Press Release
November 11, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Ecudero

At Senator Chiz' office

On Joc Joc case..

May jurisdiction na ang blue ribbon committee sa kaso ni Joc Joc at sa katauhan ni Joc Joc, hanggat walang pormal at opisyal na liham mula sa House of Representatives address sa senado o sa blue ribbon committee walang aaksyunan ang senado, hanggat hindi sumusulat si Joc Joc na pupunta siya sa House at magpapaalam sa senado wala ring aaktuhan ang senado. Kahapon sumulat si Joc Joc na malagay muna siya sa ospital hanggat walang hearing, umaksyon ang senado, ang plenaryo ng senado don, kung hindi mangyari yung isa sa dalawang nabanggit ko walang kailangan aksyong gawin ang senado tungkol sa hearing na gagawin ng House bukas.

What if sumulat na sa Senate papayagan nyo ba siya (Joc Joc) na ipahiram sa Congress...

Plenary ang magdedesisyon nyan o hindi man ang mga member ng blue ribbon committee and magdedesisyon non dahil alalahanin natin nasa custody pa rin siya bagaman nasa ospital nasa custody siya ng senado sa pamamagitan ng sergeant-at-arms ng senado.

Hindi dapat unahan ng House ang senado?

Hindi ito question ng unahan, question ito kung sino ang may jurisdiction at yung tamang porseso kaugnay ng ganitong uri ng mga imbestigasyon o hearing doon man sa Kamara o dito sa senado.

Co-equal body yung House at senate...

Yung pagiging co-equal nag-aaply din naman sa kanila at sa amin yon, ibig sabihin hindi naman sa porket kami ang may custody mas mataas na kami sa kanila, ibig sabihin non may prosesong dapat sundan dahil nasa jurisdiction at custody siya ng senado sa ngayon.

Pero kay Bolante, he'l decide on his own...

Bolante cannot decide on his own dahil nasa custody siya ng senado, sa katunayan yung patuloy niyang pananatili sa ospital ay may basbas o pahintulot ng senado. Yung kanyang pagpunta sa Kamara kailangan din ng pahintulot ng senado. Hindi ko sinasabing hindi siya pahihintulutan pero sana dumaan sa prosesong nabanggit ko at kung wala pa naman non ni wala tayo kailangang pagdiskusyonan o pagdesisyunan ng senado sa ngayon.

Pero yung three-day notice ba na na ino-observe sa senate dapat ding i-observe sa House?

Halos pareho ang rules ng senado at ng House patungkol sa inquiry in aide of legislation., may mga exceptions din don, isa sa mga exceptions ay kung nakadetain yung isang tao, ang technicality nga lang don hindi naman nakadetain sa kanila yung tao.

So technically hindi talaga pede dahil dahil narecieve lang yan yong ngayon ni Bolante...

Sa kaso ng senado yung hearing namin walng three-day notice rule yon, pero exception yon to the rule dahil nakadetain siya at hindi naman tamang sundin pa namin yung three-day notice nakadetain na siya kaya sa lalong madaling panahon is-chedule na yung hearing.

How about sa House kung kanina lang umaga napadala...

technicality yon sa parte ng Kamara don papasok yung co-equal at inter-chamber courtesy kung sinusunod ba nila yung kanilang rules o hindi sila ang dapat at marapat magdesiyon non.

Pero kahit na hindi witten, kahit tumawag lang kay SP yung House...

Gaya nga nga nasabi ko formal at official communication galing sa House of Representatives addressed to the senate through the senate of the president or to the blue ribbon committee na siyang may jurisdiction na sa mga resolusyon na may kinalaman sa imbestigasyon kay Joc Joc.

Yung kanina yung nai-fax sa OSAA hindi yon formal communication...

hindi yon sa definition ko formal communication dahil copy furnished lamang yung kung saka-sakali, dapat naka-address sa senado dahil may jurisdiction na at nasa custody si Joc Joc gn senado.

