Press Release
October 20, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' interview on DWIZ's 'Karambola'

On Roxas' Senate Bill No. 2688, to double the present deposit insurance coverage:

MAR: Yung ating kababayan, nanganganib sila, dahil yung savings nila, yung pinagsakripisyuhan nila, ay baka matangay ng financial tsunami na ito. Sa ngayon, P250,000 ang garantisadong savings ng PDIC. Sa panukala ko, doblehin natin, gawin nating P500,000. Tatrabahuin pa natin. Mahaba pa nga na idadaan pa iyan sa batas, simpleng-simpleng lang iyan e. Pwede naman, kusang loob ng PDIC, ideklara iyan, tapos sa budget, gagawin natin kung kinakailangan ng pondo, ay sa supplemental budget ay pwedeng pumondo ang gobyerno doon.

Q: Pwede ba iyon under the PDIC charter?

MAR: Nasa actuarial lang iyon. Isa itong halimbawa ng sinasabi kong repasuhin natin ang budget, kasi ginawa ito noong regular pa rin yung panahon. Ang mga assumptions sa GDP growth, sa inflation, interest rate, peso-dollar exchange rate, yung sa oil prices, lahat ng assumptions ay obsolete na, hindi na effective.

I'm sure sasabihin ng PDIC na kulang ang kanilang pondo at kapital para garantihan ito. Naiintindihan natin iyan. Ang importante ay na ang gobyerno muna ang tumulong dito, tapos sa loob ng limang taon, sampung taon, ang PDIC na ang magbabayad sa gobyerno. Yung pondo naman ng PDIC, nanggagaling iyan sa mga insurance premium na binabayad ng mga bangko. Para hindi sila mabigla, babayaran nila ito, tataasan nila ang insurance premium, pero sa mahabaang panahon.

Pero ngayon, ang gobyerno ay maaaring tumayo diyan bilang guarantor nitong mga deposito. Yung banking system, kumbaga sa katawan, siya yung sistema ng mga ugat at mga artery, kung saan dumadaan yung pera. Kung may blockage iyan, di may heart attack.

Q: On revising the budget due to the financial crisis:

MAR: Ikinalulungkot ko na ang gobyerno, naniniwala sila sa kanilang propaganda, na everything is okay, nararamdaman yung kaunlaran. Okey lang naman na sabihin iyan, para hindi mag-panic yung mga kababayan natin, pero mali naman na paniwalaan yung propaganda. Dapat paghandaan natin ito. Nakikita na natin na parating na yung bagyo. Nakikita natin na mataas yung tubig, malakas yung ihip ng hangin. E kung hindi pa tayo maghahanda, katangahan na ito.

Yung domestic economy, ay palakasin natin. Paano? I-concentrate natin, i-realign natin ang budget para nasa agrikultura, nang sa ganoon, halimbawa yung inangkat na 2 million metric tons of rice, worth P70 billion, imbes na ibinayad natin iyan sa Thailand o sa Vietnam, kung dito inani iyan, Pilipino ngayon ang makakatanggap niyan. So malaking tulong ito sa ating mga kababayan. Ito'y isang halimbawa sa sinasabi kong repasuhin ang budget, para magamit itong pera, mapatibay natin, mapalakas natin, maprotektahan natin, yung ating domestic economy. Ang trabaho, hanapbuhay ang nakasalalay diyan.

Q: Dapat raw tingnan ang Official Development Assistance.

MAR: Repasuhin natin sa budget. Tingnan natin iyan, para lahat ng pera natin, e kakaunti na nga ng pera natin, kung saan pa napupunta, sa pulitika, kung saan-saan. Kaya mahalagang-mahalaga na itong pera ay mapunta sa pinaka-priority, lalung-lalo ngayon na parating na ang bagyo, dapat patibayin natin ang ating pader. Yung bubong natin, ayusin natin. Yung drainage, ayusin natin. Mga halimbawa lamang ito sa paghahanda laban dito sa financial tsunami na talaga namang parating dito sa amin.

Lalakas pa ito. Takot talaga ako sa second at third wave. Yung second wave, ito yung pag-kansela ng mga orders mula sa Amerika at Europa ng ating mga ine-export. Mga trabaho ang nakasalalay diyan, at lahat ng mga nagsu-supply sa mga kumpanyang ito. Ang third wave, ito yung mas matindi. Kapag humina ang mga ekonomiya doon, pati yung mga OFW natin, maaapektuhan. Either mawawalan sila ng trabaho o liliit ang kita nila. Liliit din ang papadala nila rito. Iyon naman talaga ang nagsasalba sa ating ekonomiya, ang mga OFW. So iyon ang mas matindi para sa atin, kaya sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan, mararamdamin natin iyan, at dapat paghandaan talaga natin iyan.

News Latest News Feed