Press Release
November 18, 2008

Transcript of Interview in DZXL with Ely Saludar with Senator Manny Villar

Q: Kumusta po kayo, matapos na kayo ay tila pinagkaisahan ng mga ilang senador mayorya sir?

Villar: Okey na okey ako, very light ang feeling ko ngayon dahilan sa wala na tayong problema sa Senado. Alam mo mabigat ding problema yang Senado araw-araw, kaya ngayon, wala na, mas relax na ako. Wala namang nagbago dyan, wala akong sama ng loob sa ating kasamahan, naiintindihan ko na bawat isa sa kanila ay may kadahilanan sa kanilang desisyon at iginagalang ko yon.

Q: Ano po ang nakikita ninyong isa sa mabigat na motibo kung kaya't kayo po ay pinalitan sa pagiging Pangulo ng Senado?

Villar: Ayokong pangunahan at ayokong sagutin yan, sabi ko nga kanina kung anuman ang kadahilanan nila yan po ay iniiwanan ko na sa mga nakikinig. Alam ko po na ang ating mga kababayan ay may opinyon kung bakit nagkaroon ng pagpapalit sa Senado at maliwanag po sa isipan ng ating nakikinig, ayoko na hong sa akin pa manggaling.

Q: Senator, ito hong nangyaring pagbabago sa liderato ng Senado, tyempo ho na kayo ay umaangat sa survey, sa pinakahuling survey ng Pulse Asia kayo ay dikit na sa nangungunang si Vice President Noli De Castro 1% na lang po ang kanyang kalamangan kumpara sa nakaraang survey umangat ho kayo. Ano ang masasabi ninyo dito?

Villar: Kung napuna mo na yung 5 presidentiables ay bumoto lahat sa akin, kaya parang naging solid yung lahat ng presidentiable laban sakin, kaya bahala na po ang nakikinig na mag-interpret nyan.

Q. Ano po ang magiging bagong papel ng isang Senador Villar dito po sa Senado?

Villar: Pag-iibayuhin ko po lalo na yung ating trabaho, lalo na yung paglilingkod ko sa OFWs, paglilingkod sa ating mga nagsasariling kababayan, maging sa mga nagtatrabaho nating mga kababayan, yan po ay lalo kong pag-iibayuhin. Hindi po mababawasan ang aking pagtatrabaho maski po tayo ay pangkariniwang senador at nais ko pong sabihin sa ating mga nakikinig na nagmamalaki po ako sa record ng senado sa ating pong liderato, yan po ay makikita sa dami ng panukalang ating ipinasa, sa ating pakikipaglaban sa kalayaan ng Senado, yan po ay ipagpapatuloy ko.

Q. So automatic ho ba na kayo po ay magiging minority floor leader, paano ho ba ito?

Villar: Ayoko munang maging Minority Floor Leader dahil unang una ay iginagalang ko itong si Sen. Nene Pimentel at naniniwala ako na maganda yung kanyang ginawa bilang Minority Floor Leader at irerekomenda ko sa ating mga kasamahan sa Minority na siya ang ihalal na Minority Floor Leader.

Q. So kayo po ay magsisilbi pa ring fiscalizer?

Villar: Oo magiging fiscalizer ako at hindi tayo titigil sa pakikipaglaban sa kalayaan ng Senado.

Q. So dito po sa pagpapalit (ng liderato), ito hong bagong pinuno ay alam naman nating kaalyado ng administrasyong Malacanang, nakikita nyo ho ba na ang Senado ay mas kikiling sa Malacanang?

Villar: Tingnan na lamang ho natin sa mga darating na panahon. Ako naman ay kaibigan ko rin naman si Manung Johnny Ponce Enrile, mahirap ho namang husgahan. Tingnan na lang natin sa mga darating na panahon kung ano magiging takbo ng Senado

News Latest News Feed