Parang pambabastos dahil hindi man lang copy furnished si SP at sa OSAA at handwritten lang siya...

papasok pa rin yung inter-chamber courtesy basta ang tingin ng senado don hanggat walang pormal at opisyal wala kamiang aaktuhan, hanggat walang liham galing kay Joc Joc na nais niyang pumunta roon, imbes na sa ospital manatili walang aaksyunan ang senado.

Bakit hindi pedeng si SP lang ang magdecide, bakit lahat...

kahapon ang nagdecide plenary, prcedent na yon sa kasong ito, so kung may magdedecide man plenary or dahil narefer na sa blue ribbon committee wala ng jurisdiction ang plenary sa committee.

Pero sir the House can compel Bolante to come...

Hindi dahil invitation lamang ang pinadala nila, kung saka-sakali may compulsion later on darating yon, imbitasyon lang naman yung pinadala.

Kung hindi dumating si Bolante bukas (Wednesday) sa hearing at magpalabas din sila ng warrant...

Nasa sa kanila yon, desisyon nila yon kung saka-sakali, sa ngayon imbitasyon lang naman yung pinadala ng Kamar na pedeng i-reset o pedeng tanggapin o hindi tanggapin yung rason ni Joc Joc.

Posible ba yong concern na kapagka nauna yung House baka ipaaresto nila si Bolante maka-custody ng House at hindi makapunta ng senate...

Yan ang rason kung bakit nanghihingi ako at kailangan ng senado ng official coomunication dahil ang official communication pagkilala yon ng House sa custody at jurisdiction ng senado kay Joc Joc, at terms and condistions din ng pagpapapunta sa ilalim ng custody ng senado kaya hindi pedeng tawagan sa telepono, tsikahan pagnaga-usap kayo ng personal, dapat promal at opisyal.

Dahil nasa custody ng senate kahit ipa-contempt ng House hindi nila pedeng...

Pedeng i-contempt pero yung physical custody don marahil dapat mag-usap ang liderato ng senado at ng Kamara dahil hindi naman dapat magkaroon ng constitutional crisis dahil lamang kay Joc Joc, malaking krisis na yung nilikha niya sa mga magsasaka, hindi tamang constitutional crisis na naman ang idulot sa puntong ito.

Hindi ba ironic dahil mag-iimbestiga sila na halos lahat naman mahigit isang daan ang nakinabang (sa fertilizer scam)...

Magandang makita yon, may tumayo ngang isang member ng Kamara na nagsasabing oportunidad na ito ng 105 nasa Kongreso man o wala na magpaliwanag at sabihin dahil yung ibang nabanggit na nagpaliwanag naman eh, hindi ko natanggap to, ginamit lang ang panagalan ko, magandang marinig mula sa kanila ano nga ba ang estado nitong fertilizer scam dahil nabanggit ang pangalan nila.

Yun yung kahilingan ng isang member ng Kamara, hindi ko pedeng hilingin yon dahil na rin sa inter-chamber courtesy.

Hindi ito laro ng unahan, hindi ito karera, question ito ng batas, questino ito ng proseso, question ito ng jurisdiction at custody.

Wala daw choice ang senate but to respect co-equal...

Hindi officially na-inform ang mga senador, sinabi lang na mayroong hearing na nakaschedule, uulitin ko dapat promal at opisyal ang communication para formally at officially din maaaktuhan ito ng senado. Hindi pedeng bulungan sa caucus o usapan sa caucus o tawagan sa telepono, maski nga yung pinag-usapan sa caucus formally at officially in-adopt ng plenary at inaktuhan ng plenary.

Paano kung sabihin na Joc Joc na gusto niyang dumalo sa Congress...

Eh di sumulat siya katulad ng ginawa niya kahapon, sumulat siya sa senado sabihin niya nais kong mag-attend hearing at pagkatapos dedesisyunan yon ng blue ribbon committee members o ng plenary, palagay ko blue ribbon na dahil narefer na . Kung dadalhin siya ng OSAA don o hindi yung pagiging co-equal at pagrespeto kasama rin siguro yon sa kahilingan ko na dapat opisyal at pormal din naman, hindi yong base sa narinig sa ardyo, napanood sa TV o nabasa sa diario may hearing pala sila bukas eh sige padala natin, kailangan din naman yung opisyal na aksyon para rin naman maiwasan yung kinakatakutan siguro ni senator Lacson.

