Press Release
November 17, 2008

ROXAS STATEMENT ON SENATE LEADERSHIP CHANGE

"Sinuportahan ko ang pagbabago ng liderato sa Senado dahil nais nating matuloy ng walang tigil at walang pag-aalinlangan ang ating laban sa katiwalian, lalo na ang imbestigasyon sa fertilizer fund scam at sa iba pang anomalya na nakasalang sa Senado ngayon.

"Inaasahan ko na sa pag-upo ng bagong liderato ng Senado, magiging mas matatag ang Senado sa paghahanap ng katotohanan sa likod ng mga anomalya na naging estilo sa ilalim ng Arroyo Administration.

"Inaasahan din natin na lalong paiigtingin ng bagong liderato ng Senado ang integridad ng ating kamara at ang kapangyarihan nito upang mapigil ang anumang pagtatangka na baguhin ang ating Saligang Batas.

"Itutulak natin ang ating panukala na ayusin ang budget sa susunod na taon para maging handa ang ating pamahalaan para sa epekto ng global financial meltdown. Mahalaga na mabigyan ng pamahalaan ng karagdagang pondo ang mga programa para sa mga mahirap na Pilipino, lalo na ang mga mawawalan ng trabaho dahil sa patuloy na pagsama ng ekonomiya ng mundo."

News Latest News Feed