Press Release
November 14, 2008

ABS-CBN's 'Umagang Kay Ganda' - 'Punto Por Punto' segment invterview of Senator Mar Roxas' on the fertilizer fund probe

Q: Paano mo isasalarawan ang testimonya ni Joc-Joc Bolante sa kabuuan?

MAR: Napatunayan, na kapatid ng magnanakaw ang singungaling. Malinaw na malinaw na hindi katanggap-tanggap ang kanyang sinasabi. P728 million na sabi niya, hindi alam ng Pangulo...

Q: Sa siyam na oras na testimonya niya, ano ang sa tingin mo'y nasabi niyang totoo?

MAR: Yung kanyang pangalan, at yung nasa magandang kalusugan siya. Sa totoo lang, dalawa't kalahating taon niyang pinaghandaan ang testimonya. Sasabihin niya na hindi niya alam lahat ng detalye, pero kung tatanungin mo naman ng malalim sa detalye, alam naman niya. Pangalawa, doon sa Estados Unidos, may mga sinasabi siya sa US Court of Appeals, na hindi naman niya sinabi kahapon.. Sabi niya kahapon, hindi lang siya nakapagpunta siya sa Senado dahil may mga engagements siya sa abroad. Samantala, doon sa Amerika, under oath, tinestigo niya na mayroong conspiracy daw laban sa kanya. Talagang sasabihin niya kung anu-ano, para lang mailigtas siya at maitakip itong anomalya.

Q: Masasabi ba na naisahan kayo ni Joc-Joc?

MAR: Hindi naman, dahilan sa ngayon, sinasabi niya na ang mga gumawa ng anomalya ay ang mga kawani ng DA. Aalamin natin ngayon. Tatawagin natin ang mga kawani at tatanungin sa kanya, kayo ba ang gumawa ng anomalyang ito? Kayo ba ang namili nitong foliage fertilizer, na hindi para sa palay at mais? Na overpriced, P1,500 imbes na P150 per liter, sabi ng CoA? Na maling panahon? Kung aaminin ito ng mga kawani ng DA, sila mismo. Kaya magkakaroon ngayon ng harapan kung ano talaga ang katotohanan.

Q: Na-anticipate naman ninyo na ganito lang ang gagawin ni Joc-Joc?

MAR: Ang ebidensya naman ay nakapaloob na sa Senate committee report. Kahapon, binigyan natin ng pagkakataon na masabi ni Joc-Joc ang kanyang panig. Sa mga sumusunod na hearing, makikita natin ang mga inconsistencies sa sinabi niya kahapon, doon sa ebidensya na hawak ng CoA at ng Ombudsman.

News Latest News Feed