Press Release
October 23, 2008

Partial transcript of Senator Mar Roxas' grilling of officials at Senate foreign relations' committee hearing on the "euro general" controversy

Senator Mar Roxas questioning PNP Director-General Jesus Versoza:

MAR: This is more a question regarding your reactions. Your reaction is ordinary course of business ito, papaimbestiga. Hindi ka ba, sa kalooban mo, ikaw mismo, bilang pinuno nitong PNP, hindi ka ba interesadong malaman agad-agad ano ba talaga ang nangyari? Pinatawag mo ba itong lahat? Ano ba ang reaksyon mo? Hindi ka ba nainis na naputikan yung dangal ng PNP? Hindi ka ba nainis na pinalusutan ka? Hindi ka ba nagtataka, na sino ba ito na itong P7 million, labas-pasok sa PNP, 'Ako yung chief PNP, hindi ko alam.' Hindi ba ito pumasok sa kalooban, sa kaisipan mo?

Versoza: Masama po ang loob namin, at ng PNP, at nangyari ito sa ibang bayan. Kami po ay gumawa ng ibang kaukulang mga steps para maimbestigahan at ma-review ang aming current policies. Mayroon kami ngayong malawakang review, at tinitingnan namin ang mga posibleng na-violate. We will be coming up po doon sa mga policies na ito, para sa mga susunod na biyahe ng aming mga pulis ay sana'y maayos at properly accounted.

MAR: Bakit hindi niyo pinatawag? Bakit walang preventive suspension? Bakit hindi man lang command conference? Baka ayaw niyong malaman ang katotohanan.. Baka maraming madadamay sa katotohanan, kaya mabagal at hindi pursigido ang imbestigasyon.

First of all, itong pera ba, sa PNP ba nanggaling o hindi, at sa anong account? Simpleng-simple ito. E kahit yung tao sa carinderia, alam niya kung saan galing ang pera niya. Yung pangkaraniwang negosyante sa ating bansa, magpapadala ng salesman, alam niya kung saan galing yung pera. Sa ibang ahensya, palagay ko naman alam nila kung saan galing ang pera. Pero ikaw, bilang chief PNP, ang hirap tanggapin na hindi mo alam kung pera ng PNP ito o hindi.

Versoza: Sinabi sa akin na galing ito sa PNP.

MAR: But what steps did you ascertain na katotohanan ito? Hiningi niyo ba yung voucher?

Versoza: They said they would give their statements in the investigation body.

MAR: Ito ba'y katanggap-tanggap sa iyo? Okey na ba ito sa iyo o hindi? Kasi yung normal, tatanungin mo, anong checking account pinanggalingan ito? Sabi mo naman hindi galing sa bank account. Sabi mo galing sa petty cash. Hanggang sa ngayon, hindi mo masabi talaga kung pera ng PNP ito o hindi.. Ang sinasabi mo, batay lang sa sinabi sa iyo. Pero pati ikaw, parang umiiwas ka, ayaw mong pangatawanan yung sinasabi sa iyo, mga reports sa iyo ng iyong katauhan. Pine-preface mo yung iyong sagot by saying 'sabi nila.' Pero ikaw mismo, walang kumpyansa sa sinasabi mo sa amin.

May katungkulan kayo. Baka nangingibabaw sa iyo yung personal na relasyon mo sa dalawa, na pinagbibigyan mo sila kaysa doon sa malaman mo ang katotohanan. Bakit parang hirap na hirap kang tanungin?

Versoza: We want to accord them the due process.

MAR: Papaano yung due process ng sambayanan,. Supposed to be, pinanghahawakan mo, aalagaan mo yung batas natin at yung pera ng ating sambayanan. Ganyan ba, labas-pasok lang yung P7 million sa PNP?

Senator Mar Roxas questioning DoJ Secretary Raul Gonzalez:

MAR: Mr. Secretary, your department is called the Department of Justice. It would seem to me that when you see injustice, when you see violation of the law, regardless of who authorized or who approved it, you would undertake such steps as to correct the violation.

Gonzalez: Your honor, not ipso facto. There should at least be somebody to bring the case before us.

MAR: I will bring the case before you. Because, it is very clear. Why do we spend hours here in Congress writing up a budget act if nobody will follow it? This is the money of the people. We are saying the money of the people, para naman may return ang bansa natin sa paggastos sa biyahe, dapat more than one year bago sila mag-retiro.

Nagmumukha dito, Mr. Secretary, na para kay De La Paz, for the others within one year of their retirement, this is like a goodbye tour. 'O magbiyahe muna kayo sa Europe, sa Moscow, bago kayo mag-retiro. Kasi ano ang pakinabang natin?

News Latest News Feed