Press Release
September 29, 2008

Privilege Speech of Sen. Alan Peter Cayetano

The President Pro Tempore. Before that, Sen. Alan Peter S. Cayetano is recognized.

MANIFESTATION OF SENATOR CAYETANO (A)

Senator Cayetano (A). Mr. President, because Senator Madrigal refused to be interpellated, I would just like to make a manifestation.

First of all, I do not know who is she referring to as an attack dog and I do not know who let the dogs out. But I am a lover not a fighter. So I am here not to attack them but to see if their allegations are true and correct, and to support them if said allegations are correct. But to set the record straight, kung mali. The test of an accusation is to allow people to poke holes at them. For almost three weeks now, both Senators Lacson and Madrigal, who have been attacking the Senate President but who calls other people attack dogs, have maneuvered to have the Floor in the Senate, yet, have refused to allow us to ask them questions on interpellations. Our interpellations would either prove them right that there is something to investigate or it will show, as we said pulitika lamang ito. If she allowed me to ask questions, my first question would be.... Paulit-ulit sila ni Senator Lacson na hindi pulitika ito.

I would have asked them....When we first won in 2007 and Senator Estrada invited us to his house, I was as a neophyte senator hoping we would talk about anti-graft moves, we will talk about platform, we will talk about how we will together in the CA fight corruption or block some members who will be confirmed who are known to be dictatorial in tendencies. I was looking forward the Opposition will be united.

But in the first three meetings that I had with Senator Lacson and Senator Madrigal, iisa ang narinig ko eh, tanggalin natin si Senator Villar bilang Senate President. At inamin na rin ito ni Senator Madrigal after the last break when she was asked by the Senate media, mayroon bang coup? At sabi niya, dapat tanggalin si Senator Villar.

And what is the truth? The truth is, may mga miyembro na pababa nang pababa sa survey at nagungulelat na at si Senator Villar naman ay tumataas both sa Pulse Asia, sa SWS at sa iba pang mga surveys, not only as his preference for president but also as the performance of the Senate. And the credit should not only go to him but to all senators. In fairness, napakarami dito na napakasipag na mga senador na napakaraming naipasa. Si Senator Escudero, Senator Angara, Senator Legarda, Senator Honasan, Senator Enrile. I mean almost all here, napakaraming naipasa, except for a few. But almost all, napakaraming naipasa. So the credit should go to all of us. That is why I wanted to ask her, kung pulitika lamang ba ito o hindi? Because right after this accusation, she was asking him to step down. And then Senator Lacson is asking him now to resign. They keep repeating themselves, na kung takot ka o kung hindi ka guilty, bakit ayaw mong magsalita. Eh kami po ni Senator Arroyo, tatlong linggo na kaming naghihintay na magtanong sa kanila eh. So, kung totoo ang allegation nila, bakit hindi sila sumagot? Do unto others as you want others to do unto you. She keeps mentioning Senators Osmeña and Quezon, two days, three days nagsalita. Ang kaibahan, iyong quality ng accusation sa kanila. Noong araw kapag nag-akusa ang isang senador ng kapwa senador nagre-research muna.

Pero let me congratulate Senator Lacson and Senator Madrigal because they believe in recycling. Isipin mo sampung taon na speech iyon, na-recycle pa nila, dinala pa sa Senado. But okey lamang, kung gumawa ng sariling research. Ang ganda-ganda ng power point eh. Nakita ko iyong power pero walang point eh. Ang sabi ng professor ko sa law school, "When you are strong in the facts, pound on the facts. When you are strong on the law, pound on the law. But if you do not have both, no facts, no law, pound on the table." Iyon ang ginawa ng dalawa. Palakasan ng boses. Pagandahan ng power point. Pero any lawyer will tell us, this is a media play. Kasi sa batas, hindi puwedeng may kapsyon ka lamang, sabihin nila magnanakaw. They have to allege. Ano iyong factual settings? Ang sabi ni Senator Madrigal, P42 billion allotment, na-corner ang 40%. Hindi niya sinabi kung paano eh. Kasi ang totoo niyan walang kinalaman si Senator Villar o iyong mga kompanya niya sa GSIS, SSS at PagIBIG. Ang buyer ang umuutang doon sa Pag-IBIG, SSS, GSIS at walang pakialam ang GSIS, SSS o Pag-IBIG kung kanino sila bumili, sa Ayala, sa Megaworld. Sa kung anumang kompanya sila bumili, walang pakialam ang GSIS, SSS o Pag-IBIG doon. But she did not even give us the breakdown. Paano niya nasabing 40%? Ang sabi niya may cards daw na kapag Villar, eh bibigyan ka ng priority. Napakahirap namang paniwalaan iyon. SSS sa buong Pilipinas, GSIS sa buong Pilipinas, mayroon silang card na kapag Villar ang bibilhan mo, uunahin iyong loan mo. But it could be true. Mahirap paniwalaan but it could be true. But did we see any proof? Eh, iyong tip of the iceberg na iyan napakatagal ko ng naririnig iyan, three weeks na iyang tip of the iceberg na iyan. At kung titingnan natin iyong sinasabing GSIS explosive, iyong mga pangalan ng Villar, pamilya nila, kompanya nila, sana hindi na sila naghirap, sana kumuha na lamang sila ng kopya ng statement of assets and liabilities ni Senate President Villar at ni Congresswoman Cynthia Villar dahil nandoon naman eh. And that is the reason why hindi na kailangang tumayo si Senator Villar dito for three days or two days dahil noong panahon ni Quezon at ni Osmeña wala pang Republic Act No. 6713 at wala pang Republic Act No. 1319 na nagsasabing magdi-disclose tayo ng financial interest. Wala naman silang sinabi na hindi disclosed, eh. Ang Vista Land po ay isang publicly listed company. Lahat po ng sinabi niya kung pumunta siya sa Internet at pinindot niya iyong VLL or Vista Land at tiningnan niya iyong disclosure ay nandiyan din, eh. Parang gusto lamang niyang sabihin sa tao, dahil iyong tao ay kumita at yumaman, huwag tayo sa kanya. Nakalimutan niyang sabihin na noong 1989 ay hindi pa congressman si Senator Villar.

