Press Release
November 12, 2008

Transcript of interview in DZMM with Neil Ocampo with Senate President Manny Villar

Q. Mauuna po ang kamara sa imbestigasyon kay Jocjoc Bolante sa araw na ito, paano iyong sinasabi naman ng Senado na dapat sila ang mauna dito? Ano ba talaga ang gentleman's agreement niyo sa bagay na ito?

Villar: Bukas ay mayroong naka-schedule na hearing ang Senado. Ako naman ay walang natatanggap na liham mula kanino man para makiusap na alisin muna sa custody ng Senado si Mr. Bolante at dalhin sa kamara. Ang Senado ay hindi papayag diyan at makikusap kami na huwag naman ganoon. Anyway, pwede namang mag-hearing muna ang kamara na hindi si Mr. Bolante kaagad ang guest nila. Baka iyan na muna ang dapat gawin ng house.

Q. Ano po ba talaga ang standard operating procedure? Kailangan ba munang may verbal request sa inyo na ang house na muna ang mag-iimbestiga dito?

Villar: Pag-uusapan na lang muna namin siguro ang mga bagay na iyan. Kami naman ay hindi nakikipag-away sa Kamara. Subalit ang sentimyento ng Senado ay ituloy ang fertilizer fund scam hearing bukas.

Q. Sigurado na po na lalabas na ng ospital si Jocjoc Bolante bukas? May assurance po ba na dadalo siya sa hearing?

Villar: Mayroong assurance si Mr. Bolante. Sumulat siya sa amin na siya ay dadalo sa hearing ng Senado at iyon ay aming inaasahan. Wala na naman kaming nakikitang senyales na hindi siya pupunta.

Q. Naresolba na po ba ang jurisdiction sa kaso? Kung ito ba ay sa Senado pa rin o nasa Ombudsman na?

Villar: Nasa Senado. Ito ang posisyon ng buong Senado. Since, handa namang mag-appear sa hearing si Mr. Bolante, wala na sigurong magiging problema at magkakaroon ng maayos na hearing bukas. Kung ano ang sasabihin ni Mr. Bolante, ibang usapan na iyon.

Q. Naka-alerto po ba bukas ang mga doktor nito sa Senado? Kumpleto ba ang inyong facilities diyan sakaling mag-worsen ang kanyang kalagayan?

Villar: Mayroon naman kaming mga pasilidad ang Senado, hindi nga lang gaya ng mga nasa ospital. Pero maayos naman ang medical findings kay Mr. Bolante. Kung saka-sakali naman, malapit lang namang ang Senado sa ospital.

Q. Bakit hindi na lamang po pagsamahin ang pag-iimbestiga ng Kamara at Senado kay Jocjoc para iisang panahon at iisang gastos?

Villar: Hindi naman kasi napag-usapan iyan. Ang hearing ng Senado ay na-schedule na. Yang mga bagay na iyan ay dapat pinag-uusapan muna. Hindi rin lang naman ngayon nangyari iyan na parehong nag-imbestiga ang Kamara at Senado. Trabaho naman ng magkabilang chamber na mag-imbestiga ng kanya-kanya.

Q. Yung budget nga po pala ay pasado na sa 3rd reading sa kamara. Kailan po ito aaprubahan ng Senado?

Villar: Kami ay nakahanda na para diyan. In fact, matagal nang nagsasagawa ng hearing sa budget ang Senate Committee on Finance. Pipilitin naming mapagtibay ang 2009 national budget bago mag-pasko. Mahalaga na mapagtibay ang budget bago matapos ang taon para nang sa ganoon ay maabatan ang economic crisis at maipagpatuloy ng maayos ang mga programang bayan.

Q. Ito pong pagtulong nito sa mga OFWs ay ini-intriga ng inyong mga kalaban sa pulitika. Ano po ang masasabi niyo tungkol dito?

Villar: 33 taon na akong tumutulong sa mga OFWs. 26 years pa lang ako ay tumutulong na ako sa kanila. Matagal ko nang ginagawa iyan. Sa katunayan, tuwang tuwa ako na nakauwi na si Girlie sa Pilipinas. Ito iyong kasama sa batch na iuuwi ko from Jordan noong April. Nasa airport na ang batang ito, pero dinampot siya ng mga otoridad doon at ibinalik sa kanyang amo at pinagmalupitan siya. Hindi ko tinigilan ang kaso ni Girlie at di ako tumigil hangga't hindi siya naiuuwi sa Pilipinas. Ngayon nga ay nandito na siya at masayang-masaya na kapiling ng kanyang pamilya. Personal kong pera ang ginagamit ko sa aking pagtulong sa mga OFWs. Sa katunayan, dapat ay lahat tayo tumutulong sa kanila dahil napakarami ng mga OFWs na nangangailangan ng tulong.

News Latest News Feed