Press Release
November 15, 2008

Transcript of ambush interview of Sen. Mar Roxas after Euro Gen hearing

MAR: Sa akin ang paggamit ng intelligence fund without the authorization of the president. Ganun din sa GAA ang paggastos ng pera para sa biyahe ng mga magreretiro na. Lahat iyan ay nilabag so iyong sa BSP Act, supposed to be irereport ang paglabas ng pera sa ating bansa. Inako lahat ito ni Gen. Dela Paz, ang lahat ng ito. Kaya malinaw na malinaw na inihain niya ang kanyang sarili bilang violator nitong lahat. Siya lang ang makakalaboso dito.

Q: Cover-up?

MAR: Kung meron mang cover-up, inako na lahat ni Gen. Dela Paz. Ang tanong na lang dito ano na ang gagawin ni Omb Merceditas Gutierrez. Kung hindi pa naman gumalaw ito eh inako na naman ng violator, na siya ang may kinalaman sa lahat ng ito at hindi pa din gumalaw ang ombudsman, eh siya na ang dapat na ma-impeach. Dapat tanungin ng Senado bakit hindi pa din niya inaaksyunan ito.

Q: Convinced ba kayo na walang higher official ang involved dito?

MAR: Personally, kauupo pa lang ni Gen. Versoza so mahirap magsabi na siya tapos pa-retiro naman si dating chief Gen. Razon, so bakit naman niya ikokomit ang sarili niya sa isang katiwalian eh paretiro na siya. Maaari na gawa-gawa lamang ito ng mga heneral na magreretiro na. Palagay ko ito ay isa lamang junket, huling pagbiyahe nitong mga magreretirong heneral, nagpunta sila sa Interpol at nagtangka pang pumunta sa Europa at mag-shopping, may baon, may pabaong malaki. Sa totoo lang, kung hindi ito natiklo sa Russia, hindi na natin malalaman ito. Kung hindi nahuli at nakita ang pera, tuloy ang retiro at hindi na naibalik sa intelligence fund. Mahalaga na higpitan ang reglamento sa pagpapalabas ng pera sa kapulisan. Itong perang ito galing sa intelligence fund, ginagamit ng PNP laban sa mga sindikato, etc. ang paggamit ng pera na ito sa pagbiyahe ng heneral ay pera na hindi nagamit para sa katahimikan at proteksyon ng ating mga kababayan.

Q: Naabsuelto si Rentoy?

MAR: Culpability will depend on the specifics. With respect to Gen. Pestaño and Supt. Rodriguez, malinaw na ginawa nila ang kanilang trabaho. Sumulat sila na labag ito. at sang-ayon sa mga reglamento, basta sinulat mo na labag ito pero inako ng mas mataas saiyo ay ligtas ka na.

Q: Babaguhin pa ang committee report?

MAR: Dapat lang. On-going naman ito. More facts are uncovered, magbabago ang committee report. Ang isa pang mahalaga dito ay ang relasyon ni Gen. Dela Paz at iyong sibilyan, nalaman natin na ang kanyang pagnenegosyo sa PNP ay umabot na pala sa P100million. Kaya pala napakahalaga na close ka sa comptroller ng PNP para madali ang lahat. Pakita ng isang bahagi ng larawan sa kalakaran ng PNP.

Q: 45,000 euros para sa relos?

MAR: Pang-relo talaga. Suot niya sa kanyang kamay ang halaga isang bahay.

Q: Anong maaring gawin ng Senado mula sa nalaman nila sa hearing na ito?

MAR: Una, ang savings ng PNP maaari nating bigyan ng bagong patakaran bago magastos. Tulad ng pinakita ni Sen. Santiago, kumukuha sila ng proyekto tapos hindi ginagastos, nagiging savings, nagagastos sa ibang bagay. Savings ng lahat ng ahensiya dadaan sa isang proseso, bago magamit na slash fund, daan uli sa Congress. Pangalawa, iyong pag-audit ng intelligence fund dapat mas mahigpitan. Hindi lang iyong isang certification ng isang intelligence officer or agency officer sapat na, kailangan pati ang detalye ipakita sa COA. Pangatlo, itong labas pasok ng pera at auditing sa loob ng ahensiya ay maaaring mahigpitan. Ito ang ilan sa mga pagbabago sa batas na nagawa ng hearing na ito.

Q: Pupunta ba ang owner ng money changer?

MAR: Nagorder na ng summons. Circulate na ngayon ang pagpunta sa taong iyon.

Q: Kelan ang next hearing?

MAR: Malamang next week. Napiga na naman lahat, natira na lang just the surrounding things.

News Latest News Feed