Pangalawa, hindi niya sinabi,--tatanungin ko sana sa kanya pero takot ngang magpa-interpellate--na ang Tool Regulatory Board (TRB) ang gumawa ng daan. Walang kinalaman ang mga kumpanya o kung sino mang may lupa doon. Nakalimutan niyang sabihing panahon pa ni Marcos ay ginagawa na iyong plano ng C-5. Nakalimutang sabihin ni Senator Madrigal na ang harap ng lupa ng mga kumpanyang binabanggit niya ay Sucat Road. Pinapalabas niya na kaya nagmahal iyong lupa dahil ang katabi iyong gagawing C-5 Extension. Sayang at wala akong dalang mapa dahil hindi naman ako kasama sa kumpanyang ito. Pero ang problema, sasabihin ni Senator Lacson na hindi niya ako sasagutin, tapos titirahin niya ako. Ganoon din si Senator Madrigal. Sasabihin niya na hindi siya willing na magpa-interpellate pero kung anu-anong kataga ang nilalapit niya sa akin. Kaya sasagutin ko na rin.

Kaharap po noong property na sinasabi niya--kaya binili ng Ayala ng ganoon--dahil kay Senator Villar. Sino namang tatanga-tangang real estate company, ito Ayala pa, ang bibili ng lupa na ang halaga ay isang libo at bibilhin nila ng biente mil kung walang halaga iyong lupa dahil lamang ang pangalan ng may-ari ay Villar?

Binili nila dahil tutubo sila. Dahil sa binili nilang biente mil kada metro kwadrado, mura pa para sa Ayala iyon dahil condominium at high rise ang itinayo nila doon. Bakit? Ang karahap na kalye ay Sucat Road.

Iyong sinasabi niyang P10,000 na BIR zonal valuation, sa residential iyon at doon sa likod niya kinuha at hindi sa harap ng Sucat Road. Papaano ko nalaman iyon, G. Pangulo? Doon po ako lumaki sa BF Parañaque. At ang bisyo ko noong panahon na iyon, iyong hopper ko, mabigyan lamang ako ng aking ama ng pang full tank, wala akong gagawin kung hindi ang umikot doon, sa Tahanan Village, sa Sucat, sa Alabang-Zapote Road papuntang Moonwalk, iyong sinasabi niyang Daanghari.

Tip of the iceberg. Sana magpa-interpellate next week. Bakit? Iyong Daanghari, sinong dalawang pinaka-nakinabang? Una, ang National Penitentiary, dahil napakalaki ng lupa ng National Penitentiary.

Ang pangalawang pinakamalaking nakinabang ay ang joint venture ng Madrigal family at ng Ayala sapagkat ang Madrigal Business Park ay katabi mismo ng Daanghari. At iyong buong Ayala-Alabang ay joint venture ng Madrigal family. Katabi naman noon, iyong tinatawag na Botika Boie ng Araneta family. Pero hindi pinadaan doon at sa tabi noon dumaan. Nakinabang din iyon. May masama bang ginawa ang pamilya Madrigal? Wala naman po. Bakit? Iyong kalye na iyon po ay 1950s pa, eh. Pero noong ipinagawa ng gobyerno ay tumaas ang halaga doon. Ilang porsyento ang lupa ng korporasyon ni Senator Villar ang nandoon sa Daanghari, 7%.

Katulad din noong binabanggit niya ngayon na C-5. Ang kinuhang lote sa kanilang right of way ay tatlong ektarya, more or less, or more or less, 5%. Hindi niya binanggit iyong 95%. Hindi niya binanggit lahat ng katabi na ganoon din ang presyo halos noong binili, ganoon din binenta. Bakit? Sabi ng Constitution, "fair market value". Ang sabi ng Constitution natin, kailangan "just compensation". Ang fair market value ay nasa ibang batas. Sa Constitution natin ay nakalagay "just compensation". What is "just compensation"? The amount you pay to a seller who is not obliged to sell but is willing to sell and the amount that he is willing to accept for that and the amount willing to be paid by a buyer who is not obliged to buy but is willing to buy.

