Press Release
October 30, 2008

SENATOR CHIZ ON JOC-JOC'S HOSPITAL ARREST:

Dapat magpatawag ng hearing sa lalong madaling panahon ang Senado para mabigyan siya ng pagkakataong sumagot sa mga tanong at magpaliwanag hindi lamang sa Senado kundi sa sambayanan. Yan ang pagkakaiba ng imbestigasyon ng Ombudsman at iba pang ahensya. Ang imbestigasyon ng Senado, makikita at mapapanood ng ating mga kababayan. Bukas para sa kabatiran ng lahat.

Effectively, nasa custody sya ng Senado at dapat alamin ng Senado kung talaga nga bang may sakit sya. Dahil kung may sakit sya, hindi naman tama na hilahin sya sa Senado dahil baka kung ano pang mangyari sa kanya. Pero kung wala syang sakit at umaarte at nagdadrama lang sya dapat alamin din ng Senado upang sa ganon hindi yan magamit "for health reasons" para maka-eskapo sa jurisdiction ng Senado. Tingin ko kasi dyan, bakit pag VIP, pag mayaman yung hinuhuli, imbis na dalhin sa kulungan, dinadala yan sa ospital palagi. Yan ang tila nangyayari sa ating bansa. Itong mga nagdaang taon, bakit pag mahirap ang hinuhuli, deretso agad sa kulungan at ni walang karapatan na madala sa ospital maski na may sakit sya. Sana walang double standard.

News Latest News Feed