Yung pananatili nga niya (Bolante) sa ospital nagpaalam siya bilang pagkilala sa custody ng senado, ganundin kung lalabas siya.

Yes (kung magtetestify sa House under OSAA security pa rin).

Walang nagsalita, sinabi lang na mauuna silang maghearing, hindi napag-usapan yung prosesong binabanggit ko sa ngayon dahil ang mas major consideration sa caucus kahapon aling committee, ano bang status ni Joc Joc ngayon dahil arestado siya at nag-isyu ng warrant of arrest at pangatlo kailan ii-schedule ang hearing, patunay yon sa desisyon namin kahapon na bagaman alam naming Miyerkules ang hearing nila hindi nakipag-unahan ang senado o nakipagsabayan ang senado.

You don't see anything wrong kahit na pumunta si Joc Joc sa House basta dumaan sa preoseso...

Basta dumaan sa proseso at yun yung desisyon ng komite.

Sila Harry Roque disappointed sa Senate sobra VIP treatment kay Joc Joc dahil pinagbigayn pa...

Hindi ko ipagtatanggol at hindi ko ikri-criticize ang naging desiyon ng caucus kahapon, yun ying consencus ng mga miyembro at pinaliwanag naman ng mag nagsalita kahapon ang rason sa likod non.

On Binay declaration...

Ang bithday wish ko sa kanya ang birthday wish niya matupad din.

Threat ba siya (Binay) sa mga gusto ring tumakbo?

Hindi maikakaila na may base si Mayor Binay hindi lamang sa Makati kundi sa buong Pilipinas, isa siya sa mga stalwart ng opposition at dahil sa baho ng aministrasyon sa ngayon hindi pedeng tawaran ang kanyang kakayahan at kanyang kapabilidad. Happy birthday pa rin.

Ang sabi naman niya available siya ta wala pa namang desisyon ang oposisyon kung sino sa mga available.

What is your plan?

Masyado pang umga ang anuamng deklarasyon para sa akin sa 2010 at may nagdedeklara man at may maagang nangangampanya sa ngayon hindi ako makikipagsabayan.

Hindi nyo na ba mayu-unify pa, imposible na yon dahil ang daming...

Pagsinabi mong iyu-unify mo, ibig sabihin maraming may gusto at pag-iisahin mo, pagwala kang iyu-unify ibig sabihin isa lang, so na marami, maraming may gusto at maraming may intensyon, yun nga yung rason ba't ka magyu-unify eh, hindi kabawasan yon kung sak-sakali.

It's about time na malaman na kung sino ang tunay na oposisyon. At sino yung nagpapanggap lang...

Dahil nga unpopular ang administration hindi nating pedeng susubok na kumadidato na magsusuot ng maskara at ciostume ng oposisyon, totoo man o hindi hawak na ng mga kababayan natin yan sa kanilang pagboto kung sino nga ba ang nais nilang iboto pero sa panig at parte halimbawa ni mayor Binay hindi pedeng tawaran at ikaila na marami siyang peklat at pasa ng pagiging oposisyon at hindi pedeng tawaran ang kanyang pagiging oposisyon.

On unification...

Yon yung isang pipilitin naming gawin sa hanay ng oposisyon. Palagi naman posible eh, mahirap lang siguro.

Yung Erap at Binay tandem malakas ba yon?

Parehong stalwart nga rin ng oposisyon, dating Pangulo at maganda rin naman ang numero sa survey, so depende yan. Yung mataas sa survey ngayon hindi dapat magyabang, yung mababa sa surveyngayon hindi rin dapat malungkot, snapshot lang naman yon eh, ang talagang pagbabatayan ang halalan at botohan pagdating ng 2010.

News Latest News Feed