Pero makikita natin in both instances in that area, mas mababa sa zonal valuation ng BIR. Tatanungin ko rin sana kay Senator Madrigal kung kilala niya ang isang napakarespected na legal luminary na walang iba kundi si Justice Serafin Cuevas. Dahil--aywan ko kung anong school ang pinag-aralan nila, pero baka sa kanila bawal ang homework. Kasi dito sa Senado, ilang beses kong narinig kay Senator Enrile noong unang linggo natin, "Do your homework", sabi sa aming mga freshman. Seven years ng senador si Senator Lacson, nasa bicam siya, bawat isang binago sa budget alam niya, may kopya siya, pumirma siya. Napakatagal na ng kalyeng ito, napakatagal na ng negosyo ni Senator Villar, bigla noong nag-announce siya for President, biglang nagising siya na, "Hoy, saan itong C-5? Hoy, saan itong kumpanya ni Villar? Hoy, ano itong double insertion?" Kasabay din noon biglang na-research ni Senator Madrigal--"Hoy, itong C-5. Hoy, itong dadaanan na Daanghari."

Mr. President, we owe it to ourselves to get to the bottom of this issue. But how will we get to the bottom of this issue, if we are going to do it this way? They give speeches. We give speeches then there is a media frenzy. I thought we believe in due process. I thought as senators here, we can debate and we can argue with each other. I believe doon sa sinabi ninyo, and I believe in the leadership of Sen. Jinggoy Estrada. Sinabi po ninyo, "I may disagree with what you say, but I will fight to make sure you will say it."

Kaya nga ako tumayo kay Senator Lacson, e, two-way street iyon. Hindi ko siya pinagbabawalang magsalita at ipapakita ko sa kanya iyong precedent doon sa dating Senado na pag hindi mo sinabi iyong nature ng speech mo, puwedeng hindi ka patayuin. Bakit? Kung two subject matters, same subject matter, dalawang beses kang tatayo at hindi ka magpapa-interpellate, lugi naman iyong mga taong tinatamaan ng speech mo.

In the end, Mr. President, what do we want? So, flavor of the month natin ngayon si Senator Villar. What if tomorrow, No. 1 sa survey is Sen. Jinggoy Estrada. Do I ask the Chair, "Senator Jinggoy, ano ba ang kotse mo? Magkano ba iyang necktie ninyo? [Shouting] Tumayo ka dito. Ipakita mong lalaki ka! Ipakita mo ang mga negosyo mo; na hindi mo kinita iyan. E, paano kung sa susunod na araw, si Senator Escudero naman ang pinakamataas na survey? Tatlong linggo na naman tayong ganito. E, paano kung sa isang linggo si Senator Kiko may ini-insert, e, sa ARMM pala iyon dahil talagang kaya nagkakagulo roon ay walang kalye? Puwede ko rin siyang iskandaluhin na ganito na walang fairness.

Kung gusto nila ng debate, gusto rin namin. But they are mistaking my passion for the truth and my loyalty for a person. I am talking here not because absolute iyong loyalty ko kay Sen. Manny Villar, but because nakikita ko na this is a demolition job. At ang masakit sa akin--actually, wala akong pakialam kung may demolition job sila. Ang problema hinayjack itong plenary na ito. I did not run for the Senate and I did not come to the Senate for this. Nawawala ang focus natin sa Malacanang. Last 17 months na lamang nila at pinag-uusapan na cha-cha. Alam nating pag last few months nandiyan iyong midnight deals.

Hinati na iyong Oposisyon noong 2004. Right after 2007, hinati na naman nila ang Oposisyon, at ngayon hahatiin na naman nila ang Oposisyon. Eyes on the ball naman. Hindi iyong corruption kay Senator Villa rang issue dito. Ang issue dito ay ang corruption na nangyayari sa buong Pilipinas. Si Senator Villar, imbestigahan natin. May hearing na nga sa Monday. Na-refer na iyong resolution, nag speech pa not once, but twice. Na-refer na iyong sinabi ni Senator Madrigal, nagsalita pa rin dito at hindi pa raw tapos. Next week pa. Bakit? Tumitingin sila kung papano sa media, e. Kasi ngayon nagsu-survey. Gusto nila every other day magsasalita sila para wala ng laman ang diyaryo, wala ng laman ang radio at telebisyon kundi expose nila.

But anyway, Mr. President, I am happy that before we give them a chance to speak, may ipinapasa muna tayong batas na ini-sponsor ni Senator Angara. And I am hoping in the next coming weeks, kung gusto nila ng debate, kahit wala dito, kahit walang media, doon kami sa press room, doon kami sa Padilla Room, sa Tanada Room, I am ready, I am available, and I promise I would not bite. Thank you, Mr. President, at salamat sa oportunidad na ito.

News Latest News Feed