordon: Next hearing is on December 8. And by Wednesday, we can issue the warrant of arrest for him. Magmi-meeting kami on Wednesday, December 3.

Q: Are you going to issue an arrest order for Bolante?

Gordon: Like I said it's a punishment for lying to the Senate.

Q: Will he be detained here?

Gordon: He could be detained here. And as Rey Marfil wants (joking), he wants him to be detained at Pasay. He has recommended that, so we are considering it very seriously. (laughs)

Q: Yung request niya na alisan na ang security?

Gordon: But you know ngayon, that's another inconsistency. Dati sinasabi niya may papatay sa kanya, ngayon ayaw na niya.

Q: Sir, gano po katagal yung punishment?

Gordon: It would have to be dependent on what we discuss in the committee kasi hindi ba tinakasan niya ito, ayaw nya bumalik. Di pagkatapos ngayon sasabihin niya di niya na kailangan. Yun ang magpapatunay na binobola nya rin kami dun sa nagte-threaten sa kanya.

Q: Sir ang basis nung punishment is, he has been lying?

Gordon: Lying, yes. That's contemptuous conduct and I think we can prove that.

Q: for the past three hearings, including this hearing?

Gordon: Yes. Ang dami di ba yung passport, sabi nya sumulat, di naman sumulat. Yung sweldo nya di nya alam. Tapos sinabi ko meron ka pa palang P45 thousand bukod dun sa P200 thousand. Kaya ayoko hong sabihin eh kasi di ako sigurado baka ma-perjury ako. Yung mga ganun palusot yun.

Q: Sir yung request na alisin yung security nya?

Gordon: Ah hindi, hindi. Pagdedesisyunan ng committee yun.. Eh kung may mangyari dyan?

Q: Sir, sigurado na na pag-issue ng arrest order?

Gordon: Well, we already have 11 votes, 12 votes practically. Magmi-meeting kami at kung nagbago na ang takbo ng isip ng mga senador, kung sapat na yung kanyang, kung ayaw na nilang ipunish for contempt, wala. Pero kung gusto pa nilang ipunish for contempt, it's sure. Sigurado yan. Cause we already have votes. Pumirma pa nga kanina si Sen. Roxas. Hindi pwede kasing hindi pagmitingan eh.

Q: Sir can we say na the inclination of the committee is to arrest him?

Gordon: Yes, because everybody has signed. Everybody has signed. Ang problema lang di kami makapag-meeting because we are occupied by all these witnesses.

Q: Ano ang nakita nyo na pinaka-blatant lie?

Gordon: Madami. Pero this really condemns him. Yung sinasabi nya wala akong pakialam dyan, kinuha ko lang yung pera sila nagi-implement. Makikita nyo, andami kong mailalagay na sunod-sunod na mga pinirmahan nya, mga in-admit nya later, tapos yung sinabi nya na 2003 daw pero ginagamit nya 2004, nakakuha sya ng SARO. Tapos sinabi nung si Chio, tapos sinundan ngayon ni Araullo tapos lahat sila sinundan nila, may MOA at siya ang nag-uutos, di ba. All these are lies, all these prove that he was been lying from day 1.

Q: Even if he admitted kanina na he was the one to prepare the list?

Gordon: Ngayon na lang nya in-admit.

Q: Lahat ng directors kasama nya dito?

Gordon: Well, yun ang lumalabas kasi obviously tama yan e.. May local government, may mga regional directors na nagpakana nyan. So, kung yung regional directors ang nagpakana nyan at kumuha lang ng foundation, in-okay na nila, yun ang problema dyan.

Q: So next hearing darating na yung sa AMLAC?

Gordon: AMLAC, we gave them our opinion at malinaw it's the rules that say pag inutos ng korte o ng kongreso o ng competent authority, they will come.

Q: Wala bang initial info na binigay si Aytona?

Gordon: Wala eh. Very evasive din eh. And she was accompanied by her lawyer. She's just defending herself. She doesn't know Bolante, she doesn't know anybody na, pareho naman sila eh. Sabi nya ang ginawa nya lang yung pag-package nitong program, yung project proposal. Etong si Aytona, negosyante to dati, nalugi tapos nagbebenta sya ng mga gamot sa mga gobyerno. Alam naman nyo yang dalawang yan ang trabaho nyan eh parang influence peddling. Kakausapin nila, meron ka dito, siguro ganun. Tsaka alam nila kung paano gagawin, ano'ng kailangan para lumakad yung papel, gagawin nila yan.

Q: Possible na magkaroon ng confrontation between Aytona and Barredo?

Gordon: Definitely.

Q: Sir sa tingin nyo hindi naman totally credible si Barredo?

Gordon: Well, I want to wait for Aytona, because Aytona says completely different things that he says. At saka, alam mo madaling masabi kasi now the more exaggerated it is the more paniniwalaan ng tao. That's why, in fairness to all those who were mentioned, sumagot kayo.

News Latest News Feed