Press Release
October 25, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' interview in DWIZ with Cely Bueno

On the global financial crisis

Q: Ano ang naging tugon ng Palasyo sa panawagan ninyong multi-party summit?

MAR: Wala pa naman. Ganyan naman ang normal sa Palasyo. Deadma sila sa pangangailangan ng mga kababayan natin. Talagang hindi natin matatanggi na nagkakagulo na sa pandaigdigang ekonomiya. Yung mga bansang Amerika, Japan at Europa ay nasa resesyon. Kaya talagang maapektuhan tayo dito. Subalit, ang pahayag mula sa Palasyo, mula sa kanilang mga tagapagsalita ay tayo ay nasa okay. Lulutang pa rin tayo. Pero palagay ko lumang tugtugin na yan. Kasi talaga namang mapektuhan tayo rito. Hihina yung ating mga exports. Hihina yung ating mga binebenta sa mga bansang yun. At pati na rin an gating mga kababayan doon sa mga bansang yun�yung ating mga OFW�ay maapektuhan din. At yung kanilang mga remittance ay baka mabawasan.

Hindi naman tayo nagpapalaki o nagpapagulo lang dito. Ang problema natin ay nakikita na natin yung napipintong bagyo. E ngayon pa lang maghanda na tayo. Katangahan na ito kung papasok na ang bagyo, tapos hindi pa tayo maghanda.

Q: So ang sinasabi niyo ay maghanda tayo sa mga posibleng scenario sa susunod na panahon?

MAR: Tama yun. Yung isang malaking kasangkapan na pwede nating gamitin bilang proteksyon laban sa lupit ng bagyo ay yung budget ng gobyerno.. Ito, alam naman natin, binalangkas pa last year pa. At ang mga assumptions niyan e hindi na umiiral ngayon. Kaya mahalagang mahalaga na baguhin natin ito at mag-realign tayo kung kinakailangan. Ilagay natin doon sa mga pangangailangan para maproteksyunan natin yung mga trabaho at hanapbuhay na sa kasalukuyan ay nandito sa atin ngayon.

Q: Sabi ni Senate Committee on Finance chair Sen. Enrile, hindi na kelangan gumawa ng major revisions dahil yung priority na sinasabi ninyo ay siya ring priority na nasa nakasama na.

MAR: Nagkakaiba po ang aming pananaw dito. At siguro bibigyan ako ng pagkakataon ni chairman Enrile na ipakita't ipaliwanag sa kanya kung papaano pa natin mapapaayos itong budget na ito at nang sa ganoon ay magamit natin ito sa proteksyon ng ating ekonomiya.

Ang budget na ito, binalangkas ito, business as usual. Akala nila sisikat ang araw at mahinahon ang panahon. E ngayon malinaw na malinaw na may bagyo. Huwag tayong magbulag-bulagan na hindi tayo maapektuhan. Iba naman yung propaganda na matatag, maayos tayo, at iba naman yung katotohanan na talaga namang maapektuhan tayo nito.

Q: Sinisikap ng Kamara na maipasa ang budget. Pagdating ba nito sa Senado e marami kayong babaguhin?

MAR: Ako sisikapin ko talaga na baguhin ito. Unang una sa realignment of priorities. Halimbawa, kung may bagyo, uunahin ba natin yung drainage o uunahin ba natin yung butas sa atip, o uunahin natin yung bagong upuan sa bahay? Hindi ba dapat gamitin natin ang pera para hindi tayo maanod ng baha?

News Latest News Feed